NINETEEN NAGISING SI Kassandra sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya. Nang ilibot niya ang tingin ay nasa loob pa rin siya ng sasakyan. Pero wala ang binata. Bumaba siya ng sasakyan at hinanap si Xavier. Napansin niya ang lugar na kinaroroonan at nanumbalik sa kanya ang lahat ng alaala. Wala na ang mapuno at masukal na daanan. Malaya ng nakakapasok ang sasakyan hanggang sa tabi ng cabin. Napangiti siya at matamang tinitigan ang cabin na tinirahan niya ng limang buwan. Hindi pa rin 'yon nagbabago. Mayroon na kayang nagmamay-ari nito? Nasa gano'n siyang pag-iisip nang may lumabas sa cabin at nakita niya si Xav na pawis na pawis. Nawala ang ngiti sa labi niya at nilapitan ito. "Gising ka—" "Anong ginagawa ko dito? Bakit mo 'ko dinala dito?" Galit niyang tanong. "Calm down. Gusto lan

