Am I Blushing

1560 Words

TWENTY HINDI NATINAG si Kassandra mula sa pagkakasalampak sa sulok ng kama nang makitang pumasok si Xavier. Ni hindi niya ito binalingan ng tingin. Kung inaakala nitong makikipag-usap siya dito ay nagkakamali ito. Hinding-hindi na siya magpapaloko dito. "Gusto kitang makasabay sa hapunan. Pero gusto kong ipangako mo na hindi ka tatakbo at tatakas," saad nito. Pero nanatili siyang tahimik. "Papayagan din kitang makausap ang kambal para hindi sila mag-alala sa'yo," dagdag pa nito. "Bakit ba kasi ayaw mo pa 'kong paalisin?" Pagalit niyang tanong at sinalubong ang tingin nito. "Nangangako ka bang hindi ka tatakas?" Tanong nito. Ilang segundo siyang hindi sumagot at nakipagtitigan dito. Pero sa huli ay siya din ang nag-iwas ng tingin. "Kung gano'n ay ihahatid ko na lang ang pagkain—" "S-sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD