Kabanata 7: Layla

1597 Words
Natatawa kong pinanood ang Boss ko. Kung makaarte ito ay parang ngayon lang siya nakakita ng paa ng manok. Napakaarte. Baka nga ito pa ang unang beses niyang makakain ng paa ng manok. Sa itsura pa lang nito ay halatang mamahaling cerilac ang kinakain. "W-What the heck is this?" itinaas niya ang isang paa ng manok gamit ang kutsara at hindi makapaniwala itong tinignan. "Are you really sure this things is edible, Layla? It doesn't look like it's safe to consume." "Sinabe ko na sayo, kung hindi ito safe baka matagal na akong natigok. Kumain ka na lang. Promise ko, masarap 'yan." Nagsimula akong kumain. Sinadya kong ipakita sa kaniya na nasasarapan ako sa pagkain. Bumuntong hininga si Evander. Mukhang humugot pa ito ng lakas ng loob bago kumain. Napapangiwi pa siyang kinagatan ang paa ng manok. Napangiti ako. "Masarap, hindi ba?" Hindi siya sumagot at sinimulang nguyain ang paa ng manok, nilalasahan muna bago siya unti-unting mapatango. "Yeah, you're right. It's not that bad. I kinda like it." Muli siyang sumubo pero this time pinarisan niya na nang kanin. Masagana itong kumain. Nag-iinarte pa siya kanina, magugustuhan niya rin pala. Sakto naman dahil sinerve na rin sa amin ang sabaw na mainit init pa. "Maraming salamat po, Manang." Ngumiti sa akin si Manang Gina. "Sino itong kasama mo, ija? Himala at hindi mo na kasama si Con, nagbreak na kayo? Ito bang lalaking ito ay ang bagong boyfriend mo," pagtutukoy niya kay Evander na masaganang kumakain. Mukhang natutuwa siya dahil na-appreacite nito ang luto niya. Wala kasi talaga sa mukha ni Evander ang kakain ng paa ng manok pero heto ito ngayon. Parang ilang araw na hindi pinakain. Nagustuhan niya talaga ang paa ng manok. Napapangiwi akong tumango. "Opo. Break na kami ni Con. Pero hindi ko boyfriend ang lalaking 'yan. Boss ko po 'yan sa trabaho." "Talaga? Mabuti pa itong si Ijo, hindi maarte sa pagkain. Naalala ko pa nong kasama mo si Con, nag-inarte pa dahil ayaw niyang kumain rito dahil madume daw at pinilit kang lumipat sa mamahaling restaurant samantalang hindi naman siya ang nagbabayad ng kinain niyo." Napairap na lang sa hangin si Manang Gina habang inaalala ang ginawa ni Con. Noong unang beses ko kasing dalhin rito si Con. Hindi nito nagustuhan na sa karenderya ko lang siya papakainin kaya nagwalk out ito papaalis. Nakita ni Manang Gina kung paano ito mag-inarte at kung paano sabihin ni Con na madume ang pagkain niya. Kaya sa subrang pagkapahiya na rin kay Manang Gina ay hindi na ang ako nagpunta pang muli rito. "Pasensya na po, Manang. Sa ginawa po ni Con noong araw na 'yon. Dapat hindi ko—" "Okay lang, Layla. Naiintindihan ko. Nagtatampo lang ako dahil hindi na bumalik ang loyal costumer ko pagkatapos non. Pero dahil nandito ka na ulit. Okay na ako." Sa totoo lang ay subra akong nahihiya sa ginawa ni Con. Hindi naman madume ang mga pagkaing binebenta ni Manang Gina. Maliit lang ito pero malinis at masarap pa. Sinadya talagang gawing mura ang mga binebenta rito para maging affordable sa mga impleyado at studyante na kapos. Para kahit na nagtitipid sila ay makakakain pa rin sila ng masasarap na pagkain. Kung meron mang matira at hindi mabentang pagkain ay ipinapamigay ito ni Manang Gina sa mga pulube sa daan upang hindi masayang. Ganon kabait si Manang Gina... Hindi ko napansin na nakatingin na pala sa akin si Evander habang halata sa mukha nito ang admirasyon habang kausap ko si Manang Gina. May kung anong emosyon sa mga mata nito na hindi ko mapangalanan. Matapos naming kumain ay lumapit ako kay Manang para magbayad. "Magkano po?" "Naku, hindi na! Libre ko na sa inyo." "Manang Gina naman! Malulugi kayo sa akin kung ganyan kayo. Huwag na po kayong mahiya. Ngayon na nga lang ako nandito." Inilabas ko ang wallet ko at akmang bubunot ng pera nang may isang ang mauna sa akin. Hawak hawak nito ang isang black card. "I'll pay. Do you take cards?" Parehas kami ni Manang Gina na napangiwi. Nakakataas sana ng pogi points ang pagiging gentleman nito at pagbabayad ng kinain namin pero napailing na lang ako. Hindi nga pala siya sanay sa pilipinas kaya hindi alam na pera ang ginagamit sa karenderya. "N-Naku, pogi. Hindi kami tumatanggap ng cards dito." Napakamot na lang sa batok ni Manang. "Sabi ko sayo, libre na lang e." "Then..." Inilabas ni Evander ang wallet niya at binuklat 'yon. Nasilip ko pa ang nagkukumpulang mga blue bills na halos hindi ko na mabilang pa sa subrang dame. Inilabas niya ang 3k roon. "Here. Keep the change. Thank you for the food. It's good." Nanlaki parehas ang mga mata namin ni Manang Gina, hindi makapaniwala rito. Wala pa nga sa 100 ang order namin pero kung 'keep the