PAGKALABAS ni Riexen ng banyo, suot na niya ang ibinigay ni Rendell sa kaniya. Masyadong malaki ang t-shirt na iyon para sa kaniya pero ayos lang dahil komportable naman siya. Inilibot niyang muli ang mga mata niya sa paligid ngunit wala na roon si Rendell. Nasa baba na siguro siya. Naglakad siya patungo sa pinto at binuksan ito. Pagbukas niya ay nagulat siya nang nasa harapan ng pinto si Rendell at akmang bubuksan ang pinto. "Rendell..." maang niyang wika. Bahagya itong ngumiti. "Are you done? Let's eat before you head back to the hospital," he said. "Uhm, sige." Bumulong ito sa kaniya. "You're beautiful." Napangiwi siya. "Huwag mo nga akong inaasar." "Hindi kita inaasar. I am just telling the truth. In fact, we are friends now." "And who told you? Tumango lang ako pero hindi naman

