HIREIN'S POV
"Ako nang mag-iipit sayo.Tch" napalingon kami kay Clint ng sabihin nya yon.Seryso ba sya?."Wag mo kong titigan,bilis talikod "tumalikod naman ako.
Naramdaman ko nalang na tinanggal nya ang puyod ko pero hindi nya binibitawan ang buhok ko.
Nang lingunin ko sila James ay mga nakatingin sila sa akin at nakangiti ng nakakaloko.
Naka singot ata sila e.
Nang matapos na akong puyudan ni Clint ay agad kong inabot sa kanila yung mga paper bags.
"May damit at bimpo narin dyan.Bumili narin ako ng pulbo baka kailangan nyo e" sabi ko.
"Thank you!" Sabi nila habang nagpapacute.
"Oo na.Magbihis na kayo para makakain na at makatulog na ako" agad na nangunot ang noo ko ng akmang huhubarin nila ang t shirt nila."Teka,Teka,Anong ginagawa nyo?"pigil ko sa kanila.
"Magbibihis,ano paba?" Sabi ni Cris.
"Dito?As in dito?" Kunot noo kong tanong.Tumango naman sila."Bakit dito?"
"Para hindi na mapalayo.Nakakatamad na kasing maglakad e" sagot naman ni James.
"Pero—" hindi kona natapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Kyle.
"Sige na dito nalang,nakakatamad maglakad e" sabi nya habang nakanguso.Nagpapaawa.
"Dun kayo sa pinakang dulo.Para hindi kayo makita" kunot noong sabi ko.Nagliwanag naman ang mga mukha nila at nagpunta na sa dulo.
May kumalabit sa balikat ko at pagharap ko sa sa kumalabit sa akin ay mag-asawang sampal kaagad ang dumating nakin.
Naks.
Sya yung babae na sumampal din sakin kanina ah.Nanlilisik ang mata nya ng salubungin ko ang mata nya.Tsaka ko lang napagtanto na kasama nya pala ang ibang humahabol sakin kanina.
"Malandi!" Sigaw nya sakin.
"Sino?" Maang-maangan kong tanong.
"Ikaw!"
"Ah,Akala ko kasi sinasabihan mo ang sarili mo e" bored kong sabi.Nakita ko naman na nag-igting ang panga nya.
"What did you say!?" Nanggagalaiting sigaw nya.
"Akala ko sinasabihan mo ang sarili mo na malandi"
"How dare you!" Sinampal nya uli ako pero hindi ko pinigilan. Bahagya pa syang nagulat ng hindi ako pumatol sa kanya.
"Wala akong time para makipag away sayo kaya pwede bang umalis kana" bored kong sabi.Ayoko kasi ng away ngayon dahil pagod ako.
"Magkikita pa tayo. Tandaan mo itong maganda kong mukha." Bago sya tumalikod ay pinalipad nya uli ang palad nya sa Mukha ko."Remembrance yan"sabi nya at naglakad na palayo.
Bago naman tumalikod ang mga alipores nya ay inirapan una nila ako bago maglakad habang kekembot kembot.
Tch,papangit naman.
Napahawak naman ako sa pisngi ko habang nakanguso.Sakit non ah.
"Hirein!" Kahit hindi ako humarap ay kilala kona sila.Basta pagsila ang unang tumawag sakin ibig sabihin yung apat yon.
Humarap naman ako sa kanila habang papungay-pungay ang mata.Inaantok na talaga ako.
"Anyare sayo teh?" Bakla baklaang tanong ni James."Bakit namumula yang pisngi mo?"
"Wala to.Tara na nagugutom na kayo e" sabi ko habang nakanguso at nagpauna ng naglakad.
Habang naglalakad ako ay nakatingin lang ako sa cellphone ko.Nagtext kasi si Mommy na next week na sila uuwi ng biglang may nabangga ako.
Nabitawan ko ang cellphone ko at nakaupo nanaman ako sa sahig. Bwiset, pangalawa nato ah.
Agad akong tumayo at pinulot ang cellphone ko,kaazar.
"Sorry Hirein" napatingin ako dun sa nagsalita. Pagtingin ko si Kurt.Nanaman.
"Kurt"
"Sorry talaga, pangalawa nato"sabi nya sabay hawak sa batok nya.
"Okay lang, hindi naman kasi ako nakatingin sa daan e" sabi ko.Lumapit naman yung kasama nya at bumulong.
"Pare,ang ganda nya.Ligawan mona" bulong nung kasama nya.Tch,bubulong Rinig naman.
"Haha,Loko ka talaga" sabi ni Kurt.Napatingin naman ako dun sa kasama nya na bumulong. Ngumiti sya sakin at naglakad ng kamay.
"Hi,ako nga pala si Jark"sabi nya habang nakalahad ang kamay at nakangiti.
Tatanggapin ko na sana ang kamay nya ng may humawak sa kamay nya at nakipag shake hands.
"I'm Cris" sabi ni Cris sabay yugyog ng kamay ni Jark.Taka naman na tumingin si Jark kay Cris pero agad din itong ngumiti.
"Nice meeting you" nakangiting sabi ni Jark pero halatang pilit.Tinanguan naman sya ni Cris.Tumingin uli sya sakin at ngumiti. "I'm Jark" sabi at lahad ng kamay.
Aabutin kona uli sana ang kamay nya ng may umakbay sakin.Akala ko si Cris ang umakbay sakin pero pagtingin ko ay si Clint.
Nakatingin lamang sya ng diretso sa kasama ni Kurt pero paglingon ko ay kay Kurt sya nakatingin. Nakatingin din si Kurt sa kanya.Parehong seryoso ang mukha nila.Anyare.
Mukhang nagkakainitan sila kaya nagsalita nako.
"Ahh, Kurt" napatingin naman sya sakin at ngumiti. "Mauna na kami" sabi ko at Alis ng kamay ni Clint sa braso ko.
Ngumiti naman sya at lumapit sakin at ginulo ang nakapuyod kong buhok. Ngumiti sya bago umalis.
Tsaka ko lang napagtanto na marami rin sila at mga nasa bente sila puro pa mga lalaki.
Humarap naman ako sa SE ang sasama ng tingin nila kila Kurt.
"Tara na" tsaka lang nawala ang atensyon nila kila Kurt.
---*
NANDITO kami ngayon sa isang restaurant at kumakain.Sila lang pala yung kumakain.Nakadukdok lang ako sa lamesa. Inaantok na talaga kasi ako.
"Hirein" narinig kong tawag sakin ni James.
"Hmmm?" Sabi ko habang nakadukdok sa mesa at nakapikit.
"Kumain kana" sabi nya.
"Ayoko" sabi ko habang umiiling.
"Bakit ayaw mo ?"
"Ewan ko"
"Hirein" Hindi na boses ni James yon Kundi kay Cris.
"Hmm?"
"Tumingin ka dito"
"Saan?'
" Sakin"
"Bakit?"
"Basta" ayoko pa sana syang sundin kaso seryoso yung boses nya.Nang mag-angat ako ng tingin ay seryoso sya.Napanguso naman ako.
"Oo na.Oo na.Kakain na." Sabi ko sabay nguso."Order nyo ko"sabi ko sabay ngiti.
Umiling naman sila.
"Sige na." Umiling naman sila kaya napabusangot ako.Tatayo ma sana ako ng tumayo si Clint.
"Ako na" sabi nya at naglakad na.
"Thank you!" Sabi ko."Buti pa si Clint mabait kahit masungit. E yung iba dyan"pagpaparinig ko sa kanila. Nakita ko naman na naguilty sila.
"Oh eto,ubusin mo yan" sabi ni Clint pagkalapag ng pagkain ko.
"Ang dami naman nito" sabi ko sabay nguso.
"Ubusin mo yan" seryosong sabi nya.Lagi naman syang seryoso pero iba yung pagiging seryoso nya.
"Oo na" sabi ko sabay nakangusong kumakain.Habang kumakain ako ay may naalala ako."Hala!"
"Bakit?May problema ba?" Tanong ni Kyle.
"Yung mga binili nyo sa mall.Yung iniwan nyo sa baggage counter" agad na nanlaki ang mata nila.
"Hala!" Sabi nung apat at sabay sabay pa na tumayo.Haha ang oOA nila."Tara kunin na natin!"nagmamadaling sabi nila.Palihim naman akong Napangiti.
Hehe,Nakatakas rin sa pagkain.
---*
MALL
"Ito napo yung number" abot ko dun sa bantay na nagbabantay sa baggage counter.
Inilabas naman nila yung mga pinamili nila James kanina.
Nang mailabas na nila yung mga gamit ay agad na kinuha nila James yung mga pinamili at binuhat.Nagpasamat naman ako bago kami umalis.
Nasa van na kami ng mag-aya ako.
"Laro tayo" napatingin naman sila sakin ng may pagtataka ngumiti naman ako ng malaki.
"Pero sabi mo hindi ka naglalaro" sabi ni James.
"Gusto ko lang naman na itry e.Simula bata kasi ako hindi ako nakakapag laro lagi nalang akong kulong sa bahay." Sabi ko sabay nguso."Sige na payag na kayo"habang nagpapaawa.
"Sabi mo inaantok kana"
"Kanina lang yon,sige na.Tara na" sabi ko sabay hawak ng kamay ni James at hinila na sya.Nagsunuran naman sila.
Kaso biglang hinila ni James yung kamay nya kaya napatigil ako at napaharap sa kanya.
"Tara na" sabi ko.Umiling naman sya.
"Hindi na pwede,maggagabi na" inilibot ko ang paningin ko at maliwanag pa naman.
"Anong maggagabi na?Ang liw—"hindi kona natapos ang sasabihin ko ng magsalita uli sya.
"Alam namin na pagod ka at nangangawit na ang mga binti mo kaya umuwi na tayo para makapag—" hindi kona pinatapos si James sa sasabihin nya ng unahan ko sya.
"Tara na nga" sabi ko at tumalikod na ako sa kanya at nagpauna ng pumasok sa van.Agad naman silang nagsisunuran.
Ngayon nga lang ako maglalaro ipagdadamot pa.Tch.
Nang makasakay na ang lahat ay agad akong nagsalampak ng head set sa tenga ko pero hindi ako nakikinig ng music.Tinanggal ko ang salamin ko at nagsuot ng shades.Parang maiiyak nako e.
"Hirein"
"Hala!Galit ata"
"Nagtatampo?"
"Patay ka James"
"Hala galit"
"Huy,James magsorry ka"
"Ba—wahhhhhhh!" Hindi na natapos ni James ang sasabihin nya ng paandarin ko ng mabilis ang van.
Panay ang sigaw nila pero wala akong pakialam.Bahala silang sumigaw dyan.Hmp!
***?
Please vote and comment.
Thank you!