change' ito ay parang pinapamigay niya lang ang pera niya. Kakasya na 'yon pang grocery sa isang linggo! Parang gusto ko na lang rin magtayo ng karenderya at tumigil na sa pagiging sekretarya nito. Kahit si Evander lang ang customer ko, okay na ako. Natutuwa itong tinanggap ni Manang Gina. "Maraming salamat! Ang galante nitong boyfriend mo, Layla! Bumalik kayo ulit, ha!" "H-Hindi ko po boyfriend 'yan." Hindi ako pinansin ni Manang Gina dahil busy ito sa 3k. Napailing na lang. Nagpaalam na ako kay Manang Gina at inaya si Evander pabalik sa opisina. May meeting pa ito mamayang 2pm. "Bumalik na tayo. May meeting ka kasama ng iba pang mga Head Executives. Gusto nilang makita ang bagong CEO ng YS Company." Binasa ko ang buong schedule niya mula sa tablet ko. Bukod dito, wala na siyang schedule para sa buong araw na ito. Kailangan niya na lang pirmahan ang mga bagong kontrata ng new jewelry design na ilalabas sa market. "Do you need a script? I did a script before hand. Naisip kong baka kailanginin mo." "No need. I can handle." Sumilip si Evander sa ginagawa ko. "Looks like, I was right to hire you as my Secretary. Parang lahat ng kailangan kong gawin bilang CEO ay kalkulado mo na kahit first day mo pa lang. You even do a schedule for me." "Ayoko lang masabe ng iba na hindi ako deserveng sa trabaho ko," sagot ko. Kahit naman wala talaga akong plano noong una na maging Secretary niya, responsable pa rin ako. Gusto ko lahat ay perfect. Kahit na sabihin ng ibang masyadong over ang ginagawa ko, gusto ko pa rin patunayan sa lahat na deserve ko ang pwesto na ito. Sakto lang dahil nang makarating kami sa conference room ay nandon na ibang executives at mga department head. Nakuwa agad namin ang atensyon ng mga ito. "Mr. Ruzz. I am the executive of..." "I finally meet you, Mr. Ruzz. Anyway, I am..." "Congrats on being the new CEO, Mr.Evander." Pinanood ko si Evander na ihandle ang meeting. Magaling rin itong makipag-usap. Mukhang sanay na sanay nang makipagnegotiate sa ibang tao. The meeting goes smoothly. Wala kahit anong naging problema. Mukhang satisfied naman ang ibang executives kay Evander. Mukang nakitaan din nila ito ng galing. Nang matapos ang meeting ay magkasama kami ni Evander sa elevator pababa para makauwi na. "It's so tiring. Damn, Nakakapagod makipagplastikan." "You want me to get you a coffee?" Umayos siya ng tayo at ngisian ako nang mapang-asar. "I want you to suck me off." Gamit ang mga papeles na hawak na hawak ko ay pinaghahampas ko ito sa ulo niya. "Ouch! Ouch! I'm sorry! I'm just kidding." "Hindi nakakatawa ang biro mo," iritado kong tugon. Tinignan ko ang relo ko. Subrang bilis ng oras. Hindi ko man lang namalayan na 7pm na pala. Hindi naman busy ang schedule ni Evander kaya hindi ko na kailangan pang mag-overtime. Tapos ko ng gawin ang schedule niya para sa buong linggo. Mahirap pa namang mag-antay ng tricycle o 'di kaya ay jeep sa ganitong oras. Nang bumukas ang elevator ay nauna akon lumabas. "Kung wala ka ng kailangan pa then I will go now, Mr. Ruzz. Goodbye." "Let's have some dinner first." "No thanks." Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papalabas. Maraming empleyado ang nag-aantay din ng sasakyan. Nakihalo ako sa kanila at nag-antay din. Magtataxi na lang siguro ako. Wala na kasing tricycle o jeep na dumadaan. "Goodbye, Steph! Con!" Napabaling ako sa likod ko nang marinig ang boses ni Edit, kasama nito sila Delantar, Rona. Nagtungo ang pangin ko sa dalawang taong binababye-yan nila. Si Con na nakasakay sa motor at si Stephanie na pasakay na. "Bye bye guys! Mauna na ako!" paalam ni Stephanie sa mga ito. Ang mga gago! Ang motor ba talaga na binili ko ang gamit nila! Tumingin pa si Con sa direksyon ko at ngumisi. Ang kapal ng mukha niyang magpasakay ng ibang babae sa motor na binili ko! Fully paid ang motor na 'yon! "Hindi pa nga nag-iisang linggo ang motor na 'yon. Nagsakay agad siya ng ibang babae?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nanggagalaiti ako sa galit. Sa subrang inis ko ay nasipa ang sasakyan huminto sa harapan ko. Ganon na lang ang panlalake ng mga mata ko nang marealized ang ginawa ko. Bumaba ang bintana ng mamahaling sasakyan. Sumalubong sa akin ang nag-iisang Boss ko. Teka? Siya ang may-ari ng mamahaling kotse na ito. Dahil hindi masyadong bukas ang bintana nang kotse ay hindi nakita ng ibang tao ang driver non. "Hey! Don't hurt my baby," inis niyang saad. "Pasakay muna!" Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at sumakay roon. "Yumuko ka! Bilis! Nanonood ang Ex ko kasama ng bago niya! Dapat makita niyang may magandang sasakyang sumusunod sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD