Chapter 14: Mall 3

1331 Words
JAMES POGI POV Kanina kopa napapansin na tahimik at tulala si Hirein Simula ng lumabas sya sa mall.Ano kayang nangyari? Kanina pa kami dito kumakain pero hindi nya pa nagagalaw ang pagkain na nasa harap nya.Nakatulala lamang sya sa cellphone nya. Nagtataka narin ang mga kasama namin dito kung bakit biglang tumahimik si Hirein.Napansin ko rin kanina na ang higpit ng hawak nga sa manibela habang nagdadrive sya kaya hindi ako nakasigaw kanina. Actually ay kanina pa ako nagtataka sa ikinikilos nya.Nagtaka rin ako kanina kung bakit nakiusap pa sya na umalis nalang kami sa mall at Babalik nalang kami mamaya.Nacurious tuloy ako. Lahat kami ay nakatingin na kay Hirein dahil sya nalang ang may pagkain sa harapan nya. Dumighay na lahat lahat kami pero hindi nya pa rin kami pinapansin,Tulala talaga sya.Ano bang nangyayari sayo? Nag-iingay na nga kami lahat lahat dito pero wala parin syang pakialam.Gaano ba kasi kalalim ang inisip ng masisid ko. SA sobrang kaingayan namin dito ay pinagtitinginan na kami.Para kaming mga naka takas sa mental dahil sa sobrang lalakas ng tawa namin pero wala paring effect. "Ehem!" Napatingin kami kay Clint ng mag Ehem sya.Medyo napalakas rin ang pag Ehem nya kaya napatingin si Hirein sa kanya habang nakakunot ang noo. Kanina Mukha kaming tanga sa pinaggagagawa namin dito Para lang mapansin nya pero si Clint,isang EHEM lang bumalik agad sya sa realidad.Yung totoo,binabaliw ba kami ni Hirein? "Tapos na kayong kumain?" Tanong ni Hirein, agad naman na nagpigil ng tawa yung iba dahil sa tanong nya.Hindi ko magawang tumawa ngayon dahil kay Hirein. "E ikaw?Tapos kana bang kumain?" Tanong ko. "Huh?" Kunot noong tanong nya. "Tapos na kaming lahat kumain,ikaw nalang ang hinihintay" agad syang napatingin sa pagkain nya. "Kumain kana" sabi ni Cris. "Nawalan na ako ng gana" sabi nya.Kanina sabi nya gutom sya."SA inyo nalang ang pagkain ko,ayoko nang kumain" "Bakit ba nawalan ka ng gana?" Tanong ko. "Wala,basta" sabi nya sabay pangalumbaba habang nakatingin sa cellphone nya. "Kumain ka" "Ayaw" Parang batang sabi nya sabay pout.Haha,ang cute nya. "Pag hindi ka kumain mag-iingay kami dito" agad na Napatingin si Hirein kay Jinjin ng magsalita iyon. "OO NGA!" Sigaw naming lahat Maliban lang kay Clint. "E Di mag-ingay kayo" sabi nya. "Hirein" Napatingin kami kay Cris,ang seryoso ng boses nya pati mukha nya. "Oo na.Oo na.Kakain na" sabi ni Hirein sabay pout.Napa YES naman kami dahil napapayag sya ni Cris. Wala pang ginagawa si Cris, pumayag na si Hirein.Hahahah. Habang kumakain sya ay nakatingin lang kaming lahat sa kanya. Ewan ko ba kung bakit hindi sya naiilang samin na pinapanood namin syang kumain. Habang Kumakain sya ay nalagyan ng grave yung gilid ng labi nya.Hindi nya siguro Napansin na nalagyan yung gilid ng labi nya kasi hindi nya pinupunasan. Nagulat nalang kami ng tumayo at itinuon ni Clint ang isang kamay nya at ang isang kamay naman nya ay pinangpinangpunas sa gilid ng labi ni Hirein. Nakakunot naman ang noo ni Hirein ng ginawa ni Clint iyon. "Ang tanda mona ang Amos mo pang kumain.Tss"sabi ni Clint pagkaupo.Nakakunot naman ang noo ni Hirein sabay iling. Bigla na lamang kaming napatingin sa cellphone ni Hirein ng magvibrate ito.Kinuha nya ang cellphone nya at tinignan iyon.Bigla nalang nangunot ang noo nya at inilapag nalang uli sa mesa ang cellphone nya at nagpatuloy sa pagkain. Habang kumakain sya ay napansin nya na nakatingin kami sa kanya.Kaya.. " Gusto nyo?Bibilihan ko kayo"sabi nya.Umiling lang kami."Sigurado kayo?Baka nagugutom uli kayo " "Okay lang sige kumain kana" sabi ni Kyle.Tumango lang si Hirein at nagpatuloy lang sa pagkain. ---* MALL Nandito uli kami sa mall.At gaya nga ng sinabi ni Hirein ay bumalik kami dito sa mall para bumili ng gusto namin. Ang bait nya. Habang nag-iikot ako ay bigla nalang sumulpot si Eyan,JinJin at Kyle sa tabi ko. "Ang bait ni Hirein no?" Sabi ni Kyle. "Oo nga.Biruin nyo nilibre nya tayong lahat" sabi naman ni JinJin. "Hulog sya ng langit" sabi naman ni Eyan. "Pansin nyo ba yung pananahimik ni Hirein?" Agad naman silang napatingin sakin. "Oo" Sabi