THEA Nasa kwarto ako at naghihintay ng balita. Pagkatapos naming marinig ang balita sa telebisyon, kaagad na umalis si Daddy. Tinawagan din niya si Clark para sabihin ang tungkol sa balita. Ito lang ang makapagbibigay ng kumpirmasyon kung ang mga lalaking natagpuan sa gitna ng kagubatan at agnas na ang mga katawan na nakabaon sa lupa ay akma ang DNA sa mga lalaking pumatay sa kapatid ko. Kaya sa halip na pumunta siya dito sa bahay, hindi na siya nakapunta. Muli kong sinulyapan ang digital clock sa bedside table. Pasado alas onse na ng gabi, pero wala pa rin si Daddy. Dahil sa balitang iyon, hindi na kami nakakain ni Mommy ng maayos. Pinilit ko lang kumain dahil may isa pang buhay sa katawan ko na hindi ko dapat pabayaan. Ayokong pati ang baby ko ay maapektuhan dahil sa balitang iyon. “

