HIREIN'S POV
Hindi ko alam kung saan ako pupunta nito matapos kong tumakbo.Hawak ko ang mga wallet at cellphone nila.Kinuha ko ang mga cellphone at wallet nila kanina habang naglalakad sila.Hindi nila naramdaman yon dahil manhid sila.Hahahaha.
Hindi ko alam kung saan na ako napadpad,bawat takbo ko ay mga napapatingin sakin yung nga tao.Ganon ba ko kaganda?Para pagtinginan.Hahaha.
Mabuti nalang at kaunti na Medyo kaunti na ang nandito sa mall.Tanghali na kasi.Malaya akong nakakatakbo para hindi nila ako mahanap.
Ewan koba kung saan na ako napadpad.Basta ang ginawa ko lang ay takbo ako ng takbo.
Huminto muna ako saglit para maghabol ng hininga dahil kanina pa ako takbo ng takbo.Maglalakad nalang sana ako tutal hindi pa nila ako makita ng biglang....
"AYUN!" Agad akong napatingin sa may kanan ko ng may sumigaw. Pagtingin ko ay nakita ko ang buong section eleven.Natawa nalang ako dun sa apat dahil nakaturo pa sila sa direksyon ko.
Agad akong ngumiti ng malaki sa kanila at biglang tumakbo uli.Narinig kopa na tinatawag nila ako pero hindi ko sila nilingon dahil baka makabunggo pa ako.
Takbo dito takbo doon ang ginawa ko para hindi nila ako mahuli.Hanggang sa napunta ako sa bilihan ng mga libro. Nagpunta ako don sa pinakang dulo kung saan walang pumupunta.Agad akong yumuko dahil nakita ko silang lahat.
Nagkalat sila sa book store,halos isubsob kona ang Mukha ko sa semento sa sobrang pagkakayuko ko.Napunta kasi sila James dito sa pinagtataguan ko.
Kailangan hindi muna ako mahuli.Pag nahuli ako kaagad boring ang kalalabasan.
"San kaya nagpunta yun si Hirein?" Rinig kong tanong ni Kyle.
"Abay malay ko.Tinakbuhan nga tayo e.Tapos sakin mo itatanong" Rinig kong sabi ni James. Agad naman akong nakahawak sa bibig ko para magpigil ng tawa.
"Gago!Sila ang tinatanong ko hindi ikaw" sabi ni Kyle.
"Ayy!Sila ba?Akala ko ako e.Heheheh"
"Jusme!Hirein,nasan kana ba?Malamang bagot na bagot na si Maria my loves ngayon" narinig kong atungal ni Eyan.
Agad akong napakagat ng labi ng biglang magring ang cellphone ni Eyan.Agad na nanlaki ang mata ko dahil nagpapalinga linga sila.
Patay.
Kinapa-kapa nila ang bulsa nila.
"Ay!wala nga pala satin yung cellphone naten heheheh" sabi naman ni Jinjin.
Agad uling nagring yung cellphone ni Eyan.At nagpalinga linga uli sila.Agad kong sinaylent ang cellphone ni Eyan.
Bwisit kang bababe.Mahuhuli pa ako sa pagtawag mo.Hmp!
Nang wala na akong narinig na nag-uusap ay agad akong sumulip sa mga libro.
"Booooo!" Gulat nung apat sa likuran ko.
"Ay!mama!" Sabi ko at agad na tumakbo.Nakita ako ng mga section eleven at agad na tumakbo Papunta sakin.
Patay na talaga.
Ilang agwat lang ay maabutan na nila ako kaya binilisan ko ang takbo ko.
Takbo Hirein takbo! Isipin mo na hinahabol ka ng mga baluga at sila James iyon. Bwahahaha.
Napangiti naman ako dahil sa naisip ko.Gusto ko sanang humalakhak kaso nakakahiya.
Agad akong nagtungo sa cr ng mga babae.Narinig ko kase na sinusundan pa nila ako kaya sa cr muna ako magtatago para makapagpahinga.
Bago ko isara ang pintuan ay binelatan ko muna sila na papalapit na sakin.Agad kong tinuro yung sign sa taas na comport room ng mga babae.Agad naman silang napatigil at napatingin sa akin.
Tumawa ako ng tumawa dahil hindi na maipinta ang mga mukha nila. Mukha rin silang ginahasa dahil pawis na pawis na sila at g**o g**o ang mga buhok nila.Lalo tuloy silang naging hot.
"Hirein,please. Kanina pa tumatawag si Maria" sabi ni Eyan habang magkadikit ang nga palad at nagpapacute.
"I'm tired"
"Gutom gutom ako"
"Uhaw ako"
Nginisian ko lang sila at nagwika.
"Nope" sabi ko habang humahalakhak sabay sarado ng pinto.Narinig kopa sila na tinawag ako pero hindi kona sila pinansin.
Agad akong nagtungo sa isang cubicle at pumasok don para umihi.Ipinatong ko ang shoulder bag na dala ko sa hita ko at binuksan ang bag ko.
Pinagsasilent ko ang mga cellphone nila dahil baka mapahamak nanaman ako.Para siguradong safe hehehe.
Agad akong napakagat ng labi ng dahil nasa labas sila at sigurado akong hinihintay nila ang paglabas ako.
"Girl,alam mo bang may mga lalaki sa labas.?"
"Oo,nakita ko sila pagpasok ko.Ano kayang ginagawa nila sa labas?"
"Baka naman inaantay ako hahaha"
"Ang gagwapo nila,diba?"
"I agree.Lalo na yung isang naka poker face kaso nga lang mukhang suplado"
"Ang hohot nila at ang gagwapo nila"
"Sino kayang inaantay nila?"
"Narinig ko hinahabol nila yung kasama nilang babae"
"Bakit daw?"
"Ewan ko e."
"Girl,tignan mo nga tong binili kong dress" agad akong napangisi dahil may naisip ko.
What a bright idea,Hirein.
Agad akong lumabas sa cubicle at napatingin sila sa akin.
"Hi" bati ko ng nakangiti.
"Hello" bati nung dalawang babae na nag-uusap kanina.
"Pwede ko bang mabili yan?" Sabay turo sa paper bag na hawak nung isa.
"Huh?" Sabi nung may hawak ng paper bag.
"Pwede ko bang bilihin yan?20k" sabi ko."Cash"
"Sige,sige" nang makapagbayad na ako au agad kong Kinuha ang paper bag.
Pumasok uli ako sa cubicle at nagbihis na.Nang nakapag bihis na ako ay agad akong lumabas ng cubicle at Humarap sa salamin.
Ipinatong ko sa sink ang bag ko.Inilugay ko ang buhok ko at sinuklay iyon.
Bwiset! Ayoko sanang maglugay pero kailangan e.
Nang matapos na ako sa buhok ko ay agad kong tinanggal ang salamin ko at naglagay ng contact lens sa mata,Alangan naman sa ilong.
Naglagay din ako ng kunting lipstick sa labi.Alangan naman sa kilay.
Ayoko sanang maglipstick,kaso kailangan e.
Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin at napangiti ako.Ang ganda ko talaga.Bwahahaha.
Kung hindi lang ako nagganito ay mapagkakamalan kong ibang tao ang nasa harap ko.
Ibang iba ako sa Hirein dati kesa ngayon.Pero syempre mas gusto ko yung simple lang.Disguise lang to Bwahahaha.
Kinuha kona ang shoulder bag ko at kinuha ko narin ang paper bag ko dahil doon nakatago ang damit ko.
Nagtungo na ako sa pintuan.Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto.
Tumambad sa akin ang buong section eleven na mga nakatingin sa pintuan.
Agad silang natulala.Naks,ganda ko talaga.Biglang lumapit sakin si James.
"Miss, pwede magtanong?" Tanong ni James.
"Nagtatanong kana" malamig kong sabi.
"Ibang tanong. Basta tanong"
"Sige,ano yon?"
"May nakita ka bang babae na pumasok dyan sa loob.Nakapuyod sya at nakasalamin"
"Wala"
"Eto,last na tanong"
"Ano?"
"Anong number mo?" Agad naman syang binatukan ni Eyan,JinJin at Kyle."Aray ko naman"sabi nya habang hinihimas ang uli nya.
"Ayusin mo kasi" sabi ni JinJin.
"Oo na,Oo na" tumingin uli sya sakin."May tao sa loob?"
"Wala" sabi ko na ikinakunot ng noo nila.
"Huh?E nakita mismo ng dalawa kong mata na pumasok dyan yung sira ulo naming kaklase e" Nako,James.Ayusin mo lang.Kung hindi nyo ko hinahanap kanina oa kita nasakal.Hahaha.
"Wala talaga e.Hinahanap ko rin yung kasama kong babae na Pumasok sa loob pero wala sya don" sabi ko sabay pout.
"Sige,Miss.Salamat" sabi ni James.Tumango lang ako at naglakad na.
Ayos!Bwahahaha. Hindi nila ako nakilala.
Nang nakalayo na ako ay nilingon ko sila.Wala na sila don.
Dali Dali akong bumalik sa cr at agad na nagbihis.Tinanggal ko ang contact lens ko pati ang lipstick. Itinali ko uli ang buhok ko at binilot iyon.Sinuot ko uli yung damit ko at sinuot ko uli yung salamin ko.Perfect.
***?
Please vote and comment.
Thank you!