THEA Naalimpungatan ako nang marinig kong tumunog ang call alert ng telepono ko. Bahagya kong minulat ang isang mata ko at kinapa ang telepono ko na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Kahit inaantok pa, sinagot ko ang tumatawag. “Good morning, anak.” It's my Mom. “Good morning po. Napatawag po kayo?” namamaos pa ang boses na tanong ko. “Pasensya ka na kung naistorbo kita, anak. Namimiss ko lang ang bunso ko,” naglalambing na sabi nito. Tumihaya ako, ngunit napangiwi ako. Kumikirot pa rin ang nasa pagitan ng hita ko. Nang maalala ko ang naganap sa amin ni Clarkson, kaagad kong tinapunan ng tingin ang higaan. Inaasahan ko na hindi ko siya makikita paggising ko, pero nakaramdam pa rin ako ng kakaibang lungkot. What now? Kailangan ko na bang ihanda ang sarili ko dahil babalik ul

