HIREIN'S POV
Kanina pa ako hindi mapakali at kanina pa ako patingin tingin sa cellphone ko.Inaantay ko kasi ang text ni Matt,boyfriend ko.
Two years na kami ni Matt at sa mga nagdaang araw ay ngayon lang sya hindi nagtext sakin.Ay mali pala.Simula ng pumasok ako dito sa university nato.
Ilang araw kona syang tinetext at tinatawagan pero wala syang sagot kahit isa.Nag-aalala na ako sa kanya ng sobra.
Hindi rin ako tinetext o tinatawagan ni Mika simula rin ng pumasok ako dito sa Grillian University.
Iniisip kona lamang na busy silang Dalawa,kaya hindi nila nasasagot ang mga text at tawag ko.
Pinuksan ko muna ang face book ko dahil ilang araw rin ang hindi nag-oonline dahil masyado akong busy.
Agad na nangunot ang noo ko dahil nagpost si Mika ng picture nilang dalawa ni Matt na nasa isang beach. Agad naman akong napanguso at nagtipa.
Daya nyo!Hindi nyo ko sinasama:(
Ilang sandali pa ay nagreply si Mika sa comment ko.
Sorry sis,masyado ka kasing busy.Napag-isipan namin ni Matt na wag ka munang istorbohin kaya hindi kana namin inaya.
Pwede naman nila akong tanungin kung gusto kong sumama,para narin makapag relax ako kahit sandali lang.Pero bakit di nila ginawa.
Hindi na ako nagreply pa at scroll lang ako ng scroll hanggang sa makita ko ang post na picture ng isa sa barkada ni Matt.
Parang kinurot ang puso ko ng makita kona ang kahalikan ni Mika at si Matt?Hindi ko sigurado kung si Matt ang kahalikan ni Mika dahil malabo ang kuha ng litrato.
Iniisip kona lamang na boyfriend ni Mika yon dahil pareho sila ng hair cut ni Matt,kaya hindi ko pwede na pagbintangan si Matt ng Walang proweba.
May tiwala naman ako sa kanya na hindi sya magloloko dahil Simula ng maging kami at tumino na sya dati kasi syang play boy.
Agad akong nagcomment sa post ng kaibigan ni Matt.
Naks naman @Mika .
Ang gaga pinusuan lang.
Matalik kong kaibigan si Mika simula bata ay magkaibigan na kami,nakilala ko sya dahil ipinagtanggol ko sya sa mga batang nambubully sa kanya.Kaya sinabi kosa kanya na maging magkaibigan nalang kami Para wala ng mambully sa kanya at para narin may tigapagtanggol sya.Kaya Simula sa araw na iyon ay super close na namin.
Nagbago lamang ang ugali nya ng ipakilala kosi Matt bilang boyfriend ko.Lagi nalang syang nagsusungit at lagi syang busy kapag inaaya ko sya na mamasyal kami.
Bumalik lang ako sa realidad ng may magsalita sa gilid ko.
"Sang bansa na nakadating yang isip mo?"
"Ay,palaka!" Sabi ko ng dahil sa gulat. Tumawa naman sya ng malakas na ipinangunot ng noo ko.Bago ko lang sya nakita dito.Transfer ba sya?
"Hi"nagulat na lamang ako ng may mag sira sa kabilang gilid ko naman.Nang dahil sa gulat ko ay ns sampal ko yung nagsalita.
Sa sobrang lakas ng sampal ko ay nag echo ang tunog nito sa room,dahilan para mapatigil ang iba sa paghaharutan at mapatingin sa gawi naman.
Nagulat na lamang ako dahil hindi ko kilala yung lalaking nasampal ko.Hawak ng dalawang kamay nya ang pisngi na na sampal ko at halatang nasaktan sya dahil namumula ang buong Mukha nya.
Tumawa naman ang lahat maliban kay Clint at sakin na naguguluhan parin.
" Pag kasi nangingibang bansa ang utak nya wag kayong basta basta na magsasalita at susulpot"sabi ni James habang natawa parin.
Humarap naman ako dun sa nasampal ko.Hanggang ngayon ay napapangiwi sya sa Sakit.
"S-sorry ha?Wag ka kasing basta Basta na susulpot sa tabi ko at nagsasalita,magugulatin kasi ako" sabi ko habang nakaharap sa kanya.Ngumiti naman sya.
Halos wala na syang mata kapag nakangiti sya,para lang si James.
"Ok lang yun,ako nga pala si Jinjin,but you can call me Jin" nakangiting pakilala nya,Sabay lahad ng kamay. Parang hindi na sya nasasaktan sa pagkakasampal ko.
"I'm Hirein Abigail Cross,but you can call me Hirein"sabi ko sabay shake hands kami.Ngumiti kami sa isa't isa.Ang cute nya.
"Ako naman si Kyle" sabi nung nasa kabilang gilid ko.Muntik na nga uli akong makasampal kung hindi lang nahawakan ni Jin ang kamay ko."Nagulat ba kita?Hehe,sorry"sabi nya sabay piece sign.
"Hayss"nasabi kona lamang habang nakaharap sa kanya.
" Uulitin ko.Ako nga pala si Kyle"sabi nya sabay lahad ng kamay.Tinanggap ko naman iyon.
"Hirein Abigail Cross" sabi ko habang makikipag shake hands sa kanya.Agad naman na nangunot ang noo ko ng Ngumiti sya.
Katulad na katulad ni James sina JinJin at Kyle. Kapag nakangiti at nawawala ang mga mata nila at ang cucute nila.Isama pa natin yung mga dimples nila.
Magkakapatid ba sila?
Sa Mukha pa lamang nung dalawa ay halatang siraulo rin katulad ni James.Alam kona ang style nila mga bulok.
Sa unang tingin mopa lamang kay Jin ay halatang makulit Ito ay maingay.Ganon din si Kyle.
Halata rin na masayahin at palangiti sila.Katulad na katulad sila ni James.Siraulo.
***?
Please vote and comment.
Thank you!