Chapter 7:Picture

1120 Words
HIREIN'S POV "Eyy!Watsup" "Good morning, good morning" "Watsup madlang classmates" "Hello everyone,good morning" "Morning" Walang gana kong bati sa kanila pagkapasok ko.Agad akong umupo sa upuan ko at pumangalumbaba patingin-tingin sa cellphone ko. Kanina pako nagtetext kay Matt pero hindi sya nagreply kahit tuldok man lang.Pagtatawag ako makailang ring bago nya sagutin,tapos galit pa sya pagnagsasalita. Balak ko sana syang tawagan pero naalala ko na galit pala sya pag may tumatawag.Sinasabi nya istorbo ako dahil busy daw sya sa assignment nya. Wala na syang time sakin kahit si Mika.Ano bang nangyayari sa dalawang yun.Lagi atang may period. Nawala lang ang tingin ko dun sa cell phone ko ng tawagin ako ni James,agad na nangunot ang noo ko dahil nasa malayo ang upo nya. "Bakit?" Walang gana kong sabi habang nakapangalumbaba. "Ok ka lang?" Tanong nya.Tumango lamang ako.Lahat sila ay nakatingin sakin."Sigurado ka?"may halong pag-aalala sa boses nya.Tumango lamang ako. "Siguradong,sigurado ka?" Sabi ni Jin.Tumango lamang ako. "Siguradong siguradong Sigurado ka?" Si Kyle naman ang nagtanong. "Oo nga" sabi ko sabay ngiti ng pilit.Mukha namang naniwala sila."May inisip lang"dagdag kopa sabay ngiti uli ng pilit. Nawala lang ang atensyon nila ng pumasok si Sir Cuballes ng may magandang ngiti.Anyare? "Sir,Anyare?" Tanong ni Kyle,lahat na kami ay nakaupo na.Lahat kami ay nag-aantay ng sasabihin nya dahil anlaki talaga ng ngiti nya. Kulang nalang mapunit. "Sir,pwede naba naming guntingin yang bibig nyo?" Tanong ni Jinjin agad syang binatukan ni James at Kyle.Nagtawanan naman sila habang ako ay naka poker face lang. "I have an announcement" Huminga muna si sir bago magsalita at ngumiti. "Magkakaroon tayo ng Field trip" napailing na lamang ako,habang ang iba ay nagtatatalon sa saya. "Sir,kelan!?"nagmamadaling tanong ni Kyle. Ngumiti si sir ng pagkalaki-laki bago .magsalita." Biyernes nitong linggo nato,tatlong araw tayong mawawala kaya maghanda kayo" "Waaahhhh!" "Beach!" "Chicks!" "Ckika babes!" "Girls!" Hiyawan ng mga ulupong. Habang ako ay nakapangalumbaba at boring na boring. "Sir san tayo magfifield trip?" Excited na sabi nung tatlong isip bata. "Sa beach" sabi ni sir,naghiyawan naman yung mga ulupong.Habang si sir ay tawa ng tawa habang umiiling. Hmm?Sir is lying. Tumayo ako at lumapit kay sir.Bumulong ako. "Sir,nagsisinungaling kayo,hindi ba?" Halata naman ang gulat sa mata nya at napangiti."San ba talaga tayo magfifield trip?" Lumapit sakin si sir at bumulong,gusto kong humalakhak sa nalaman ko.Pero mahahalata ako nila James kung tatawa ako. Itinapat ni sir yung hintuturo nya sa labi nya at sinasabing wag daw akong maingay. Nagpipigil naman ako ng tawa habang tumatango. Habang pabalik na ako sa upuan ko ay nagtama ang paningin namin ni Clint.Seryoso at walang emosyon ang Mukha nya habang nakatingin saki.Inirapan ko lamang sya at umupo na sa upuan ko. Natigil lang sila sa pagsasaya ng paupuin na sila ni sir Cuballes at nagsimula narin syanf mag klase. ***? CAFETERIA Mag-isa lamang akong nagpunta ng cafeteria dahil yung mga ulupong ay susunod nalang daw.Ewan ko kung gagawin nila kung bakit sila nagpahuli. Habang papasok ako ay pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan ko.Siguro pangit na pangit sila sa akin. Hanggang sa pagbili ko at pag-upo ko ay nakatingin lang sila sa akin.Yung iba pinagbubulungan pa ako.At yung iba ay may paturo-turo pa sakin ng palihim, kita ko naman. Kahit naiilang ako ay hindi ko na lamang sila pinansin, Itinuon ko na lamang ang sa pagkain ang aking paningin. Wala akong kasama dahil si Heaven ay absent dahil may family problem daw ang pamilya nila.Kaya mag-isa na lang ako. ***? CLASS ROOM Naka pangalumbaba ako habang pinapanood yung mga ulupong na magnatuhan ng mga binilog na papel.Panay rin ang sulyap ko sa cellphone ko at nagbabakasakali na nagreply na ang boyfriend ko.Pero kahit tuldok ay wala. Nakakainis. Gaano ba sya ka busy at hindi man lang nya ako mareplyan kahit isang salita lamang.Mag reply lang sya ng tuldok ok nako e.Pero hindi e.Nakakainis! Binuksan ko ang i********: account ko dahil hindi na ako nakakapag i********:,baka mabulok. Agad na nangunot ang noo ko dahil nagpost si Matt kasama si Mika na nasa beach sila.Ten Minutes ago. Wait,ten minutes ago!Akala ko busy sya,bakit nasa beach sila?! Hindi ko sya tinatawagan dahil akala ko busy sya,yun pala nagbebeach! Kahit galit ako ay nagscroll lang ako ng nag scroll hanggang sa mapatigil ako sa Isang post na picture ni Matt. Nakahawak sya sa bewang ni Mika habang may hawak sila na bote ng beer at nakatingin sila sa isa't isa habang nakangiti. Kinakabahan ako. Nagscroll lang ako ng nagscroll ng makita ko ang post ni Mika na magkadikit ang ulo ni Matt at nya sa isa't isa habang nakahawak sa pisngi ni Mika si Matt at nakangiti sa isa't isa. Niloloko ba nila ako?... Ininstalk ko si Matt at agad akong nakaramdam ng selos ng makita ko na mas marami pa silang picture ni Mika na nakapost kesa sakin na girlfriend nya. Naiinis ako! Dahil sa Inis at selos ay inunfollow ko sya.Bahala syang magtaka kung bakit nakulangan ng isang follower ang IG nya. Naisipan ko rin na iinstalk si Mika agad na napataas ang kilay ko dahil sa lahat ng post nya ay isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Magkadikit ang mga noo nila habang magkalapat ang mga ilong nila.Nose to nose.At matamis na nagngingitian sa isa't isa.Tapos nakacaption pa ay... You're life.You're my everything. My Life :) Parang sinaksak ng milyong milyong kutsilyo ang puso ko sa nalaman ko. May relasyon nga sila. Unti-unting nangilid ang mga luha ko pero pinipigilan ko.Mapait ako na ngumiti. Malay koba na wala ako sa tabi nya unti-unti na pala syang naiinlove sa iba... Nakita ko na nagstory ang isa sa kaibigan ni Matt,agad ko iyong pinindot at nagsisi ako kung bakit kopa tinignan iyon. Si Matt at si Mika naghahalikan.Nakapatong sa kandungan ni Matt si Mika habang nakahawak sa bewang si Matt at si Mika naman ay nakahawak sa ulo nito. Agad kong nabitawan ang cellphone ko.Napatingin sakin si James at tinawag ako pero hindi ko sya pinansin. Kung kanina ay milyong milyong patalim ang sumaksak sa puso ko ngayon at bilyon bilyon na samahan mopa ng atomic bomb na pinasabog sa bansang Japan. Naikuyom ko ang mga kaamo ko at masamang tumitig sa cellphone ko na patuloy parin sa pagplay ng video nina Matt. Kung kanina ay sakit ang nararamdaman ko ngayon ay galit,matinding galit.Pinagtaksilan nila akong dalawa. Ang matalik kong kaibigan at ang first boyfriend ko ay niloko ako.Great. Dinampot ko ang cellphone ko at agad na ibinato sa harapan dahilan para matigilan silang lahat sa paghaharutan at gulat na tumingin sakin. "Hirein"narinig kong pagtawag sakin ni James,bakas ang pag-aalala sa Mukha nila lalo na yung tatlong isip bata. Hindi ko makita ang reaksyon ni Clint dahil panigurado ay wala nanamang emosyon ang mukha non. ***? Please vote and comment. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD