TWENTY THREE HINDI maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Katarina habang pinagmamasdan ang anak na isinusuot ang traje de boda nito. Masaya na malungkot na hindi niya mawari. Masaya dahil sa wakas nahanap na nang unica hija niya ang kaligayahan nito. Lungkot, dahil mawawalay na ito sa kanila at sa magiging asawa na nito ito titira. Kasama pa ang mga apo niya. "My, are you crying?" Ani Kane at inakbayan ang ina. "I'm just happy for your sister. Though I can't deny the fact that she'll leave us soon, with the twins. I'll miss them," saad ng ginang at inihilig ang ulo sa dibdib ng anak. "Nandito pa naman ako, 'My, eh." Magsasalita pa sana ang ginang ng biglang magsalita ang baklang make up artist niya. "Ay, Madam 'wag ka na mag-crayola diyan! Masisira ang make up mo! Magiging charar

