Chapter 16: Mall 5

1302 Words
JAMES POGI POV Parang pamilyar sakin yung babae na napagtanungan ko kanina.Parang may kamukha sya.Pero malabong maglagay sya ng make up sa Mukha nya. Pero—s**t!Natakasan kami. Nilingon ko ang mga kasama ko at lahat sila ay nakahinto.Nagkatinginan kami at nanlaki ang mga mata. "Yung babae!" Sabay sabay naming sabi habang nanlalaki pa ang mga mata namin."Si Hirein!"sabi uli namin.Pinagtitinginan na kami ng mga tao na nadadaanan namin pero wala akong pakialam. Agad kaming bumalik sa comport room ng mga babae at habang papalapit kami ay biglang bumukas ang pinto ng cr at iniluwa non si Hirein. Agad kaming huminto.Napatingin ako sa hawak nyang paper bag.Yun yung hawak nung babae kanina. Hindi na sya nagpalinga-linga at tuloy lang sa paglalakad, bigla syang ngumisi.Baliw na sya. "AYUN!HULIHIN!" Agad naming binatukan si JinJin ng bigla syang sumigaw.Napatingin sa gawi namin si Hirein at agad na tumakbo. Tumakbo rin kami. "Napaka tanga mo JinJin.Hindi nga kami sumigaw tapos sisigaw ka" sabi ni Kyle habang tumatakbo kami. "Soryy hehehe,Akala ko kasi Si sigaw din kayo e" "Maghahabol nanaman uli tayo,tch." Sabi ni Clint."Bakit ba kasi ayaw nyang ibigay yung mga gamit natin?Kainis!"halata sa tono ni Clint ang inis napangiwi nalang ako. "JinJin kasi e" sabi ni Kyle. "Sorry na nga diba?!" "Nagugutom nako" sabi ko sabay pout. "Hanapin muna natin si Hirein bago tayo kumain" sabi naman ni Cris. "Oo nga!" Sabay sabay naming sabi. ***? HIREIN'S POV Hindi ko nanaman alam kung saan ako napunta neto.Wala akong pakialam kung nasasaan na ako ang mahalaga ay napagod sila.HAHAHAH. Habang naglalakad ako ay nagpalinga linga ako.Baka mamaya sumulpot yun sila e. May bigla akong nabunggo kaya napaupo ako. "Aray" mahinang daing ko habang nakahawak sa balakang ko.Ang sakit non ah. "Are you okay,Miss?" Tch!Pagkatapos nya akong bungguin magtatanong sya kung okay lang ako.Bangag ba sya!? Inilahad nya ang kamay nya at napatingin naman ako sa kamay nya hanggang sa mukha nya.Shemay!Ang gwapo nya.Pero hindi ko sya TYPE. Sumalubong sakin ang nag-aalala nyang mukha. Tch,kunwari concern. Tinanggap ko ang kamay nya at itinayo nya ako.Agad naman akong nagpagpag ng puwitan ko.Bwiset, ang sakit talaga. "Miss,sorry talaga may hinahanap kasi ako e" sabi nya. "Okay lang, hindi rin kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko e" sabi.Ngumiti sya sakin pilit na ngiti naman ang ginanti ko. "I'm Kurt Valden" nakangiti nyang sabi habang nakangiti.Inilahad naman nya ang kamay nya. "Hirein Abigail Cross" sabi ko at ngumiti,Tinanggap ko rin ang kamay nya at nagshake hands kami. Pagkabitaw ng kamay namin ay magsasalita sana sya ng may biglang sumigaw..... "HIREIN!" Napatingin naman ako sa kanan ay nakita ko si James na nakaturo pa sa akin. Patay Ayan na. "HABULIN!" Sabi nung apat. Tumingin naman ako kay Kurt na nakakunot ang noo habang nakatingin kila James "Sige,Kurt.Alis nako.Nagtataguan kasi kami e.Bye bye" tatakbo na sana ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.Napatingin naman ako sa kanya."Bakit?" "Nice meeting you" nakangiting sabi nya.Ngumiti naman ako. "Nice meeting you den" sabi ko at binawi ang kamay ko at nagtitinakbo na. Mabilis akong tumakbo ng tumakbo at hindi kona alam kung saang lupalop ako ng mall napunta.Palinga linga ako sa paligid at baka makita ako. Tsaka ko lang namalayan na nasa gitna pala ako ng mall hehehe.Hingal na hingal at pawis na pawis na ako.Pero gusto kong pang tumakbo Hahaha. Maglalakad na sana ako ng may biglang nagsalita sa sound system ng mall. "Hirein!Nasan kana ba?Huhuhu nagugutom nako" base sa Boses ay si James iyon HAHAHAH.Napatigil tuloy sa paglalakad yung mga tao. Narinig kopa na nagbubulungan sila.Nagtuturaun ata sila kung sino ang sunod na magsasalita HAHAHA. "Hirein,where na u?" Sabi naman ni Kyle. Gusto kong humalakhak kaso nakakahiya baka isipin nila baliw ako. "Ako naman,ako naman" dinig kong sabi ni Eyan. "Ano ba?Ako muna" sabi naman ni Jinjin. Magtatalo pa ata. "Pagbigyan mona JinJin,gusto na nyang makausap si Maria her loves HAHAHAHA!" Dinig kong sabi ni James.Tumawa naman yung iba. "Hirein,Please! I'm pleasing you hahaha" Ang Gago ni Eyan.Tumawa pa HAHAHAH. "Hirein,we're hungry at thirsty" dinig kong sabi ni Cris."...And were also hot HAHAHA " Ang Hangin din pala ni Cris.Hahaha. Narinig ko rin ang paghinga nila kaya Sigurado akong pagod na sila. Ibigay ko nalang kaya sa kanila yung wallet nila?Para makakain at makainom na sila.Pero gusto ko pang tumakbo.Napanguso nalang ako sa naisip ko. Sige na nga.Magpapakita na ko. "Damn that girl" agad na nanliit ang mata ko sa sinabi ni Clint.Aba,aba ,aba.Wag ko nalang kaya ibigay sa kanila ang pera at cellphone nila.Agad naman akong umiling sa naisip ko. Alam kong pagod na sila at gusto na nilang magpahinga.Kaya Ibibigay kona sa kanila ang gamit nila kahit ayaw kopa hahaha. "Hirein,kung makikipag kita ka samin pumunta ka sa second floor dun sa bilihan ng mga pangluto.Maraming salamat" agad akong nagpipigil ng tawa at napailing bago maglakad. "Ang makahuli po kay Hirein ay may libreng yakap mula sa pinakang gwapo sa grupo walang iba Kundi ako" Mahangin na sabi ni James.Agad akong napatigil sa paglalakad ng marinig ko iyon. Habang naglalakad ako ay diniscribe ako ng sira uling James nayon.Lahat tuloy ng nadadaanan ko ay napapatingin sakin. "AYUN SYA!" Agad akong napatingin sa grupo ng mga kababaihan na tumatakbo Papunta sakin habang nakaturo sakin. Isa lang ang nasa isip ko. Takbo. Habang tumatakbo ako ay padami ng padami ang mga taong humahabol sakin. Mga babae at mga binabae. Humanda ka talaga sakin James mamaya. Mabilis akong sumakay ng escalator pataas at sumakay din naman yung mga babae. Nagtatakbo ako ng nagtatakbo habang sumusunod sakin yung mga babae. Takbo doon,takbo dito ang ginawa ko para mahanap sila James. Nang mahanap ko sila ay agad akong tumigil at naghabol ng hininga, Medyo malayo ako sa kanila kaya hindi pa nila ako nakikita.Mga nakaupo sila sa sahig habang yung apat na nakawala sa mental ay nakatayo. Nagtatalo nanaman sila kung ano ang nauna.Itlog o manok?Yun ata ang pinagtatalunan nila e... "Jam—" hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng may pumalo sakin ng pan sa ulo. Gagi ang sakit. "Pinahirapan mopa kaming Bwiset ka" sabi nung pumalo sa akin. Hindi nalang ako nagsasalita dahil naghahabol parin ako ng hininga at ayokong makipag talo. Maglalakad na sana ako papunta kila James ng hablutin nung babae yung buhok ko.Anak ng senakulo naman oh! Wala akong balak manlaban dahil pagod ako at nangangawit na ang binti ko katatakbo. Iniharap ako nung babae sa kanya at malakas na sinampal. Hindi ko nalang iyon pinansin. "Hirein!" Hindi ko man lingunin at nasisiguro ko na ayun yung apat. Nawala lang ang paningin sakin nung mga babae ng dumating sila James. Binangga nila ang balikat ko para lagpasan ako at lumapit kila James. Humarap naman ako sa kanila at nakita ko kung paano nila nilagpasan yung mga babae at dumiretso sa akin. "Hirein ayos kalang?" Nag-aalalang tanong nung apat. "Inaantok nako" sabi ko sabay nguso. "Tinatanong ka namin kung ayos kalang!?" Kailangan talaga sabay sabay?Kaloka tong apat nato. Pinanliitan naman ko naman ng mata si James. "Mukha ba kong okay?Tignan nyo nga ko oh?Mukha ba akong okay?" Sabi ko."Isa kapa James,diniscribe mopa talaga ako" "Hehehe, sorry" Napakamot naman sya ng ulo nya. "Hoy! James!Puyudan moko" "Bakit?" "Nangangawit yung kamay ko e.Mabigat kasi tong dala ko" sabay pakita ko ng paper bags na dala ko. "Diba isa lang kanina yan?" "Yup!" "E bat dumami?" "Binili ko kayo ng damit nyo" agad naman na nangunot ang noo nila. "Bakit?" "Pawisan kaya kayo.Kaya binili ko kayo ng damit" nakangiti kong sabi.Ginulo naman nya ang buhok ko."Puyudan mona ako.Bilis.Mukha akong sabog e" "Hindi ako marunong mag-ipit" sabi nya. My ghad! "Sinong marunong mag-ipit sa inyo?Papuyod naman oh" walang sumagot sa kanila kaya napabusangot ako."Pano nalang kapag nagka girlfriend kayo?Magpapapuyod sila Tapos sasabihin nyo "Hindi ako maru—" hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita si Clint. ***? Please vote and comment. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD