Inutusan ko si Evander na paandarin ang kotse sa mismong harapan ng mga ito para iflex ang sasakyang sinasakyan ko. Nagtagumpay naman iyon dahil agad kong nakuwa ang atensyon nila. "Layla?" gulat na bati ni Delantar. "Ang ganda ng sasakyan na 'yan, ah. Sosyalin ka na." Nagkunware akong nagulat ng makita sila. "Delantar, Edit, Rona? Guys kayo pala. Pauwi na kayo?" plastik ko silang nginitian. Hindi ko pa makalimutan ang mga mambabackstab nila sa akin noong nasa club kami. Nagsilapitan sila sa akin. Bukod kila Con at Stephanie na nakamasid lang. "Shala! Yayaminin ang sasakyan mo. Kanino 'to?" "Oo nga! Pasakay naman kami!" "Ako ba kayo! Hindi, ah. Sinundo lang ako ng boyfriend ko," natatawa kong tugon. "Sige, mauna na ako. Goodbye guys." Halata ang inggit na bumalot sa mukha mga dati ko

