Chapter 16

2527 Words
When the fox hears The rabbit scream He comes a-runnin' But not to help. - Unknown Chapter Sixteen The Adventures of Frances... Part I The Kingdom of Aztheiodia Hinihingal akong huminto saka napahawak sa isang puno, habol ang hininga. Sa sobrang gulat at takot ay tinakbuhan ko ang nilalang na iyon. Tinitigan ko nga muna sya, kumurap-kurap baka namamalikmata lang ako. But hell, he is f*****g real. He has this big dark green eyes just like the forest, a long nose and pointed ears. Sorrel hair, his fingers and toe are long and his skin was slightly green with a color brown like a pine tree. He's just wearing a dirty white shirt with a black belt. That's the sacriest thing I've ever seen in my entire life. Pinagpapalo ko ang pisngi ko. "Wake up, Franchesca Rae Beltran... Wake up!" Damn it, where are those freaks anyway? Inilibot ko ulit ang tingin sa paligid, the place is really breathtaking. It's beyond beautiful. I feel like this is just my imagination or I'm just dreaming or just watching a freaking fantasy movies. Is this the seven kingdom? Ano nga ulit ang sinabi ng nilalang na iyon? Asche--- Akthe--- Ugh, whatever! Naglakad ulit ako pero natigil ng may maramdamang presensya sa paligid ko. Kinilabutan ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Napalunok ako at parang hindi na makakilos. Dinig na dinig ko ang bilis ng t***k ng puso ko. I slowly turn around when I heard a scoff at my back and some footsteps. Namilog ang mata ko ng makakita ng isang mala-higanteng tigre sa harap ko, he's so big that I need to look up to his face. Ang kanyang malaki at sigurado akong matulis na pangil ay nakalabas sa kanyang bibig kahit hindi nya ibinubuka ang bibig. Unti-unti kong ibinuka ang bibig ko saka tumili ng napakalakas but I stopped when he opened his mouth and roar at me. Napapikit ako ng tumama sa mukha ko ang kanyang mainit na hininga at nanghihinang napaupo. Pakiramdam ko, umalis na ang kaluluwa ko sa katawan. I glanced at my left side when I saw a creature hiding behind a tree, iyong nakakatakot na nilalang. Mas may tiwala pa ako doon kaysa dito sa nasa harap ko. At least iyon, maliit lang. I cover my mouth with my hand when he come closer to me and looks like he's smelling me. And to my surprise, biglang lumiwanag ang braso ko. Mabilis kong itinaas ang manggas ng suot kong blouse at medyo napapikit sa bumungad sa'kin na mas maliwanag pa. At namalayan ko na lang na tumakbo na ang tigre. I stared at my tattoo when the light slowly fades away then I heard a footsteps approaching my direction, napaangat ako ng tingin ng makita ang maliit na nilalang. Itinaas nya ang kamay at inunahan na akong magsalita. "Hi-hindi kita sasaktan, hwag kang matakot sa'kin" Paano ko iyon gagawin? Eh sa nakakatakot talaga siya. Tumikhim ako, mukha naman itong harmless. "Nasaan ako?" Ngumiti sya at ipinagdaop ang mga kamay, tila ba namamangha sa'kin. "Nasa pang-pito at huling kaharian ka ng Aztheiodia, and Scanvin Guard." Inilahad nya ang mga mahahabang daliri sa'kin. "Dadalhin kita sa'ming pinuno." Tumayo ako at kahit natatakot ay kinuha ang kanyang kamay, bigla naman syang tumakbo kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. "May dayo! May dayo!" He shouted when we reached a village. Nagsilapitan sa'min ang mga kaibigan nya. May mga kamukha sya doon, at may dalawang kakaibang nilalang din but they're not that scary. Ang isa ay mas maliit pa, siguro hanggang tuhod ko. But they all have the same eye color. Namamangha kong inilibot ang tingin sa paligid. Ang mga bahay ay literal na mga puno, because all the creatures there are small, kasya sila don. "Alam nyo ba, lumiwanag ang kanyang braso nya dahilan para tumakbo si Lynx." He keeps on blabbing about that incident. Natigil lang ang ingay ng may tumikhim. Nagsigilid ang mga ito at naglakad palapit sa'kin ang isang medyo mas malaki sa kanila na nilalang na may hawak na tungkod. He has verdant eyes, sandy hair and a straight nose. He has also a pointed ears but not that long, and a white long beard. He's wearing an eyeglass and a red beanie. Ang hawak nyang tungkod ay kulay ginto. And I know, that's a real gold. "Maligayang pagdating sa Aztheiodia, ang Scavin Guard. Ako si Thaloc ang pinuno ng lugar na ito." Hindi na ako magtataka, sya ang pinakamatangkad doon. Siguro hanggang baywang ko sya. "Sumunod ka sa'kin." Nang tumalikod sya ay nagsialisan naman ang lahat. I feel like I'm snow white. "Ang mga nilalang ng Aztheiodia ay lingguwista kaya hwag ka ng magtaka kung nakakapagsalita kami ng iba't-ibang lengguwahe." Pumasok kami sa pinakamalaking puno na mukhang kasya ako. Puro kabinet ng libro ang nandon, gold and flowers are also displayed there. "Pero may sarili rin naman kaming lengguwahe." May kinuha ito sa cabinet at lumapit ito sa isang mesa saka doon inilatag ang isang mapa. "Ito ang Aztheiodia." Naglakad ako palapit sa kanya at tiningnan ang mapa. Gamit ang tungkod niya ay itinuro niya ang pinakagitnang kaharian. "Ito ang Casterium, ang kabisera ng Aztheoidia. Casterian ang tawag sa mga nakatira sa lugar na iyan. Royal para sa angkan ng reyna." Itinuro naman nito ang nasa taas ng Casterium. "Ang Gildart, dito nakatira ang mga yelong at Gildenz ang tawag sa mga nakatira sa lugar na iyan." Pagkatapos ay itinuro nya ang nagiisang isla. "Ang Malandria, kung saan nakatira ang mga tubig dagat at lahat ng nakatira dito ay Malan ang tawag," Saka nya itinuro ang baba ng Casterium, sa kaliwang bahagi. "Ito ang Griegoville, isang disyerto at Greco ang tawag sa mga nakatira sa lugar na iyan." "Hoscad naman ang mga nakatira sa Hostcadia," itinuro nito ang nasa taas ng Griegoville. "Dito nakatira ang mga mangkukulam." Itinuro nito ang kanang baba ng Casterium. "Ang Muniko, kung saan nakatira ang mga engkanto at diwata... Ang mga nakatira doon ay Munich ang tawag. At ang huli," Itinuro nito ang ibaba ng Casterium. "Ang Scavin Guard, kung saan ang mga duwende at goblins nakatira... At Scavengers ang tawag sa amin." Tinitigan ko ang mapa saka tumingin ako sa kanyang mukha pero bumalik ulit sa mapa ang tingin ko. Ang Gildart, Hostcadia, Muniko, Griegoville, Scavin Guard at Malandria ay pinapalibutan ang Casterium. Magkakadikit ang Casterium, Gildart, Hostcadia, Muniko, Griegoville at Scavin Guard maliban lang sa Malandria. I pinch my cheeks and slap it. "C'mon, Franchesca Rae, wake up... Of course this is just a dream." Nahinto ako sa p*******t sa sarili ko ng marinig kong tumikhim si Thaloc. Bagsak ang balikat na tinitigan ko sya. "Totoo ito at hindi isang panaginip lang. Nandito ka dahil may kailangan ka, hindi ba?" Kuminang ang mata ko ng may maalala. "Sa mundong pinanggalingan ko, kailangan talaga namin ibalik ang araw... Ilang buwan ng madilim sa mundo namin." Malungkot syang ngumiti at pagod na umupo. "Ilang buwan na rin ditong maliwanag." Tumanaw sa bintana. "Ni hindi gumagabi." Napabuga ako. "Kasama ko ang mga kaibigan ko pero hindi ko sila makita, hindi ko alam kung nakarating ba sila dito o kung nasaan sila." Napatango-tango siya. "Lima ang lagusan ngunit biglang naglaho ang iba." "Bakit?" Nakataas ang kilay na tanong ko. "Ilang libo na ang nakakaraan ng umibig ang isang bathala sa isang mortal. Dahil bawal at hindi sya gusto ng babae, nilikha nya ang Aztheiodia at binalak na dukutin ang babae pero nalaman ito ng ibang bathala at pinarusahan sya na hinding-hindi na sya makakarating sa kalangitan. Sa sobra nyang galit, sinumpa nya ang babae kasama na ang apat nitong kapatid. Na kahit kailan ay hinding-hindi sila magtatagpo at magkakasama... At ang kanilang angkan.... Mga pamilya, kaibigan, ni kakilala lang ay isinumpa nya ring maging duwende, sirena, halimaw, at kung anu-ano pa." Humigpit ang hawak niya sa tungkod. "At ginawa nyang alipin sa lugar na ito." Natutop ko ang bibig ko. That was unimaginable but I can feel his sorrow, hatred and pain. "Limang lagusan para sa magkakapatid na babae na ngayon ay mas kilala bilang mga enchantress, tagabantay ng mundo." Bumuntong hininga sya. "Ang ibig sabihin ng Aztheiodia ay 'para sa aking minamahal'." "Bakit naglaho ang iba?" I asked. "Dahil sa kanila, ayaw nilang may taga-mundo nyo ang makarating dito. Pero ikaw ang pangalawang nilalang na buhay na nakarating dito." Tumayo siya at tinungo ang pinto. Mabilis ko naman syang sinundan. "Pangalawa? Bakit anong nangyari sa iba? At sino ang una? Buhay pa ba?" "Sa mga nagtangka, kinakain ni Lynx." Lynx? The tiger? Napahawak ako sa tattoo. I will hug you Azalea once I see you. "At ang una, matagal ng panahon iyon. Ilang daan ng taon... Baka wala na rin sya ngayon." Nagkaron ako ng kutob pero gusto kong ikumpirma. "A-Anong pangalan nya---" "Ang mga lalaking goblin's ang aming mandirigma," putol nya sa iba kong sasabihin. "Ang mga---" "Paano ang isang iyan?" Turo ko sa goblin na nakakita sa'kin kanina, tuluyan ng nawala sa isipan ang itatanong dito. "Hindi siya mukhang mandirigma sa'kin." Napangiwi at nakonsensya ako ng sumimangot sya at yumuko. Mabilis kong ibinaba ang kamay ko. Why all of a sudden he became cute. "Iyan si Toben at marami pa syang dapat malaman." Tinapik nya ang balikat nito. "Ang mga lalaking dwarf's ang aming minero samantalang ang mga lalaking Elf's naman ay mga tagagawa at imbentor." Napangiti ako ng kumaway sila sa'kin. "Anil," Thaloc called someone. May lumapit sa'ming elf, he has a squint jade eyes and pointed chesnut hair. Small nose and lips, pale skin color. He is so cute, he looks like a miniature at parang gusto ko syang i-display sa garden ng bahay namin dati. Parang gusto ko syang gawing keychain. Pwede kaya itong iuwi? Nakakataba ng puso na ginawaan pa nila ako ng tent na matutulugan at nilutuan ako ng makakain. They even have this performance for me. Anil and Toben are always on my side. They're all friendly pero hindi nagsasalita ang mga elf. They just say, 'uhm' or 'ah'. "Buti hindi ka natakot sa'kin nung bigla na lang akong lumitaw." I looked at Toben. We're in a long table, some of them are sitting on the table while me, I'm sitting on the grass because their table is too small Sunod-sunod syang umiling. "Maliligo sana ako non sa batis nang biglang lumiwanag ang kalangitan at bigla kang lumitaw. At naalala ko ang sabi ni pinunong Thaloc noon kaya alam kong taga-ibang lugar ka." Napangiwi ako. "Pasensya na at natakot kita." He scratch his ear at tila nahihiyang yumuko. Inasar sya ng mga nandon na kinikilig daw. Natawa na lang ako. "Kailangan mo ng matulog, papasamahan kita kay Toben bukas papuntang Casterium... Doon siguradong mahahanap mo na ang mga kaibigan mo." Uminom ng alak si Thaloc. "Ang mga mangkukulam ay siguradong tutulungan ka pero ang maipapayo ko lang sa iyo ay h'wag na h'wag kang pupunta sa Hostcadia na mag-isa, ang mga mangkukulam ay tuso at mapanlinlang." Dahan-dahan akong tumango. "Bakit kayo hindi pa matutulog kung dapat ay gabi na ngayon?" "Nakasanayan na namin ito, nagpapahinga lang sila kapag nagutom o napagod... Ito kami, scavengers." Bumuntong hininga ako saka ngumiti. "My name is Frances," pagpapakilala ko at tumayo na para matulog sa tent. Kinabukasan, nagising ako na nagtratrabaho pa rin sila. Para silang mga langgam na walang kapaguran. Kaya siguro sila sagana sa ginto. Lahat ng kagamitan nila ay ginto. Maaga kami ni Toben na umalis ng Scavin Guard. May dala syang napakalaking bag na punong-puno ng pagkain at tubig. Mukhang hirap na hirap sya pero ayaw naman nyang pumayag na ako ang magbuhat. I'm wearing an emerald silk dress and a gladiator sandals. Ilang elf daw ang gumawa non kagabi para sa'kin. And it's so beautiful. "Ilang oras bago tayo makarating ng Casterium?" Tanong ko sa kanya ng ilang oras na kaming naglalakad, hinihingal at pinagpapawisan na ako. "Hindi oras... Kapag nakasakay tayo ng kabayo, baka apat o tatlong araw pero dahil naglalakad tayo... Mga anim o pito." Mas napagod ata ako sa sinabi nya. Of course, lalakarin namin ang papunta sa lugar na iyon. Hindi naman ito Trinidad to Baguio na pwedeng lakarin lang. Sa pangatlong araw ng paglalakad namin ay ako na ang nagbuhat ng bag kahit ayaw nya. Hindi naman nakakatakot maglakbay dahil walang gabi. Sa pang-anim naming araw, akala ko tuloy-tuloy na kami sa Casterium pero hindi dahil may makakasabayan pa ata kami papunta doon. At mukhang hindi iyon maganda. "Mga Greco, kailangan nating magtago, Binibini." Napasunod ako sa kanya sa mga bato ng marinig ang yabag ng mga papalapit na kabayo. Dumadagundong ang dibdib ko sa kaba. "Bakit kailangan na'ting magtago?" Pabulong kong tanong sa kanya. "Mga barbaro sila, napakagaling nilang lumaban... Magaling silang gumapit ng espada, sibat, pana at makipaglaban." That's wow! I imagine dwarfs like them riding a horse! How cute! "Kinatatakutan sila dahil sa laki ng kanilang katawan. Ang mga kalalakihan sa kanila ay kinahuhumalingan dahil sa angkin nilang kakisigan," Tinaasan ko sya ng kilay. A what? Sumilip ako para makita kung ano ang pinagsasabi niya. My lips parted when I saw real men riding horses, they looked like Greek warriors. Para silang gigil na gigil habang nangangabayo and they are even shouting. "Pero mababait sila, malupit lang sila sa digmaan at labanan." Pinandilatan ko sya. "Kung ganon, bakit tayo nagtatago?" "Dahil dalawa lang tayo at wala tayo sa teritoryo na'tin. Ganon ang patakaran sa Aztheiodia. Kaya ang karamihang naglalakbay ay marami. Kung makita ka nila at natipuhan ka nila na mag-isa mo lang habang naglalakbay, aalipinin ka nila o maari kang gawin nila na isa sa kanilang mga asawa." Kinilabutan ako. "M-Mga?" Tumango siya. "Maglalaban ang mga lalaking magkakagusto sayo at kung sino ang manalo, sa kanya ka sasama. Ganon sa Griegoville, maaaring magkaron ng ilang asawa ang mga lalaki. Alam mo ba ang kanilang hari na si Castriel, may isang daang mahigit na asawa." Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. "May asawa syang Casterium, Gildenz, shaman at sirena." Grabe! Pinatos ng lalaking iyon ang lahat ng lahi sa Aztheiodia. Buti walang Scavenger o Munich. Oh! I love myself, kabisado ko na ang mga nationality ng Aztheoidia. Napailing na lang ako't sinilip ulit ang mga Greco. Namilog ang mata ko ng may makilalang isa sa kanila. Napakurap-kurap ako, kinusot-kusot pa ang mata ko but it's really him. Just like them, he's just wearing an armor-like-skirt and I don't know kung ano ang tawag don. May nakasabit sa kanyang likod na lalagyan ng mga palaso. His horse is black and his hair moves with the wind. "Siege!" I shouted without even thinking. "Binibini!" Hindik na saway sa'kin ni Toben but I ignored him. Lumabas ako ng kinatataguan namin at hinabol ito. "Siege! Siege!" I shouted at the top of my lungs while waving my hands but it looks like he didn't hear me because of the horses galloping sounds and their shouts. Hanggang sa tuluyang na syang makalayo at mawala sa paningin ko. Bagsak ang balikat kong nakatanaw pa rin sa direksyon ng pinuntahan ng mga ito. "Maybe, that's not you," I whispered. Siguro, kamukha lang because if that's really Siege... I know, he can hear me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD