TWELVE "WHERE do you think you're going Xavier?" Galit na tanong ni Amanda ng maabutan ang binata na bihis na bihis kinagabihan. "I have an out of town business trip, Amanda." Anang binata matapos ilagay sa compartment ang dala-dalahan. "With whom?" Sumunod siya rito ng umikot ito sa driver side. "Take care here, Damon while I'm away." Baling ng lalaki sa pinsan na nakahalukipkip at nakasandal sa pintuan. "Areglado Boss! Kasama ba sa aalagaan si Miss Cavallero?" Ani Damon at nakangising tumingin sa dalaga. "Manyak!" Gigil na turan niya. "Ah, Amanda." Napalingon agad ito siya rito nang tawagin nito ang pangalan niya. "I want you to do me a favor." "Anything Xavier, just tell me." Abot-tainga ang ngiting sabi niya. Baka gusto siyang isama ng binata sa pupuntahan nito. "Don't do a

