“Let her go.” Narinig niya ang paghiyaw ng mga tao sa loob ng may isang lalaking lumapit sa likuran nito na may nakatutok na baril sa uluhang bahagi nito. Pilit niyang inaaninag ang mukha ng lalaking iyon subalit nang makilala niya ito, nag-uunahan na naman sa kaba ang puso niya. It was the man she slapped last night and the trace of it is still right there. “Riex…” Mangiyak-ngiyak na ang pinsan niya. Maya-maya lang ay binitiwan ng lalaki si Georgette at itinaas nito ang kamay. Si Georgette naman ay mabilis na lumapit sa kaniya at takot na takot. Ang lalaking lasing naman ay walang nagawa at hindi na nanlaban pa saka ito nilagyan ng posas ni Rendell. Naroon na rin sina Kaiser at iba pa upang ayusin ang gulo. “Get them out of my place!” sigaw ni Kaiser. Pinagtulungan naman ng mga ta

