CHAPTER 34

1975 Words

CHAPTER 34 “Kumusta ka na?” ‘Yan ang tanong na palaging lumulutang sa hangin sa mga nakalipas na linggo. Mula sa mga kasamahan ko sa trabaho, sa mga kaibigang nag-aalala, hanggang sa sarili kong repleksyon sa salamin. Ngunit kahit anong pilit nilang alamin, kahit anong pilit kong sagutin, wala akong maisagot. Hindi ko alam. Dahil paano mo sasabihing okay ka kung gabi-gabi kang binabangungot sa isang bagay na hindi mo na mababawi? Paano mo sasabihing ayos ka lang kung sa bawat sandali, iniisip mo ang isang maliit na buhay na kailanman hindi mo naranasang mayakap? Sinubukan kong bumangon. Bumalik ako sa trabaho, pilit kong ibinalik ang dating ritmo ng buhay ko—gumising, magbihis, lumubog sa trabaho, umuwi, at ulitin ang parehong siklo kinabukasan. Pero kahit anong gawing pagsasaya ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD