HIREIN'S POV
"Ang sexy naman nya!"
"Agree"
"Ang ganda pati nya"
"Bagay na bagay sa kanya ang uniform ng university natin"
"Sya na ang pinaka magandang babae na nagsuot ng uniform natin"
"Miss!Anong pangalan MO?"
"Miss,can I court you?"
"Pare,grabe ang ganda nya"
Ilan sa mga naririnig ko habang naglalakad ako sa may corridor papuntang room.Hindi ako sanay sa maiksing palda kaya kailangan kong sanayin ang sarili ko
Pinilit lang rin ako ni mommy na suutin tong uniform at sinabi rin ni sir Cuballes na kailangan suot kona ang school uniform ko.
Habang naglalakad ako ay may tumawag sa akin.
"Hirein!" Sigaw ni Heaven.Tumatakbo sya palapit sa akin hanbang nakangiti.Nang magkaharap na kami at pinasadahan nya ako ng tingin mula paa hanggang ulo."Grabe!Bagay na bagay sayo"
"Ang iksi" reklamo ko habang binababa ang palda.
"Ano kaba,ayos lang yan" sabay hila sakin ni Heaven.
"Teka?San tayo pupunta?" Tanong ko habang nagpapahila sa kanya.
"E di ihahatid ka" sabi nya habang hila hila ako.
"Ihahatid ako o may sisilayan?" Agad syang Napatigil at humarap sa akin habang namumula. Natawa nalang ako sa kanya."Mahahalata ka nyan"sabi ko sabay hawak sa kanya at hinila sya.
"Teka?san tayo pupunta?" Sabi nya habang hila hila ko sya.
"Diba ihahatid moko?" Natatawa kong sabi.
"Ha?eh....ano...may..g-gawin pako e" palusot nya.Mahina naman akong Natawa.
"Sus,Siguraduhin mo kapag nagpapalusot ka effective" Natatawa kong sabi.Hahaha.
"Ha?totoo yung sinasabi ko"
"Haha" mahina kong tawa."Wag nang magpalusot,Halika na"
"A-ayoko talaga"
"Bahala ka may nagugustuhan na si Cris na babae,sige ka baka mauhan ka" pananakot kosa kanya.
"A-ano?may babae na syang nagugustuhan?" Bakas sa tono nya ang lungkot.
"Oo,kaya kung hindi ka makikipag kilala sa kanya baka maunahan ka"sana mauto." Ano?papayag ka na maagaw sya"napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya ng hilahin nya ang kamay nya.
"Hindi ako papayag na maagaw sya" nagulat na lamang ako ng bigla nya akong hawakan sa kamay at tumakbo kami."Ipakilala mo ako kay Cris,ngayon din"nawala yung takot nya.Napangiti na lamang ako.
"O-oo na e" sabi ko habang Tumatakbo kami.Jusko may elevator naman bakit naghagdan pa kami."Pwede bang bagalan mo?"pagod na talaga kasi ako.
"Hindi pwede,baka maunahan ako kay Cris kaya Bilisan natin" sya ba talaga to?Grabe ha.Mahinhin sa Una.
"Pagbuksan moko Dali" utos ko sa kanya.Agad namang nangunot ang noo nya.
"Bakit?" Naguguluhan nyang tanong.
"Basta,bili" kahit naguguluhan sya ay binuksan nya ang pinto..
Tumambad sa amin ang maingay at magulong section ko.Agad silang napatigil ng makita ako.
Agad na nabitawan ni James yung hawak nyang arm chair na ipanghahampas nya dapat kay Kyle,bumagsak iyon sa paa ni Kyle. Pero parang wala syang inindang sakit dahil nakatingin lamang sila sa akin.
Problema nila.
Agad naman na bumulong si Heaven."Nagandahan ata sayo"bulong nya.Hahina naman akong Natawa.
"Sira!" Sabay kaming nagbungisngisan.
"Alam mo?Mas maganda ka kung wala kang salamin at nakalugay yang buhok MO" bulong nya pa.
"Tss,never akong naging maganda" bulong kopa.
Ilang minuto pa silang nakipagtitigan sa akin ng Basagin ni Heaven ang katahimikan.
"Ehem Ehem Ehem,baka matunaw" pasimple pa syang Natawa sa ginawa nya.
Natauhan naman yung mga ulupong at mga nagsiiwasan ng tingin.
"Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ni James.Kung close lang kami tinawanan ko lang yan.Natawa naman ng mahina si Heaven.
"Dito ang class room ko" sabay pasok ng tuluyan.Pumasok din si Heaven pero nakayuko lamang sya.Tsaka nasa likudan ko.Napatingin naman sila kay Heaven."Dito muna sya papasok may naghahanap kasi sa kanya gusto syang saktan"pagsisinungaling ko.Alam ko kasing magtatanong yan sila.
Bigla naman akong kinuwit ni Heaven kaya napatingin ako sa kanya."Ano ba yang sinasabi mo?"
"Para makilala mo sya kahit isang araw lang,Para makasama mo sya sa isang silid kahit isang araw lang"
"Paano?Kung hanapin ako?"
"Ako ng bahala don" Sabay ngiti sa kanya ng tipid.
"Ahh,Heaven dun ka muna umupo sa tabi ni Cris" sabi ko.Gulat naman nya akong tinignan."Wala kasing bakanteng upuan sa tabi ko,kaya dun ka muna sa tabi ni Cris"namula nanaman sya.Pinipigilan kong ngumiti dahil kamatis na yung mukha nya.
Iniwan ko syang nakatayo sa unahan at umupo na sa upuan ko.Lahat kami nakaupo na Maliban sa kanya na nakayuko pa at nagtatago ng mukha sa buhok.
Nang mag-angat ang tingin nya ay sa gawi ni Cris ang Una nyang Tingin,tinignan ko naman si Cris at nakatingin din sya kay Heaven.Tulala.
Ipinatong ko ang siko ko sa arm rest at ipinatong ko naman ang baba ko sa palad ko at nagpapalit palit ng tingin sa dalawa.Tinakpan ko ang bibig ko Para Walang makawala na kilig.
Grabe, kinikilig ako.Eye to eye sila mga bes.
"Heaven maupo kana,mamaya kana makipag titigan kay Cris kapag nakaupo kana.Mas malapit mas maganda" sabi ko.Napatingin naman sya sa akin at namula.
Walang ano ano ay naglakad na sya Papunta sa gawi ni Cris at umupo sa tabi nito.
Sinisilip ko yung dalawa at grabe naluluha ako sa kilig kasi nag-uusap sila.Waahhh!Effective.
Nagtatawanan narin sila. Mukha ngang may gusto rin si Cris kay Heaven eh.Yung mga titig nya kakaiba sa ibang simpleng titig,yung titig na may ibig sabihin. Waahhh!Kilig ako.
"Ok naba yang kamay mo?" Muntik na akong matumba sa inuupuan ko ng biglang may magsalita sa tabi ko.Pagtingin ko si James.
Huh?Si James?Tinatanong ako,kung ok lang daw yung kamay ko.
Mamamiya.
"Ha?" Natawa pa sya ng mahina.
"Kung ok na kako yang kamay mo?"
"Hah?Ahh..oo ok na" ang weird lang talaga kasi kaaway mo bigla Kang kinausap.
Weird.
"Alam kong nagtataka ka sa bigla kong pagka-usap sayo kahit kaaway kita.Bati na tayo?"
"Hah?" Ang slow ko ngayon,grabe.
"Bati na tayo?"
"Hah?ahh Oo bati na tayo"
"Sorry sa mga ginawa ko sayo"
"Ok lang yun,Sorry din"
"Simula ngayon dito nako uupo sa tabi mo"gulat ko syang nilingon." Ayaw MO?"Himala.
"Ahh,hindi sige dyan kana umupo" sabi ko sabay baling ng tingin dun sa Dalawa.
Successful!
"Kakilig sila no?"pagharap ko ay bigla akong nakasampal.Pagtingin ko si James." A-aray"
"Hala!" Sabi ko sabay hawak sa bibig ko."Sorry,bakit bigla ka kasing nagsasalita sa tabi ko"sabi ko habang nakalagay yung kamay kosa bibig ko.
"Hindi na tayo bati" isip bata nyang sabi."Sinampal moko"sabay pout.Ang cute nya.
"Hahaha,ang cute mo"sabay pisil ko ng pisngi nya.Lalo syang nag pout." Ang cute cute mo"nanggigigil kong sabi sa kanya.
"Tama na,yung gwapo kong mukha" angil nya.Binitawan ko naman iyon.
"Sorry ang cute mo kasi" sabi ko sabay ngiti sa kanya.Ngumiti rin sya pabalik sa akin at Tumingin sa may likudan ko.Ngumuso sya at tinignan ko naman iyon.
Omooo!Waaahhhh!Yung Dalawa!Nagkakadevelopan na ata!
"Ano ba yan ang langgam"
"Oo nga,may matamis ata e"
"Sweet ba kamo?"
"Oo" pagpaparinig ng iba kila Cris at Heaven pero walang effect, todo usap lang sila.
Nagkatinginan naman kami ni James.
"Hmmmmm" sabay naming sabi.
***?