nilang tatlo. "Bigla nalang syang tumahimik paglabas nya ng mall e" "Ano kayang nangyari?" "Tsaka ang lungkot nya kanina.Tapos Tulala pa" "Nasan ba sya ngayon? Bakit hindi ko sya nakita na pumasok dito sa mall?" Tanong ko. "Tss,nagpaiwan sya don sa van.Ang sabi nya tawagin nalang daw natin sya kapag magbabayad na tayo." Sagot ni Eyan. "Nauna ka kasing pumunta dito kaya hindi mo namalayan na nagpaiwan sya" sabi naman ni Kyle.Habang tumitingin Tingin sa paligid. "Ano kayang pwede nating gawin para mapasaya natin sya?" Agad kaming napalingon kay JinJin ng sabihin nya yon.Pero nakatingin lang sya sa kawalan. Agad naman kaming nagkatinginan na apat at sabay sabay na ngumiti.Isa lang ang nasa isip naming apat. ---* "One hundred seventy five thousand po ma'am" agad na nanlaki ang mata naming lahat. "One hundred seventy five thousand!?" Gulat naming lahat na tanong. Maliban lang kay Clint na nakapoker face at kay Hirein na Nakakunot ang noo habang nakatingin samin. Mahihimatay na ata ako neto. "Cash po ba?O credit card?" Tanong nung cashier. "Credit" sabi ni Hirein at kumuha sa shoulder bag nya ng isang credit card at ibinigay dun sa babae. "Thank you ma'am" sabi nung babae at pasimple na tumingin sa akin.Naks,gwapo ko talaga. "Thank you" sabi ni Hirein."Dalhin nyo na yang mga pinamili nyo"binuhat na nila yung mga pinamili namin at ako naman ay hinawakan si Hirein sa kamay."Bakit?"takang tanong nya.Ngumiti ako sa kanya at hinila sya,hindi naman sya nagpumiglas kaya hindi ako nahirapan sa kanya. Nang makarating kami sa pinuntahan namin ay agad na nagsalita si Hirein. "Teka,baggage counter to ah.Anong ginagawa natin dito?" Kunot noong tanong nya.Ngumiti ako sa kanya. "Ipalagay nyo muna dyan" sabi ko.Agad naman nilang inilagay sa harapan yung mga pinamili namin.Inabutan ako nung lalaki na nagbabantay sa baggage counter ng number. Number 25. Kinuha ko ang kamay ni Hirein at ipinatong ko sa kamay nya. "Aanhin koto?" "Kainin mo—este itago mo.Pagnawala yan hindi na natin makukuha yung mga pinamili natin" "Akala koba uuwi na tayo" agad akong umiling. "Hindi pa tayo uuwi" "Bakit?" "Kasi...Basta sumunod ka sakin" sabi ko at hinila sya.Nagpunta kami sa mga laruan dito sa mall. "Anong gagawin natin dito?" Bakit parang ang BOBO ngayon ni Hirein.Yan ba ang epekto ng kagwapuhan ko? "Naglalaro,syempre" "Pero hindi ako naglalaro" Sabi nya sabay pout.Bakit ang cute nya? "E Di kami ang maglalaro.Penge pambili token" pacute kong sabi.Agad naman syang ngumisi na ikinakunot ng noo ko. "Bakit naka ngisi ka?" Tanong ni Kyle, lalo naman na lumaki ang ngisi ni Hirein. Tignan moto,Kanina malungkot ngayon ngingisi ngisi. Unti-unti syang umatras na ikinakunot ng noo namin.Nakangisi sya habang umaatras.At nang makalabas sya ng laruan ay may kinuha sya sa bag nya. Agad na nanlaki ang mata namin dahil hawak nya ang mga wallet namin.Sa pagkakaalam ko ang wallet na hawak nya ay akin. Patay. Binuklat nya ang wallet ko at agad syang napangisi. "Walang pera ha" Nakangisi nyang sabi habang nakatingin sa akin. Agad naman na Kumuha sya ng panibagong wallet. "Teka,akin yan ah" sabi ni Kyle.Ngumisi lamang sya at binuklat ang wallet. "Wala pala ha" Nakangisi nya uling sabi.Habang tumitingin sya sa mga wallet namin ay agad na may cellphone na nagring. Nagkapaan kami ng mga bulsa pero agad akong nagtaka ng wala akong maramdaman na cellphone sa bulsa ko. "Nawawala yung cellphone ko" "Ako din" "Lagot ako" "Hala!Nandon pa naman yung contact nung nililigawan ko" "Hala!Yung cellphone ko!" Hindi parin tumigil yung pagring nung cellphone. Nagpalinga-linga kami pero wala naman na sa ibang tao.Bigla nalang napunta ang mga paningin namin. "Maria my Loves" may hawak na cellphone si Hirein at yun yung nagriring.Napatingin kami kay Eyan na magsalita sya. "Akin yan ah.Pano napunta sayo yan?" Ngumisi si Hirein. "Secret" sabi nya.Bigla nalang syang tumakbo at mabilis na nawala dahil sa dami ng tao. Nagkatinginan kaming lahat at napangisi.Mabilis kaming lumabas ng laruan at hinahanap si Hirein. Taguan at habulan pala ah. ***? Please vote and comment. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD