Chapter 36 Plan

2426 Words

THEA Araw ng Linggo ngayon. Isang linggo na rin ako dito sa magulang ko. Bumalik lang ako sa condo ko para ihatid ang iniwan ko sa laundry shop. Ngayon din ang araw na isasama ako ni Aiden sa gathering ng pamilya nila. Naka-ready na ako at hinihintay ko na lang siya dito sa sala. “Anong tingin iyan, Kuya?” nakataas ang kilay na tanong ko. Pinasya niyang pumunta sa bahay dahil matagal na rin daw na hindi nakokompleto ang pamilya namin. Kaya heto, nandito siya ngayon, makahulugan ang tingin na pinupukol sa akin. “Bawal ko bang tingnan ang kapatid ko?” nakangisi niyang sagot. Inirapan ko siya. Kahit hindi niya sabihin, lihim siyang nagdidiwang. Gustong-gusto kasi niya si Aiden para sa akin. Kung sakaling liligawan ako ni Aiden, wala na siyang kahirap-hirap na suyuin ang pamilya ko da

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD