Chapter 12: Mall 1

1370 Words
HIREIN'S POV SA isang araw na ang trip namin kaya kailangan na namin ng mga gamit na dadalhin para sa school trip. Agad akong napangiti ng maalala ko ang sinabi sa akin ni sir Cuballes habang umiiling. Sigurado ako na hinihintay na ako ng mga ulupong sa may gate dahil nalate ako ng Gising. Habang pa palapit ako sa kanila ay narinig ko ang pagtatalo ng apat na isip bata.Si James at Jinjin ay mag kakampi habang si Eyan at Kyle naman,nagtatawanan naman ang iba maliban lang kay Mr.Poker face. "Nauna nga ang manok kesa sa itlog!" Sabi ni James. "Oo nga!" Pagsang ayon ni Jinjin. "Gago!Nauna ang itlog kesa sa manok!" Sabi naman ni Eyan. "Kaya nga,paano magkaka manok kung wala ang itlog?" Sabi naman ni Kyle. Tawa naman ng tawa ang iba. "Gago,nauna ang manok kesa sa itlog" "Pano Magkakaroon ng itlog kung wala ang manok?Mga,Sira pala kayo e" "Hahahahahahaha!" Tawanan ng mga nanonood. "Kung nauna ang itlog,sino ang maglilimlim ng itlog? E Di wala"Si Jinjin. "At isa pa mangangamoy bugok ang itlog kung hindi nalimliman.Katulad nya Amoy bugok HAHAHAHA!"Si James. "HAHAHA!"tawa ko ng makalapit ako sa kanila.Napatingin naman sila sa akin." Sorry,nalate ako.Tinanghali ako ng Gising e"sabi ko. Agad na nangunot ang noo ko dahil nakatingin lang sila sa akin at hindi nagsasalita. "Bakit?" Kunot noong tanong ko.Tulala lang sila at may pagkamanghang makikita sa mata nila. "Ikaw ba talaga yan?" "Bat ang ganda mo?" "Whewww!" "Walandeyo,walandeya" Agad na nangunot ang noo ko sa pinagsasabi nila. Sinasabi nila. Agad kaming napatingin kay Poker face ng magsalita sya. "Bakit ganyan ang suot mo?" Seryoso nyang sabi.Napatingin naman ako sa suot ko. "Bakit?" "Masyadong maiksi ang suot mong skirt" sabi nya pa."Baka makitaan ka"sabi nya sabay Iwas ng tingin. "Naka cycling naman ako" sabi ko sabay nguso. "Ayoko nyan" sabi nya pero hindi sya sakin nakatingin. "Bakit gusto kaba?" Nagbungisngisan naman ang iba. "Basta magpalit ka" agad naman akong napanguso. "Wag na.Tara na.Alis na tayo.Kung Babalik pa ako para magpalit matatagalan tayong umuwi." Paliwanag ko."At isa pa nakakapagod ng bumalik"dagdag kopa. "Ayoko, bumalik ka don" "Uyyyyyyyyyy!" Kantyaw nila. "Ehemmm!Protective!" "Kakaiba nayan,ah" "Walandeyo" "Tss,tumigil nga kayo" suway ka sa kanila."Tara na nga,Nakakainis!"sabi ko at nagpaunang maglakad papuntang parking lot. Umuwi ako sa bahay kagabi at kinuha ko ang van na sasakyan namin ngayon dahil kasya kami sa van at para hindi na hiwa-hiwalay.Mahirap na. "Sige,pumasok na kayo" Utos ko sa kanila.Agad naman silang pumasok isa isa at ako naman ay nagtungo sa driver seat.Habang nagsusuot ako ng seatbelt ay nagtanong yung apat na special child. "Teka, Ikaw ang magdadrive?" Nilingon ko sila at nginisian. "Feeling ko hindi magandang ideya yan" "Ako din" "Hirein, wag kana kayang magdrive" "Si Cris nalang, masama ang kutob ko e" Sari sari ang kumento nila.Napangisi nalang ako at hindi na sila pinaka kinggang.Tinignan ko muna si Cris na nasa passenger seat bago ako nagsimulang magmaneho. HOLD YOU'RE BREATH BOYS. "Hirein-WAAAAHHHHHH!" Hindi na natapos ni Jinjin anv sasabihin nya ng bigla kong pabilisin ang takbo ng van. "Waaaaaahhhh!" "Mamaaaaa!" "Ayoko pang mamatay,gusto ko munang magka girlfriend!" "Ayoko na!" "Bababa nako,bababa nakooo!" "Waaahhhh!" Agad akong napangisi dahil sa reaksyon nila.Lahat sila ay nagrereak,maliban lang kay Clint at Cris na parehong naka poker face.Nahahawa na ata si Cris kay Clint ah. Bigla ko nalang binagalan ang takbo ng van dahil umiiyak na yung apat na isip bata.Pinaka malakas ang kay James. Agad akong nagkagat ng labi ko para magpigil ng tawa sa kanila.Ganon din ang iba na nagpipigil ng tawa. "Wag na kayong umiyak, binagalan kona oh" sabi ko habang nasa daan ang paningin. "Mamamatay na ata ako" "Gusto kopa magkapamilya Hirein,maawa ka" "Amen" "Naiwan yata kung kaluluwa ko sa parking lot" Bigla nalang akong napatawa dahil sa mga sinabi nila. ***? MALL Nandito na kami ngayon sa mall at nag-iikot ikot.Hinahanap namin ang mga bibilihin namin. Agad na nanlaki ang mata nila ng ipakita ko sa kanila ang mga bibilihin. "ANO!?" Sabay sabay lang nilang sabi Maliban kay Poker Face. "Kinabog ang buhok ni Rapunzel sa sobrang haba a" sabi naman ni Eyan. Natawa nalang ako. Kinuha ni James ang listahan at binasa ang mga bibilihin namin. "Teka?Bakit may tent? E diba may cottage naman sa beach o kaya mga rooms" agad naman akong napangisi. "Cris,halika dito" lumapit naman sya sakin. "Bakit?" Hinawakan ko ang damit nya at hinila sya ng medyo malayo sa mga ulupong.Nagtaka panga sila sa inaasta ko e. Agad akong bumulong sa kanya. "Hindi sa beach ang punta natin" agad naman na nangunot ang noo nya.Lumapit uli ako sa kanya at bumulong na ikinatawa namin. "Hahahahaha!" Tawa naming dalawa sabay apir namin habang pa palapit sa kanila nila James na ngayon ay nakakunot ang noo na nakatingin sa amin ngayon. "Basta wag mo muna sasabihin sa kanila yon.Para masurprise sila" "Oo,oo,HAHAHAH" tawa uli..Kunot noo naman silang tumingin sa amin ni Cris. "Nong meron?Bat tawa ng tawa to?" Tanong ni James sabay turo kay Cris. "Secret" sabi ko sabay ngiti ng matamis sa kanila. Nang mapunta ang tingin kay Clint ay agad na nawala ang ngiti ko."Tara na nga"sabi ko at nagpaunang maglakad. Panay sunblock at summer outfit ang binili nila habang kami ni Cris ay nasa hulihan at tawa ng tawa. Biglang humarap si Clint sa amin habang masama ang tingin. "Problema mo?" Taas kilay kong tanong. "Ang ingay nyo" seryoso nyang sabi sabay nagpauna ng maglakad.Nagkatinginan naman kami ni Cris. "Problema non?" Tanong nya. "Period nya siguro ngayon" sabi ko. "Narinig ko yun" agad naman na nanlaki ang mata ko,narinig nya pa yon? "Hehehehe"sabi ko sabay peace sign sa kanya pero hindi nya ako pinansin. Hmp!Sungit!." Tara na nga"sabi ko kay Cris at hinila na sya sa kamay. Namili pa kami ng mga kailangan namin.Nagtaka pa nga sila James kung bakit hindi daw ako nabili ng sunblock e kailangan ko daw yun pero tinawanan lang namin sya ni Cris. Pagnapupunta naman ang tingin ko kay Mr.Poker Face ay laging ang sama ng tingin nya sa akin.Siguro galit parin sya dahil sa pagdelete request ko sa kanya hahaha. "Nagugutom na ako!" Sabay Sabay na sabi nung apat habang naka pout.Bakit ba kasi ang cute nila. "E san tayo kakain?" Tanong ko sabay pout.Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si Cris kaya nilingon ko sya."Bakit?"kunot noong tanong ko.Ngumiti naman sya at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute mo" Sabi nya habang pinipisil ang pisngi ko. "Alam ko nayan e" sabi ko sabay ngisi.Tinignan ko naman si Mr.Poker face na ang sama ng tingin sakin.Nanaman?Pero ng agad syang nag-iwas ng tingin. "Ano?San na tayo kakain?Nagugutom na ako!" Sabay sabay na sabi nung apat.Lagi naman. "Dalhin na muna natin yung mga pinamili natin sa van tsaka balik tayo dito para maghanap ng makakainan.Okay lang ba sa inyo?" Tanong ko sa inyo. "E ano namang gagawin natin dito?" Tanong ni Kyle. "Mamimili kayo" sabi ko sabay ngiti.Agad naman na pinagsuklaban ng langit at lupa yung iba."Anong nangyari sa inyo?Hindi ba kayo masaya? " "Hindi!" Sabi nila. "Bakit?" "Wala na kaming pera" sabi ni James sabay pout.Naki pout narin yung tatlo.Aa!Bakit ba kasi ang cute nila? "Treat ko" sabi sabay ngiti.Nagliwanag naman yung mukha nila lalo na yung apat dahil kuminang yung mata nila. "Anong sinabi mo?Pakiulit nga?" Si Eyan. "Tama ba yung narinig ko?Treat mo?" Si Jinjin.Agad na nangunot ang noo ko. "Huh?May sinabi ba kong ganon?" Maang-maangan kong tanong.Agad naman silang Tumango tango."Wala naman ah" "Meron kang sinabi" "Oo nga" "Sabi mo panga Treat ko" "Hindi naman siguro ako bingi.Rinig na rinig ng dalawa kong tenga yung sinabi ko." "Hay nako,baka may bumulong lang sa inyo,kaya akala nyo ako" sabi ko sabay ngisi. "Tara na nga" sabi ko at nagpaunang maglakad. Sumabay naman sakin yung apat at pilit akong kinukulit.Nang nasa van na kami ay humarap ako sa kanila at sumandal sa van habang pinagkrus ko ang braso ko. "Ganto nalang" napatingin naman sila sa akin."Mahahati kayo sa dalawang grupo.Ang grupo ni Kyle at Eyan at grupo ni James at Jinjin" "Oh?Tapos?" "Kapag nahati na kayo sa dalawang grupo ay magbato-batopik ang dalawang grupo.Kung sino ang mananalo sa bato-batopick sila lamang ang ililibre ko.Ano game?" Agad na nagliwanag ang Mukha nila. "Game!" Agad akong napangisi. ***? Please vote and comment. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD