HIREIN'S POV
Nandito ako ngayon sa may cubicle para magbawas.Palabas na ako ng cubicle ng may marinig akong pumasok at may kausap sa phone.
"[Ano nanggagawin natin?] Tanong nung nasa kanilang linya.
"Kailangan na nilang mawala dito" sabi naman nung lalaki.Takte,bakit Nandito yan sa may loob?Girls only lang ang pwede dito.
"[Paano natin sila masisira?"]
" E di gamitin natin laban sa kanila ang kaklase nilang babae"agad namang napataas ang kilay ko habang Nakakunot ang noo.
"[Anong gagawin natin dun sa babae?]" Mukhang problemado talaga yung nasa kabilang linya.
"Ako na ang bahala don"pinatay na nya ang tawag,hindi parin sya lumalabas Kainis.Narinig ko naman na nagpipindot yung lalaki sa cellphone nya at siguradong may tatawagan sya.After ten years ay sinagot rin ang tawag." Sa court nyo sila papuntahin,kuhanin nyo narin yung babae"
"[Hindi namin mahanap yung babae,pare!]"
"Ano!?Panong hindi nyo mahanap?! Break time ngayon!Hanapin nyo sa cafeteria!" Sigaw nung lalaki. Ano ba yan nakakabingi.
"[Pare,wala sa cafeteria,hindi kasama ng section Eleven" agad na nangunot ang noo ko.
So,ibig sabihin ako ang hinahanap nila!
Agad akong napahawak sa bibig ko ng napagtanto ko na ako nga ang hinahanap nila dahil I'm the Only girl of section Eleven.Homaygad!
"Napuntahan nyo na sa class room nila?"
"[Pare,wala din don]"
"Kahit sa likod ng mga building?"
"Hinalughog na namin buong campus kahit panty ng mga babae hinalughog namin,pero hindi parin namin sya nakita]" gusto kong humalakhak sa narinig ko.Seryoso? Pati panty ng mga babae,agad kong Tinakpan ang bibig ko Para magpigil ng tawa.
"Ikaw talaga, puro ka kalokohan" sabi nung lalaki tska pinatay na nya ang tawag.Nagpipindot muli sya."Wasup,Clint,Hawak ko ang pinaka maganda nyong prinsesa"Ako ba yung prinsesa,taray ha.
Set up!
"[O?Tapos?]" Walang ganang sabi ni Clint.
"Wala ka man lang bang pakialam sa maganda nyong prinsesa?"
"[Anong ginawa nyo sa kanya?]" Mahihimigan ang galit sa tono nya.
"Wala naman,pinagpantasyahan lang naman namin ang maganda nyang katawan" tumingin ako sa katawan ko.Maganda nga hehehe.
"[Pag may nakita akong kahit isang galos man lang sa kanya!Pagbabayaran mo na isinilang ka sa mundong ito!]" Taray ni Clint. Nag-aalala ba sya?Bakit kung makareak sya dinaig pa nya si Tito Boy, Char.
"Sigurado ako na hindi ka matutuwa sa makikita mo kapag magkaharap na tayo" Bahagya pa syang tumawa ng mahina."Kung gusto nyo pang makita ang prinsesa nyo ay pumunta kayo sa court mamayang alas dose ng hating gabi,Walang dala kahit isa"narinig ko naman ang pagpatay nya sa tawag.
Narinig ko ang yabag ng paa nya palabas pero natigilan nya ng may nadanggil ako na walang laman na plastic bottle.
Anak ng bulate!
"Sino yan?" Tanong nung lalaki. Isip.isip.mag-isip ka Hirein.
What a bright idea!
"Meow!meow!meow!" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para magpigil ng tawa,buong buhay ko ngayon ko lang ginawa to.
"Pusa lang pala" sabi nung lalaki,narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya nakahinga ako ng maluwag.
Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago lumabas.Hindi na ako pumasok sa susunod na klase namin dahil wala naman si Sir Cuballes.
Makatulog nalang.
Dumaan ako sa likod ng building namin para makapunta sa dormitory naming mga babae. May butas kasi yung isang pader dun kaya malayang nakakalabas yung mga lalaki at babae.
Minsan nga nung dumaan ako dito ay nakarinig ako ng ungol ng alam nyo na.Kaya naisipan ko na bumalik nalang sa dorm baka makaistorbo sa nagawa ng bata.
---
GIRLS DORMITORY
Hindi na ako pumasok at natulog nalang.May importante pa kasi akong pupuntahan mamaya .
Habang nakahiga ako sa Kama ay Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Matt.
I love you:)
Message sent!
Hindi nanaman sya nagreply, siguro busy nanaman sya kay Mika.
Mahal kita,Kahit may mahal kang iba.
SA pagpikit ng mata ko ay unti-unting tumulo ang luha ko dahil habang nakapikit ako ay ang masasayang ala-ala namin ni Matt ang nakikita ko.
Yung maganda nyang ngiti.
Yung una kaming Magkakilala.
Yung araw na sinagot ko sya.
Hanggang sa mga araw na unti-unti na syang nagiging cold sakin.Lahat yun nakikita ko.
Mapait akong ngumiti kahit habang unti-unting bumubuhos ang luha ko.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
NAGISING na lamang ako dahil naiihi ako,agad akong bumangon at nagtungo sa cr.Paglabas ko ay agad na tinignan ang oras,napakunot ang noo ko dahil ala Una na pala.Ang bilis naman ng oras,bakit hindi ko namalayan? Gaano ba ako katagal na nakatulog?.
Inilapag kona ang cellphone ko at nagtungo sa cr para maligo dahil late na ako sa pupuntahan ko.
NANG matapos na akong maligo ay nagbihis na ako.
Tahimik kong pinaandar ang motor ko at umalis na.Buti nalang at tulog ang guard.
---
[THRID PERSON'S POV]
BASKETBALL COURT
Pagod na ang buong SE dahil sa natamo narin nilang mga sugat at pasa,ang iba sa kanila ay nakaupo na sa sahig habang si Clint ay nananatili parin na nakatayo habang habol ang hininga, desidido syang iligtas si Hirein.
Sa kabilang panig naman ay mga walang galos na makikita,hindi sila nasugatan kahit isa dahil may mga hawak silang pamalo,tulad ng baseball bat,tubo at kahoy.
Mas marami rin sila kumpara sa Buong section eleven at isama pa ang malalaki nitong mga katawan.
"ILABAS NYO NA SYA!" sigaw ni James at Pilit na tumatayo,napangisi nalang ang leader ng nasa kabilang grupo.
"Pano kung ayaw ko?" Nakangisi na sabi nung leader sa kabilang panig o mas kilala bilang Jairus.
"Jairus!wala syang kasalanan dito" mahinahon na sabi ni Cris at pilit rin na tumatayo."Kaya pakawalan mo na sya"
"Pano kung ayoko?" Sabi ni Jairus at ipinatong ang hawak nyang tubo sa balikat nya.
"Kapag may nakita akong kahit isang galos sa kanya" Napatingin silang lahat kay Clint ng magsalita Ito."Sisiguraduhin kong hindi ka makakalabas dito ng yang Mukhang yan ang dala MO"Walang emosyon na sabi ni Clint.
"Ah,talaga ba?" Sarkatiskong sabi ni Jairus."Mga bata,ipakita ang babae"utos ni Jairus sa mga Bataan nya.Tumango lamang Ito at naglakad palayo.
Agad naman na napatingin ang buong section eleven sa big screen na nakakabit malapit sa kanila ng may lumabas na video.
May isang babae na nakaupo sa silya habang nakatali,may takip ang mata nito at may busal ang bibig nito.Makikita rin sa video na maraming sugat ang babae at halatang umiiyak dahil humahagulgol ito.Sira rin ang damit na pantaas nito dahilan para makita ang b*a nito at halatang ginahasa.
ANG hindi alam ng lahat ay may nanonood sa kanila na isang babae na nakaupo sa bleacher na malayo sa kanila at sa madilim na parte ng court.
Agad na napangisi ang babae ng makita ang video.Tatayo na sana sya ng magsalita muli si Jairus.
"Pano ba yan?Marami na syang sugat at pinagsawaan na namin sya" Nakangisi nitong sabi.
Halatang gulat parin ang buong section eleven sa nakita nila,nangilid ang luha ni James habang si Cris at ang iba ay hindi makapaniwala.Si Clint naman ay naikuyom ang kamao at masamang tumingin kay Jairus na ngayon ay nakangisi habang nakatingin kay Clint.
Susugod sana si Clint pero natutukan agad sya ng b***l ni Jairus na ikinatigil nya.
"Itali nyo sila" Utos ni Jairus, sumunod naman ang mga Bataan nya,Kumuha sila ng lubid."Ang pumalag,patay! "Mayabang nitong sabi.
Hindi na nakapalag ang section eleven dahil habang tinatalian sila ay nakatapat parin ang b***l ni Jairus sa kanila.
Samantalang napangisi ang misteryosang babae ng may napansin sya sa b***l ni Jairus.Napapailing pa Ito.
" HOY!JAIRUS NA MAITIM NA MAY ALAGAD NA LINTA!PAG NAKAWALA AKO DITO SISIGURADUHIN KO SA INYO NA BABALUKTOT KAYO KAPAG BINUDBUDAN KO KAYO NG SAKO-SAKONG ASIN!"Sigaw ni James.Agad naman syang siniko ni Eyan na Katabi nya.
"Tumigil ka nga dyan James" sabi ni Eyan.
"ANONG TUMIGIL!?" napapikit nalang sila Eyan sa sigaw ni James"PAGTALAGA AKO NAKAWALA DITO,BUBUDBURAN KO KAYO NG SAKO-SAKONG ASIN!AY!MALI PALA!ITATAPON KO NALANG KAYO SA DAGAT PARA WALA NG GASTOS!"
GAGO KA TALAGA JAMES!SA isip ni Eyan.
Samantalang napahawak nalang sa bibig ang misteryosang babae para mapigilan na humalakhak.
Nag-igting naman ang panga ni Jairus sa kanyang narinig.
"TAHIMIK!" Sigaw ni Jairus.Napatikom naman ng bibig si James.
Lumapit si Jairus sa isa nyang Bataan at Kinuha ang hawak nitong tobo.Nakangisi namang naglalakad pa palapit si Jairus sa section eleven habang pinapalo Palo nya Ito sa kamay nya.
Napalunok naman si James dahil SA kanya nakatingin si Jairus.
"Yan!kasi,ingay mo e" sabi ni Eyan.
"Tumigil ka dyan Eyan,Pag-ako nahampas nyang tubo nayan babalik yan sayo" mahina namang napamura Si Eyan.
Nasa tapat na ni James si Jairus na ngayon ay nakangisi. Napalunok naman Si James.
Akmang ihahampas na ni Jairus ang tubo na hawak nya ng may pumalakpak.Agad naman silang nagpalinga linga pero wala silang nakita dahil madilim bawat sulok.
Unti-unting may lumabas na pigura ng katawan sa di kalayuan nila. Nang makita nila ang kabuuan nito ay napagtanto nila na babae Ito.
Dahil sa mahabang nakalugay nitong buhok,nakaboots din ito na kulay itim. Nakapantalon na itim. Naka suot ng t-shirts at blazer na itim.Hindi rin makikilala ang babae dahil nakasuot ito ng kulay itim na mask.
Agad na naglakad palayo si Jairus kay James at lumapit sa mga alagad nito na linta daw sabi ni James.
Humarang ang misteryosang babae sa harapan nila at hinarap ang grupo ng nila Jairus.Nakangisi naman si Jairus habang nakatingin sa misteryosang babae.
"Who are you?"
"You don't need to recognize me" sabi ng misteryosang babae na habang diretso ang tingin kay Jairus.
Umatras pataas ang babae at ng sakto na ang Lapit nya kay Clint ay agad nyang iniatras ang isang paa nya dahilan para mapatingin si Clint sa paa ng babae.
Agad naman na nangunot ang noo ni Clint ng makitang may nakaipit na dagger sa boots ng babae.Tiningala nya ito.
Napansin naman ng babae na hindi pa kinukuha ni Clint ang dagger kaya nilingon nya ito nang malingon nya Ito ay agad na nagtama ang paningin nila.Unang umiwas ang misteryosang babae at isinenyas na kuhanin nya ang dagger.
Hindi makuha ni Clint ang punto ng babae kaya agad na nangunot ang noo nito.Napairap naman ang misteryosang babae at bumuga ng hininga.
Inilagay ng misteryosang babae ang kamay nya sa likudan nya dahilan para mapatingin sila sa kamay nung babae.Sumenyas ang babae na kunin ni Clint ang dagger at nakuha naman nya iyon.
Kahit nahihirapan ay Pilit na kinuha ni Clint ang dagger.Nang makuha nya iyon ay agad na umabante ang babae.
Habang naglalakad ang babae papalapit sa kanila ay palihim syang kumukuha ng shuriken sa likudan nya.
Agad nyang ibinato ang shuriken na hawak nya.Sampo kaagad ang napatumba nya.
Mabilis muli syang Kumuha ng shuriken mula sa likudan nya at ibinato sa sampu pang katao.
Hindi naman nakagalaw si Jairus dahil sa gulat.
Kumuha muli ng shuriken ang misteryosang babae at nakapagpatumba sya ng Lima pang katao.
6 bitches left.SA isip ng misteryosang babae.
Agad nyang pinagsusuntok ang unang sumugod sa kanya at malakas na tinuhod at malakas na sinampal.
5 bitches left.
May sumugod naman na isa pa at nang-akmang papaluin sya ng tubo nito ay agad syang nakailag at binigyan nya ng super kick.
4 bitches left.
May sumugod naman na dalawa at nang akmang hahampasin sya ng baseball bat ng mga ito ay agad nyang tinuhod ang maselang parte ng isa at nang lumuhod Ito ay agad nyang tinuhod ang Mukha nito.
Ang isa naman ay agad nyang siniko sa panga at tinuhod sa tiyan at Mukha.
2 bitches left.
Susugurin na dapat sya ng isa gamit ang hawak na kutsilyo ay agad naman nya iyon naiwasan.Hinawakan nya ang kamay nung lalaki ay binali ang braso nito,tinuhod at sinapak pa.
Last b***h,Jairus.
Habang palapit ng palapit ang misteryosang babae ay agad na umatras si Jairus at kumaripas ng takbo palabas ng court.
Humarap naman ang misteryosang babae sa section eleven na ngayon ay nakabawi na ng lakas.
Agad na nag-iwas ang misteryosang babae ng tingin ng magtama ang paningin nila ni Clint.Maglalakad na sana sya paalis ng magsalita si James.
"Teka lang Miss,pano yung kasama naming babae?Alam nyo ba kung nasan sya?" Napahinto naman ang babae at humarap sa kanila.
"She's in her dorm right now. Hindi sya ang babaeng pinakita sa screen.Naloko kayo" at tuluyan na syang lumabas ng court.
Nagkatinginan naman sila at nagkibit balikat bago umalis sa court.
***?
Please vote and comment.
Thank you!