HIREIN'S POV
Mag-iisang buwan na ng pumasok ako dito sa University na Ito. Kaso patuloy parin si James sa pang-aaway sa akin.Si James nalang ang umaaway sakin kasi yung mga kaibigan nya takot ata mabara.
"Hoy!Babae!" Tulad ngayon.Nag-uumpisa nanaman sya.Wala pa kasi si Sir Cuballes kaya mang-iinis nanaman sya. Pero sa huli sya ang Inis.
"Hoy!Lalaki" banat ko.
"Umalis kana dito" kapal, sa loob ng nagdaang araw lagi na nya lang akong pinapaalis dito.
"Bat hindi ikaw ang umalis?Ikaw ang nakaisip" sabi ko.Bat hindi sya ang umalis sya ang nakaisip e.
"Ginagalit mo nanaman ako!" Pabagsak nyang inilapag ang Dalawa nyang kamay sa arm rest ko.
"Oo,ang pangit mo pala magalit" sabi ko.Nagbungisngisan naman ang iba.
"Iniinis mo nanaman ako!?" Igting pangang tanong nya.
Sumandal ako sa sandalan ng arm chair ko at nag crossed arms.
"Ano ba ang morning routine mo?Ang mang-inis,hindi ba?" Sabi ko habang diretso ang Tingin sa kanya."At ang morning routine ko?Ang inisin ka"dagdag kopa.
"Shut up!" Sigaw nya.
"Katakot" bulong ko.
"What did you say!?"
"Shut up"
"What the—" hindi kona sya pinatapos sa sasabohin nya ng putulin ko iyon.
"Hell" putol kosa sinabi nya dahil alam kong mura ang kasunod non.
"Iniinis mo talaga ako?!"
"Ang kulit sabi ngang OO e,morning routine ko yun e" sabi ko na may bahid ng pagka-inis sa boses.Ang kulit sabi ngang morning routine ko iyon e.
"HAHAHAHA!" Tawa nya.Baliw na bato?Kanina galit galit ngayon tawa tawa.
"Anong nakakatawa?" Taas kilay kong tanong.Tumatawa nanaman sya."Stop laughing, ang pangit mong tumawa"sabi ko sabay irap.
"Sa gwapo kong to" turo nya sa mukha nya."Pangit sa paningin mo"
"Oo,sobrang pangit mo!Sa sobrang pangit mo,mukha kang pinulot sa kanal!" Galit kong sigaw sa kanya.
Sya?Yung reaksyon nya?"Hahahahah! "Tawa nya,sira ulo ang puta!
Natigil lang sya ng biglang dumating si Sir Cuballes. Nag klase kami ng Mainit ang ulo ko.
---
CAFETERIA
" Bakit ang init ng ulo mo?"bungad sa akin ni Heaven ng makaupo sya sa tapat ko.
"Bad trip yung James nayun!Kainis" may bahid ng pagkainis sa tono ko.
"Bakit anong ginagawa?"
"Ang kulit kulit kasi,sabi ng morning routine ko yung inisin sya e" stress kong sabi.
"Hay,nako.Ganyan talaga yan si James"hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Heaven." Mag iisang buwan kana dito pero bakit hindi ka parin nag uuniform"puna nya sakin.
Ngumuso naman ako."Ang iksi kasi,parang hindi ko kayang magsuot ng kagoong kaiksi na palda"sabi ko.
"Masasanay Karin"
"Kulang nalang magpanty tayo" sabi kopa.
"Papa Clinttttt!"
"Baby Crisssss!"
"James ang cute mooooo!"
"Kyle ang pogi MO!"
"Ang hotttt nyoooo!"
"Mga fafasssss"
Bigla nalang uli akong napabusangot dahil nandyan na ang mga asungot.Lalo na yung James na yun.
Tinignan ko naman si Heaven na ngayon ay namumula na.Ang cute nya pagnamumula sya.
"Hoy" tawag kosa kanya.Tumingin naman sya sa akin."Pagnamumula ka,nahahalata ka"
Nagulat naman sya sa sinabi ko."T-totoo?"
"Oo,kaya mahahalata ka kaagad" sabi kopa."Kinikilig kaba,pagnakikita mo sya o kaya naririnig ang pangalan nya?"
Namula nanaman sya,tsk tsk!
"Oo" kinagat nya ang pang-ibaba nyang labi para mapigilan nyang ngumiti.
"Crush mo talaga?"
"Sobra"
"Pano kung may gusto din sya sayo?Anong gagawin MO?" Agad syang napatingin sa akin habang nanlalaki ang mata nya.
"Talaga!?May gusto din sya sakin?!" Tanong nya habang nanlalaki parin ang mata.
"Napaka assumera mo naman.Tinatanong ko lang e" agad namang nanlumo sa narinig nya.
Bigla nalang uminit ang ulo dahil yung bwisit na James nayan ay naki table sa amin.
"Hi,Miss.Hi,Hirein"sabi nya habang nakaupo sa may harapan ko.Katabi nya si Heaven.
" Umalis ka dito "Utos ko sa kanya.Ngumsi naman sya.
" Ayoko nga.Gusto pa kitang makasama e"sabay ngisi.Tumaas nanaman ang kilay ko sa sinabi nya
Napatingin sa akin lahat ng bigla akong tumayo ng padabog at naglakad palayo.Narinig kopa ang malakas na tawa ni James pero hindi kona iyon pinansin.Lalabas na sana ako kaso may narinig ako na parang sinampal.Pagtingin ko si Heaven nakahawak nasa pisngi nya.Habang may limang babae ang nasa harapan nya.
Bigla nalang Napataas ang kilay ko at agad na lumapit sa kanila.Nadaanan kopa ang buong section eleven at nandon na si James.
Agad kong hinawakan si Heaven sa balikat at hinarap sa akin.Nangingilid na ang luha nya habang nakahawak ang Dalawa kamay sa pisngi nya.
"Ok,kalang?" Tumango lamang sya.Nawala lamang ang atensyon ko kay Heaven ng may magsalita sa harapan ko.
"Look who's here a baguhan" maarteng sabi nung mukhang leader nila.Hinarap ko yung babae at tinaasan ng kilay.
"Did you slap her?" Tanong ko dun sa babae,at tinuro si Heaven.
"Yes naman why hindi.She agaw my boyfriend from me" maarteng sabi nya."And she agaw agaw James from me"
"Who's your boyfriend?"
"E di si Fafa James" maarte nitong sabi.
"Yung lalaking yun?Boyfriend MO?"tanong ko.
" yes"
"Tch,ang pangit ng taste mo"sabi ko sabay ngisi.Nalaki naman yung mata nya.Hinawakan ko ang kamay ni Heaven at nang maglalakad na sana kami ay biglang napasigaw si Heaven at napaatras.
Pagtingin ko ay sinasabunutan na sya.Agad akong lumapit kay Heaven at hinila sya.Hinarap ko yung Lima habang si Heaven ay nasa likudan ko at umiiyak.
" You want sabunot?Like Heaven ?"
"Try me if you can" akmang hahablutin nya ang buhok ko ng hawakan ko ang kamay nya at binigyan sya ng mag-asawang sampal.
Sa Sobrang lakas non ay narinig iyon sa buong cafeteria at lahat ng atensyon nila ay nasa amin.Wala akong pakialam.
Hindi pa nakakarecover yung babae kaya yung apat naman ang sumugod sa akin.
Agad ko silang pinagsasampal ng akmang hahablutin nila ang buhok ko.Pinagsusuntok ko rin sila sa sikmura kaya tumba yung apat.
Nakaharap na ako ngayon kay Heaven ng maramdaman ko na parang may nabasag sa ulo ko.
Agad kong hinawakan ang ulo ko at may nakita akong mga bubog na galing sa baso.
Humarap ako dun sa babaeng humampas sa akin at kita ko ang gulat sa mga mata nya.
Tumingin sya sa table na Katabi nya may nakita syang baso doon agad nya iyong Kinuha at nang akmang hahampasin nya muli ako ay hinawakan ko ang baso at Kinuha iyon.
Itinaas ko ang baso at nanlaki ang kanyang mga mata dahil unti-unti ko iyong dinurog sa kamay ko gamit lamang ang isa kong kamay.
Dahil manhid ako ay wala man lang akong naramdaman na hapdi o kirot.Nararamdaman ko rin ang pag-agos ng dugo ko mula sa mga kamay ko.
Ibinaba kona ang kamay ko at patuloy parin iyon sa pagdugo pero wala akong pakialam.
"Wag na wag mo akong gagalitin kapag bad trip ako,baka hindi kita matansya,tumalsik ka" sabi ko sabay talikod sa kanya.
Bahagya pa akong napatigil sa paglalakad ng makita ko ang buo kong section,bakas ang gulat sa kanilang mga mata Maliban lang kay Clint at Cris na Walang emosyon.
Tumingin ako kay James ng seryoso at nakita ko kung paanong sunod sunod ang lunok ang ginawa nya.
Naglakad na muli ako palabas ng cafeteria st sumunod naman sa akin si Heaven.
***?