KABANATA XI: CALAIS

1763 Words
NAGING tahinik ang lahat at hinihintay ang susunod na sasabihin ni Harrison, ngunit kaagad naman siyangbhinadlangan ni Roarke na nagpunta sa harapan. Halata ang pagtitimpi sa kaniyang mukha habang kinakagat ang kaniyang ibabang labi. Binitawan naman nito ang hawak jiyang baso na nagallaman ng alak, saka hianrap si Harrison. "Anong karapatan ng isang alipin na kalabanin ako at sirain sa harapan ng hari?" Nagsimula nang mamula ang mukha nito, kaya napalunok na naman ng laway si Harrispn sa takot. Sa laki ng katawan ni Roarke, kung susugurin man siya nito ay wala na siyang magagawa, katapusan na niya, ngunit mukhang mas malala pa ang sasapitin niya pagkatapos nito. "Harry!" nabaling ang tingin ng mga tao nang pasimpleng tawagin siya ni Amara at pinapabalik na sa kusina, ngunit natahimik si Amara nang tingnan siya nang masama ni Roarke. Bumalik naman ang tingin ni Roarke kay Harry at nagsimula itong tumawa, kaya ginaya siya ng mga tao sa palasyo. "Ano sa tingin mo ang sinasabi mo? Sa tingin mo ba, paniniwalaan ka ng mga tao rito?" bumaba mula sa hagdan si Roarke, at nilapitan si Harrison, saka niya ito sinakal nang buong lakas. "Sa tingin mo ba maniniwala ang hari sa gawa-gawa mo, ha?!" lalo niya itong diniinan, kaya hindi na makapagsalita pa si Harry. Mabuti na lang at biglang nagslaita si Haring Montgomery. "Roarke!" tawqg niya rito. Binitawan ni Roarke si Harrison ngunit matalim pa rin ang tingin nito sa binata, saka naman kiya ibinalik ang tingin sa hari at yumuko. "Humihingi ako ng tawad, Haring Montgomery. Dahil sa lapastangang alipon na ito ay nasira ang inyong kaarawan. Hayaan ninyong parusahan ko siya at sisiguraduhin kong hindi na niya uulitin ang kaniyang ginawang ito." saad ni Roarke, ngunit umiling si Haring Montgomery. "Halika rito hijo." Tumingin si Haring Montgomery at saka nito nilahad ang kaniyang kamay. Kitang-kita pa rin ang pagoging busilak na puso ng hari, kahit na nasira na ang kaniyang kaawaran. Andaming gumugulo sa isipan ni Harrison, isa na roon ang kung bakit nagagawa ni Roarke at ng ibang kawal ang patayin ang haringayong maganea naman ang pinapakita nuto sa mga nasasakupan niya. Kahit nahihiya ay lumapit si Harrison sa hari. Sa tingin niya, sa pagkakataong ito ay siya ang papanigan ni Haring Montgomery, dahil mayroon siyang bitbit na ebidensya. Nang makarwting siya sa tapat ng hari, lumuhod siya at nagbigay galang. "Patawarin niyo po ako sa aking pangangahas, ngunit kailangan ninyong malaman ito." Tumayo siyang muli at tumingin kay Roarke. Nanginginig na ang mukha ni Roarke, at nakaamba na ang kamao nito. Alam niyang mabubunyag na ang kaniyang tinatagong lihim at ang planong pagpatay sa hari, ngunit hanggang ngayon ay iniisip pa rin nito kung paano nakapagsalisi sa ilalim ng palasyo ang isang katulad ni Harrison na alipin at hindi iyon nakita ng kaniyang mga kawal. "Kailangan ninyong malaman ito na ang pinagkakatiwalaan ninyong si Ginoong Roarke ay may balak na patayin kayo at siya ang maghahari ng sanlibutan." Buong tapang niyang saad, ngunit sa kabila niyon ay ang biglaang pagtawa ng mga tao. Nakisali rin si Roarke at bahagyang natawa ang hari. "Tahimik!" mahinahong sabi ng hari, pagkatapos magtawanan ng mga tao sa palasyo. "Bigyan natin ng pagkakataon ang binatang ito na ipahayag ang kaniyang saloobin." Saka muli siyang tumingin nang seryoso kay Harrison. "Ngayon, ilantad mo rito ang ebidensya na mayroon ka upang suportahan ang iyong paninira kay Ginoong Roarke na aking tagapagtiwala?" Dahang-dahang nilagay ni Harrison ang kamay sa kaniyang likurang bulsa, ngunit pagkapa niya ay laking gulat na lamang niyang wala ang garapon ng lason rito. Nagulantang ang buong pagkatao niya habang patuloy niyang hinahanap sa bulsa niya ang garapon. Halos tumaloj-talon din siya sa harapan ng hari, dahil inaakala niya na sa paligid lamang ng kaniyang suot iyon nakalagay, ngunit wala. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman niya sa ngayon. Pilit niyang inaalala kung saan niya iyong nilagay, ngunit ang nag-iisang palatandaan lamang ay doon sa likuran ng kaniyang bulsa. Dahan-dahang pumasok sa kaniyang isipan ang nangyari kanina. Mukhang sa loob din ng laboratoryo nahulog ang garapon ng lason. "Patay," bulong niya sa sarili at tumingin siya sa hari. "H—Haring... Montgomery, pasensya na...ngunit nahulog ko ang..." Biglang tumawa nang malakas si Ginoong Roarke. Hindi niya akalain na magtatagumpay siya sa kaniyang balak ngayon sa hari. Hindi rin akalain ni Harrison ang sasapitin niyang parusa pagkatapos nito. "Nasaan?" tanong ng hari sa kaniya. Sasagot pa sana si Harrison, ngunit bigla na siyang hinadlangan ni Roarke. "Anong akala mo? Maloloko mo ang hari sa mga palusot mong iyan?! Ilabas mo ang ebidensiya mo kung mayroon ka! Ang alkas ng loon mong sirain ang karaawan niya, pagkatapos ay pasensya lang ang maiaabot mo?"matapang nitong sagot. "Mayroong akong ebidensya! Babalik ako at kukuhanin ko sa labo—" Nagtanguan na ang hari at si Ginoong Roarke. Hudyat na iyon upang idala si Harrison sa kanoyang huling hantungan. Ang CALAIS. Ang Calais ay isang rehas na punong-puno ng mapanganib na ahas. Doon dinadala ang mga mapangahas na alipin o hindi kaya kawal, upang biyang ng leksyon. Sampung taon na rin simula nang huli iyong malagyan, kaya tuwang-tuwa ang mga malalaking ahas, habang pinapapak ang katawan ng aliping nangahas patayin ang hari. Pinaniniwalaang hantungan na ang Calais. Bukod kasi sa wala kang takas roon, naniniwala ang mga taga Magindale na pagkatapos mong mamatay sa Calais ay sa impyerno na ang bagsak mo. Kaya naman pagkasabing iyon ni Roarke ay nanindig ang balahibo ng mga kawal at pati na mga alipin. "Alam mo bata, matagal nang panahon simula nang dalhin naman doon ang katulad mong alipin na nangahas patayin ang hari. Ngayon ay nagkaroon muli ako ng pagkakataon upang tunghayan ang katawan mong unti-unting yuyurakin ng mga ahas hanggang sa wala ng matira sa iyo. Bukod doon, pagkatapos mong mamatay ay didiretso ka na sa impyerno, dahil sa pangangahas mo sa akin." Nanginginig na ang buong pagkatao ni Harrison. Hindi na rin niya alam kung paano siya makakatakas, dahil napapalibutan na siya ngayon ng mga kawal at nakahanda na ang kanilang mga baril. "H—hindi! Rinig na rinig ko mismo! Kinakausap mo iyong matandang lalaki... ang sabi mo... papatayin mo ang hari!" "Hijo?" Bigla siyang natigil nang muli siyang tawagin ni Haring Montgomery. "Naawa ako sa sasapitin mo sa rehas na iyon. Isa kang matalinong bata at nakikita ko namang may pangarap ka sa iyong buhay, kaya bibigyan kita ng pagkakataon." "Pagkakataon?!" galit at patakang sabi ni Roarke. "Haring Roarke! Sinira ng aliping iyan ang imahe ko sanmga tao na naririto, pagkatapos ay bibigyan mo pa siya nang pagkakataon?!" Hindi kumibo ang hari sa turan ni Ginoong Roarke, bagkus ay tumingin siyang muli kay Harrison nang makahulugan. "Aminin mo lang na mali ang iyong sinabi at palalayain kita. Makakabalik ka sa pamilya mo at makakapagsilbi nang maayos dito sa palasyo. Pinapangako ko sa iyo," wika ng hari. Nagdadalawang isip pa si Harrison, ngunit mas nanaig sa kaniya ang katotohanan. Buong tapang siyang tumindig. "Totoo po lahat ang sinasabi ko sa inyo, haring Montgomery. At titindigan ko ang sinabi ko kahit...kahit kapalit niyon ang buhay ko," pusigido niyang saad. "Tingnan mo ang ginagawang pambabastos sa iyo ng aliping iyan, Haring Montgomery. Nanaisin mo pang patuloy pa ring mamalagi iyan sa loob ng palasyo?!" Wala ng nagawa ang hari kung hindi ang tumango na lamang at talikuran ang mga tao. Mabilis namang dinakip ng mga kawal si Harrison at pinosasan. Bago siya ibaba, bumulong pa si Ginoong Roarke sa kaniya. "Magpaalam ka na sa iyong magulang. Sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na makakabalik sa mundong ito." Kahit nanginginig sa takot ay nilakasan na lang ni Harrison ang kaniyang loob. Napatingin siya sa gawi ni Amara at awang-awa sa kaniya, habang ang iba naman ay binigyan siya ng tingin na pandidiri. Ang iba ay natatawa lamang sa kaniyang ginawa. Halata sa mga tao rito ang pagtitiwala nila kay Ginoong Roarke, kaya malabo talaga ang kaniyang balak sa una pa lang. — "Bilis!" tulak kay Harrison ng kawal, habang naglalakas sila sa pasilyo. Tatlong kawal ang naghahatid sa kaniya roon, habang si Roarke naman ay nasa seremonya at paniguradong tinuloy na ang kaniyang plano. Hindi lubos maisip ni Harrison na ganito ang magiging kahihinatnan niya. Ang akala niya ay siniksik niya sa kaniyang hulsa ang garapon, jgunit napapikit na lamang siya kapag inaalalang nahulog iyon ng hindi niya namalalayan. "Ayan! Ang lakas ng loob mong alipin ka!" buska ng isang kawal. "Ang akala mo mapipigilan mo si Haring Roarke sa kaniyang balak?" tumawa pa ito. "Dapat inisip mo na lang ang kahahantungan mo, kaysa ang labanan pa siya." "A—alam niyo rin ito?" hindi makapaniwalang sabi ni Harrison sa mga kawal. "Ano sa tingin mo?" Tumigil sila at hinarap si Harrison. Hinawakan nf kawala ng kaniyang baba. "Matagal na kaming nagtitiis sa pagiging kawal. Nais namin maging isa sa kawani ng Hari. Hindi mo alam ang hirap namin upang maisagawa ito, tapos sisirain mo lang?!" "P...pero paano? Napakabait sa inyo ng hari. Hindi ba kayo nakokonsensya sa ginagawa ninyo?" Kahit nanlalambot na si Harrison ay pinilit pa rin niyang ilabas ang kaniyang saloobin. "Wala kaming pakialam sa pagiging mabait niya!" Binitawan na nito si Harrison at nauna siyang maglakad. "Sa huli ay magiging marahas din naman siya, kaya inuunahan na namin. Tsaka... sa tingin naman ay si Ginoong Roarke ang bagay na mamuno sa Magindale. Malaki ang mababago rito, pati ang bulok na pamamalakad ni Montgomery ay mababago." Nabaling naman ang atensyon ni Harrison sa kawal na may hawak sa kanan niyang braso. "Hindi namin magawang iligtas si Haring Montgomery dahil alam naming ang kapalit niyon ay ang buhay namin at buhay ng aming pamilya," malungkot na pahayag nito. Ngayon ay alam na ni Harrison ang kalakaran sa lugar na ito. Kalahati ng mga kawal ay hindi sang-ayon sa planong pagpatay sa hari, ngunit wala silang magawa dahil buhay nila at buhay ng kanilang mahal sa buhay ang nakataya. Mayroon din namang sumasang-ayon, dahil sa pagkagahaman sa kapangyarihan. Ngayon ay nakikita na ni Harrison kung gaano kalakas ang si Ginoong Roarke sa palasyong ito. Makalipas ang ilang minutong paglalakad, tumambad sa harapan nila Harrison ay isang marumi at madilim na selda. Ang nauunang kawal ay ingat na ingat sa paglikha ng ingay. Mukhang takot din ang dalawang may hawak kay Harrison, habang kinukuha ng kawal ang susi sa kaniyang unahang bulsa. Dahan-dahan niyang buksan ang rehas at padungaw-dungaw pa sa paligid. "Ipasok na iyan!" pagalit ngunit bulong na sabi ng kawal. Hindi siya maaaring sumigaw dahil baka nasa gilid lamang ang mababangis na ahas at baka siya pa ang unang tuklawin ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD