THEA Mariin akong pumikit at hinintay ang sasabihin ng mga magulang ko. Inaasahan ko na madi-disappoint sila sa akin dahil ngayon lang naging pormal ang relasyon namin ni Clark, tapos biglang malalaman nila na buntis na pala ako. Nag-aalala ako, lalo na kay Daddy, na baka tuluyan nang mawala ang tiwala niya kay Clark dahil sa nalaman niya. Iisipin niya na habang pinagbabawalan niya kami, lihim pala kaming nagkikita at may nangyayari pa sa amin. Pumalatak si Daddy, kaya napatingin ako sa kanya. Napanganga na lang ako nang tumawa siya. “Bilib din naman ako sa katigasan ng ulo ninyong dalawa,” napapailing na sabi niya. “Para saan pa ang ligawan kung nabuntis mo na pala ang anak ko, Clark?” tanong ni Daddy. Parang hindi naman siya galit. “Because that's the right thing to do, Tito,” Cla

