HIREIN'S POV
"Game!" Agad naman akong napangisi.
"One to ilan ba?" Tanong ni Kyle.
"Three" sagot ko.Nagsimula na silang magbato batopick.
"Bato-batopick!" Sabay sabay nilang sabi.Papel ang kay James habang Gunting ang kay Kyle.
Team Kyle - 1
"Bato-batopick!Bato-batopick!" Bato ang kay James at gunting naman ang kay Kyle.Agad naman na napangisi si James.
Team James - 1
Para kaming mga tanga dito na sumisigaw ng 'Bato-batopick'yung iba pinagtitinginan na kami dito. Hahaha.
Sa huli ang nanalo ay ang team nila Kyle. Dinaig pa nila ang nanalo sa Miss Universe sa sobrang tuwa.
Napatingin naman ako kila James na ngayon ay parang inagawan ng korona dahil sa lungkot.Agad syang nagpout.Shett!Bakit ba kasi ang cute nila!
"Hep!hep!hep!hep!" Agad silang napatingin sakin ng magsalita ako."Nagbango na isip ko"Sabi ko.
"Panong nagbago?" Kunot noong tanong ni Kyle.Ngumiti naman ako sa kanila at nilingon ang grupo nila James na parang nalugi.
"Nagbago na ang isip ko dahil pareho ko nalang kayong ililibre" gulat naman na nilingon ako nila James.Ngumiti ako sa kanya.
"YeyyyyyHhhHHEEYyyyy!" Sigaw nilang lahat maliban kay Mr.Poker Face na nakabusangot lang.Pero nagkamali ako dahil nung nilingon ko sya ay nakangiti sya.
Agad kong kinusot ang mata ko,baka namamalik mata lang ako,pero nakangiti talaga sya habang nakatingin kila James na nagtatatalon.Sigurado ako na hindi nila napansin yon dahil nagsasaya sila.
"Tigil!" Sabi ko,agad naman silang tumigil at tumingin sakin.Lumapit ako kay Clint na ngayon ay seryoso na ang Mukha.Tinignan nya ako ng seryoso at Tinaasan ng kilay.
"Bakit?" Masungit nyang tanong.
"Ngumiti ka"agad naman syang nagulat pero agad din nya iyong binawi.
" Hindi ako Ngumiti "sabay Iwas nya ng tingin.
" Hindi.Ngumiti ka talaga eh.Nakita talaga yun ng dalawang mata ko"
"Hindi nga sabi e"
"E di hindi" sabi ko at nagpaunang nang naglakad.Pero nakakailang hakbang palang ako ay bigla akong tumigil at humarap sa kanila na ngayon ay nakatingin sakin."Pero ang gwapo mo nung Ngumiti ka"sabi ko sabay ngiti at nagpaunang maglakad uli.
"AyiieeeeEEEEEEEeeeeee!"
"Waaahhhh!"
"Kinikilig ako"
Kantyaw nila kay Clint.Humarap uli ako sa kanila na ngayon ay kinakantyaw parin si Clint.
"Ano?Kakain ba kayo o hindi? Nagugutom nako" sabi ko.Patakbo naman silang sumunod sa akin at nang nasa harapan na nila ako ay nanukso sila.
"Ayieeeeeeee!"
"Ikaw ha!?"
"Naiinlove na Yannn" sabi ni Kyle habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.
"Awitwitttt!"
"Yieeeeee!Gwapo pala si Clint ha"
Tinaasan ko lamang sila ng kilay at inilingan."Cris,Tara na nga.Hayaan mo yan silang magutom"sabi ko at nagpaunang naglakad na.Sumunod naman sakin si Cris.
Narinig kopa na tinawag nila ako pero hindi ko sila pinansin.
"Hirein" pagtawag sakin ni Cris.
"Hmm?" Sabi ko ng hindi ko sya nililingon.Tuloy parin kami sa paglalakad. Palinga-linga kasi ako sa paligid dahil naghahanap ako ng makakainan namin dito.
"Ngumiti ba talaga si Clint?"
"Oo,nakita yon ng dalawa kong mata.Sayang nga e—" hindi kona natapos ang sasabihin ko ng makita ko sila Matt at Mika na nagtatawanan,kasama nila yung mga tropa ni Matt at mga kaibigan ni Mika.
Nakaakbay pa si Matt kay Mika habang nagtatawanan sila.Bakit dito sila Kumakain?Kainis naman oh.
"Ahh,Cris.Inatayin mona sila dyan ha?May pupuntahan lang ako" agad naman na nangunot ang noo nya dahil sa sinabi ko.
"Gusto mo samahan na kita?" Agad akong ngumiti at umiling.
"Wag na.Antayin mo nalang sila dito" sabi ko at umalis na sa tabi nya.Agad akong pumasok sa jollibee at kunwari na Nagpalinga-linga.
Nilingon ko si Cris na nakatingin sa akin ngayon at natanaw ko rin sila James na papalapit kay Cris.
Huminga muna ako ng malalim bago umiling.Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Matt!" Medyo malakas kong sabi.Peke akong ngumiti at kumaway pa sa kanya.Gulat nila akong nilingon at agad na tinanggal ni Matt ang pagkakaakbay kay Mika.
Agad akong lumapit kila Matt na hanggang ngayon ay gulat parin Kahit si Mika.
"H-Hirein?"
"B-best?"
"Bakit parang nakakita kayo ng multo?" Natatawa ko kunwaring tanong."Andaya nyo,hindi nyo ko sinama"sabi ko sabay pout.
"Babe nakita mo?" Tanong ni Matt.Agad naman na nangunot ang noo ko.
"Ang Alin?" Kunwari kong hindi alam.Oo,nakita ko.Ang saya-saya mo nga habang nakaakbay kay Mika e.
Mga manloloko.
"Wala"
"Bat parang pinagpapawisan ka?Malamig naman dito ah" kunwari ko pang tanong.
"Ang hot ko kasi e.HAHAHAHA!" Hindi na gagana sakin yan.Matt.
"Hahaha" peke kong tawa."Teka,Bakit nga pala kayo nandito?"nagkatinginan naman silang lahat.
"Ah.....eh...." Nag-aalangan kung sasabihin ba ni Matt ang totoo.
"Nanalo kasi si Mika sa pageant na sinalihan nya" sagot naman ng katropa ni Matt.
"Yun!Oo!Yun nga yon.Nagcecelebrate lang kami." Palusot ni Matt.
"Ahhhh" tatango-tango ko pang sabi."Talaga?"sarkatisko kong sabi na ikinabigla nila."Mika"tawag ko sa kanya.
"Yes,best?"
"Congrats ha?" Sabi ko sabay pilit na ngumiti. Ngumiti naman sya sakin ng malaki.
"Gusto mong sumama?Pupunta pa kaming bar?" Tanong nung tropa ni Matt.
"No,thanks. May kasama rin ako e" sabi ko sabay pilit na ngumiti. "Sige ha?Aalis nako.Mika" pagtawag ko sa kanya.
"Yes,best?"
"Ingatan mo si Matt ha?" Nagulat sila sa sinabi ko."Wag mong papabayaan na uminom ng marami yan,Kundi magagalit ako haha"
"O-oo"
"Ikaw naman Matt.Wag mong pababayaan yan Si Mika.Hindi pa naman nya kasama yung boyfriend nya" Na never ko pang na meet.
"O sige,hindi ko sya pababayaan" sabi ni Matt at tumingin ng makahulugang tingin kay Mika. Pero umiwas naman sya ng Tingin.
"Sige ha,Ali's nako" sabi ko sabay talikod.
"Pare,pano kung mabuking kayo ni Mika?"
"Oo nga pare,Mukhang nakakahalata na yung girlfriend mo ah"
"Ano ba kayo mga tol?Manhid yang si Hirein.Hindi nya nga napapansin na hindi ko sya mahal e haha" agad akong napatigil ng marinig ko ang huling sinabi ni Matt.
Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko at nagpatuloy na uling maglakad.May biglang umagos na tubig sa pisngi ko kaya agad ko iyong pinunasan.
Hindi naman pala nya ako minahal.Bakit hindi ko yun napansin?Gaano naba ako kamanhid?
Ang galing nilang magbulungan kaylangan yung rinig kopa talaga.
"Sino yung pinuntahan mo?" Tanong nung apat ng makalapit ako.
"Tara na sa iba nalang tayo kumain.May masamang Hangin ang napadpad dito e"
"Huh?E gutom nako e"
"Please, kahit ilan pa ang bilihin nyo babayaran ko.Basta wag lang tayo dito kumain" sabi ko.Agad naman na nagliwanag ang mukha nila.
"Talaga?"
"Oo,kaya tara na"nagpauna na akong maglakad pero agad na hinawakan ni Cris ang braso ko." Bakit?"seryoso syang nakatingin sa akin.
"Anong nangyari?"
"Saan?"
"Sa loob"
"W-wala" sabi ko sabay iwas ng tingin."Tara na nag-aantay na sila"sabi ko sabay bawi ng braso ko at nagpauna ng naglakad.
Bakit kasi ang sakit?Dapat sinabi nalang nya na hindi nya ako mahal habang maaga pa.Para hindi na ako nahulog pa sa kanya.
"Oh,ano?San tayo?" Tanong ni James.Pagkapasok ko ng van.Pumasok narin si Cris sa passenger seat.
"Sa jollibee, Babalik nalang tayo dito sa mall mamaya,pagkatapos nating kumain" sabi ko.
"Ehh sayang —" hindi na naituloy ni Kyle ang sasabihin nya ng paandarin ko ng mabilis ang van.
Dito ko muna ibubuntong ang galit ko.
"Mamaaaaaaa!"
"WAaahhhhh!"
"Ayoko pang mamatayyy!"
"Mommmyyyyy!"
"Ayoko naaaa!"
"Naiihi na akooooo!"
"Napatae na ata akooo!"
"Wahhhhh!"
Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sya sakin pero hindi ko sya nilingon. Alam kong nagdududa sya kung bakit ganto ang kinikilos ko pero wala akong pakialam.
Ang sama nila. Sobrang sama nila.
***?
Please vote and comment.
Thank you!