We long for
Fairy tales
In a world full of
Nightmares.
- Natalia Crow
Chapter Six
He who owns me
First, my grandfather locked me in his mansion. Second, I was taken and encaged in Darkstone castle by those freaks. And now, this, I was abducted by this crazy, avaricious, money-hungry people and it looks like they're going to sell me.
Just wow! What's next for me? Ano pang mga kababalaghan ang naghihintay sakin?
"What you lookin' at?" nakataas ang kilay na tanong ng isa sa mga babaeng kasama ko sa kwarto.
Nag-iwas ako ng tingin at humalukipkip. We're eight girls in that room at siguradong hindi nalalayo ang edad nila sa'kin.
Malaki ang silid na iyon at mayroong limang double deck beds.
"What's your name?" Tanong ng babaeng katabi kong nakaupo sa kama. "Filipino?"
"Frances" I slowly nod. "We're are we?"
"Ako si Alona" she smiled. "To Devil's lair"
Maang ko syang tiningnan.
"Isang hotel and restaurant dito sa fall river"
Mas lalo pang kumunot ang noo ko.
"What? You don't know your in fall river?" One of the girls asked. She extended her hand at me. "Carmen."
Napalunok ako't tinatanggap ang kanyang kamay. "Frances"
They all looked at me.
"So, hindi mo alam na lahat ng kinukuha nilang babae ay binibenta dito? Sinusubasta" bulong ng katabi ko.
Nagkaron na ako ng kutob na iyon nga ang mangyayari.
Kumalampag ang pinto at pumasok ang isang lalaki.
"Time to sleep, bitches."
Hinila ako ni Alon pahiga, lahat ng babae ay nagmadaling humiga din.
"Don't dare to escape, we are everywhere. We can smell you and we can see you" he said in a singsong voice before locking the door.
Marahas akong bumuntong hininga.
"Oras na hindi ka mabenta at nandito ka pa ng isang linggo... Papatayin ka nila"
Nilingon ko sya. "Ilang araw ka na dito?"
"Tatlo... Ayaw nila sakin dahil may peklat ako sa hita"
"Anong ginagawa nila sa mga babae? Inaalipin?"
Tumawa si Carmen. "You really don't have any idea what's happening in our world, do you?"
Binalingan ko ito saka umiling. Ang alam ko lang, wala ng liwanag at puno na ng halimaw ang mundo.
"You don't know that vampires now rule the world?" Carmen exaggeratedly widened her eyes at me like I'm the most stupid person that lived on earth.
"V-Vampires?"
"Yes vampires but they also called nightwalkers"
"Paano ka napunta dito kung ganoong hindi mo alam ang tungkol sa bagay na iyon?" Alona asked.
Sasagot pa sana ako pero may bumato ng unan sa'min.
"Stop talking, w****s and sleep"
Napabuntong hininga ako at sinubukang matulog pero umaalingawngaw sa utak ko ang tungkol sa mga bampira.
Naalala ko sila Felix, he's ability to moved things. Siege's eyes and fangs. For sure, they're vampires. But, how about Lyon? Daelan and Elric?
Magkakapatid sila Lyon, Felix at Siege kaya siguradong bampira din si Lyon.
Iminulat ko ang mata at napatingin sa pinto ng marinig na parang may sumusubok na buksan iyon. The doorknob is moving.
Kumabog ang dibdib ko.
Hanggang sa tuluyan ng bumukas ang pinto at iluwa ang isang lalaki.
Lumakas lalo ang kabog ng puso ko ng magsimula itong lumapit sa'kin.
"Don't you dare shout or I will kill you" banta nya ng makalapit sa'kin at marahas na hinawakan ang pisngi ko.
Hinila nya ako palabas ng silid. Tahimik at medyo madilim sa hallway.
"Where are you talking m-me?"
May binuksan syang pinto at itinulak ako paloob.
Napaluha na ako ng marinig ang pag-lock nya ng pinto.
Itinulak nya ako pahiga sa kama at nagsimulang hubarin ang kanyang shirt.
Ngumisi sya. Ngayong nakaharap ko na sya ay namukhaan ko sya, sya ang lalaking umamoy ng leeg ko sa truck.
Umiling ako. "P-Please,"
"Please... What? Huh?"
Marahas nyang tinakpan ang bibig ko at dinilaan ang leeg ko. I tried to fight him but he's strong that even pushing him is not enough.
My eyes widened when his eyes turned to silver and he flashes his fangs and sharp teeth.
Pinagpapawisan na ako sa pinaghalong takot at kaba. Napapikit ako ng kubabawan nya ako. Nawalan na ng lakas, ng pag-asa.
Well I guess, being with those freaks is better than to be here huh.
Gumalaw ang aking takipmata pero hindi ko iminulat ang mata ko ng maramdamang umalis sya sa ibabaw ko. Maybe, undressing himself.
Then suddenly I heard a loud thud of the wall. I quickly get up and I saw the back of a man holding the guy in his collar, the guy who tried to r***d me.
Ngumisi ang lalaki.
"Your power is not working here, jerk"
"But I'm still strong and I can punch you hard" saka nya sunod-sunod na sinuntok ang mukha ng lalaki hanggang sa mawalan ito ng malay pagkatapos ay hinihingal nyang binitawan ang lalaki at lumingon sa'kin.
My lips parted when our eyes met. The coldness of his eyes. The darkness of his aura. I can't believe he is actually here, he saved me.
"Si-Siege?"
What the hell is he doing here?
Kahit nanginginig ay tumayo ako't nilapitan sya.
"What are you---"
Nagulat ako ng talikuran nya ako.
"We need to get the hell out of here"
Sinundan ko na lang sya ng lumabas sya ng silid.
I shouldn't feel this but, I'm happy and relief that he's here kahit na hindi kami close. Kahit na never kaming nag-usap.
Natigil ako ng huminto sya sa paglalakad at puno ng pagkamangha sa sinabi nya.
"You need to go back to your room"
"What? No"
I thought he's here to save me. What the hell.
"My abilities are not working here, if they see you with me... Trying to escape... For sure, they will punish you"
Pagak akong natawa. What am I even expecting. I punched his back, I don't care if I make him mad. I don't care if he suddenly chase me with his flaming eyes and fangs.
I hate you, you're an asshole. A f*****g asshole.
"You are a high class jerk"
Saka ako mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto. Okay, iyon pala ang pakiramdam ng pinaasa. Bago ko pa maisara ang pinto ng silid ay nakarinig na ako ng putukan at sigawan.
Wala akong nagawa ng pilitin akong bihisan ng mga babae ng isang maiksi at sobrang revealing na damit. My cleavage and legs are exposed because of the tight-fitting garments and mini-dress I'm wearing. I'm also wearing a black fishnet stockings.
Nakatulala lang ako habang binibihisan nila at mini-makeup-an.
I feel like a low-class p********e.
Mula sa silid ay dinig ang kasiyahan sa grand ballroom.
"Smile" hinawakan ni Madame Elster ang aking pisngi, they all called her that.
She fixed her eyeglass and fanned herself with now her black and white fan then he looked at the boys behind her.
"Where is my son?"
"Madame Elster, we can't find your son."
"That son of a..." She tsked, gigil na gigil but when she looked at me, she sweetly smiled. "Make her last, for sure they will go awry when they see her and starts bidding higher digits"
Katulad ng sinabi nya pinahuli ako. Nasa huling linya. Huling upuan.
Alona held my hand. "Alam mo bang pinagdasasal kong hindi sana ako mabili"
I can sense her sadness, her suffering. I squeeze her hand to show her that everything will be okay even though it's not.
Itinuro nya ang kanang hita na may peklat.
"Sinugatan ko talaga ang sarili ko ng malamang ibebenta ako." She looked at me. "I'd rather die than to be bought like a cheap w***e, than to be treated like a trash"
Tinapik ko sya sa balikat. I really want to hug her but my hand is tied.
"You're next," hinila ng lalaki si Carmen.
She smiled at us, tinanguan ko lang sya hanggang sa lumuob sila sa isang kurtina.
Bahagya kong nasilip ang nasa likod non, napakaraming tao na may suot na masquerade mask. Nagsigawan ang mga nandon ng ipakilala si Carmen.
"A mortal. Half-Filipino and half-American."
Someone bid thirty thousand dollars hanggang sa tumaas at napunta sa seventy five thousand dollars.
Namamangha ako, kung tama ako, siguradong milyones iyon pag ipinalit sa piso.
Napapiksi ako ng may humila sa'kin.
"Not your lucky day, b***h" sabi ng lalaki kay Alona.
I looked at her, based on her eyes she's planning something. She smiled at me bago pa ako tuluyang kainin ng kurtina.
Nasilaw ako sa tumamang ilaw sa'kin. I can't see the crowd because the only light is on me. Nabibingi ako sa ingay, sa sigawan. I know they're salivating and lusting over me.
Mas nadagdagan ang kaba ko, na sa sobrang takot... Natutulala na lang ako.
"Well, well, well... A mortal and a Filipino. The good new is..."
Napatingin ako sa katabi ko ng magsalita ito. He's holding a paper na may mukha ko, ipinakita nya iyon sa aming harapan.
"She's famous, huh. Nightwalkers have been looking for her and we are really lucky that she's here---"
He stopped talking when someone bid already and raised a placard.
"Eighty thousand"
I search that voice in the crowd but darkness is all I see, ang placards lang nila ang iniilawan. What's this? Pa-suspense?
"Eighty five"
Pakiramdam ko isa akong laruan o bagay o hayop. Yumuko ako't nilaro ang mga daliri ko, nagmamarka na sa palapulsuhan ko ang lubid na nakatali don.
"Ninety"
"One hundred thousand dollars,"
Namilog ang mata ko doon.
"For one hundred thousand dollars. Going once---"
"Two hundred"
Nalaglag ang panga ko. Seriously?
Tumahik ang mga nandon, tila naghihintay sa susunod na magbi-bid.
"For two hundred---"
"Three hundred"
Stupid rich people, wasting their money just like that.
"One million dollars"
The crowd gasped in shocked and awe.
Kalokohan na ang mga nangyayari. They are really serious about this huh.
I was shocked when all of their eyes turned to silver. Napatingin ako sa likod ng makarinig ng kumosyon don.
"Get her out of here" I heard Madame Elster panicking voice.
Naglakad ako at bahagyang itinaas ang kurtina at ganon na lang ang panlulumo ko ng makita si Alona na wala ng buhay. Duguan ang palapulsuhan nito.
The crowd starting to growl hungrily.
"It's okay... Everything will be okay... Just relax, everything is under our control" hinila ako ng lalaki pabalik sa kinatatayuan ko kanina.
Hindi na ako pumalag dahil sa sobrang gulat pa rin ako sa nangyari.
"So we're were we huh?"
Sa pag-angat ko ng tingin ay dumako ang mata ko sa harap ko, sa isang particular na mata dahil bukod tangi ang kulay ng kanyang mata. In a room full of silver eyes, sya lang ang may matang kulay pula.
Isa lang ang kilala kong may ganoong mata, pero imposible. By the looks of Siege, I know, he will not going to waste his time in this kind of event.
Napakurap-kurap ako ng unti-unting mawala ang kulay ng kanilang mata hanggang sa dumilim ulit.
"So, we ended in one million dollars---"
"Ten million dollars"
Nakatutok pa rin ang tingin ko sa direksyon ng nagmamay-ari ng pulang mata na iyon kahit puro kadiliman ang nasa harap ko, pakiramdam ko nandon pa rin sya... Nakatitig din sa'kin.
"For ten million dollars..." Dahan-dahang tanong ng lalaki sa tabi ko, tila inaasahan nya pang may itataas iyon. "Going... Once... Going---"
"Twenty"
I don't know but I'm actually praying and waiting for him to at least bid and raised his placard.
"Fifty"
I started calculating that money in peso. Magkano na ba ang halaga ng dolyar sa piso?
"One hundred"
The crowd become obstreperous, they grumbled and mocked in wonder
"For one hundred million dollars... Going once! Going twice! And our precious girl here is sold. She's sold to Mr. Stonesifer"
The light directly onto a man in my right direction, whose wearing a white mask covering his whole face. Ang mapanuri, suplado at walang kabuhay-buhay na mata nya lang ang nakikita ko. Ilang minuto syang tumitig sa'kin at hindi ko magawang alisin sa kanyang mata ang aking titig.
Kasabay ng pagbaba nya ng placard ay bigla nyang pagtalikod.