KABANATA X: LASON

1250 Words
HABANG abala ang lahat sa kaarawan ng hari at seremonya sa palasyo, pasikretong umalis si Roarke kasama ang iilang mga kawal. Mabilis silang nakaalis ng walang kamalay-malay si Haring Montgomery, at dumiretso sa basement kung saan naroon ang sikretong laboratoryo ni Mudler. Handa na ang lahat at ang plano na lamang na pagpatay ang kulay sa seremonya. Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Roarke habang iniisipnna bukas na bukas ay siya na ang uupo sa trono ng hari at hihiranginging bagong hari ng Magindale. Ngunit dahil abala sila sa pagpunta sa basement, hindi nila napansin ang nakasunod sa kanilang si Harrison. Bumalik si Harrison sa basement upang mayroon siyang sapat na ebidensya mamaya kapag ibinunyag niya ang balak ni Roarke kay Haring Montgomery. "Ginoong Roarke, hindi bat masyado pang maaga para taniman na natin ng bomba ang hari?" tanong ng isang kawal. "Huwag mo akong pangunahan, Roger. Alam ko ang ginagawa ko. At saka, nasaan na nga pala si Policarpio? Hindi bat pinapatawag ko siya rito?" nagsisimula nang mairita si Roarke. "Nanghihingi po ng paumanhin si Policarpio, dahil wala si Pilo kaya siya ang pumalit na magbantay sa labas." Wala nang nagawa si Roarke kung hindi ipagsawalang bahala na lamang ang inis at maglakad na papunta sa ilalim ng palasyo, upang kuhanin ang lason na makakapagpahinto sa t***k ng puso ng hari. Halos hindi mawala ang ngiti niya sa labi sa tuwing iniisipnniya iyon. Sa kabilang banda naman, kahit kinakabahan ay sumunod na si Harrison sa ilalim. Ingat na ingat siya sa kanyang paghakbang, dahil isang maling hakbang lamang ay maari siyang mahuli ng mga ito. Mabuti na lamang at medyo malayo na sila sa kinaroroonan niya ngayon. Nagtago kasi siya sa luma at nakakasulasok na amoy sa likod ng pader. Nakaisip na siya nang plano upang maniwala ang hari sa kaniya kapag sinumbong niya si Roarke rito. Pagdating nina Roarke sa puting kwarto kung saan naroon ang laboratoryo ni Mudler, mabilis namang tumakbo papunta sa gilid si Harrison. Sumama rin sa loob ang dalawang kawal, kaya naman wala siyang magiging aberya kung papakinggan niya ang usapan ng scientist na iyon at ni Roarke. "Sayang lang at wala akong cellphone! Kung sana ay maaari kong i-record ang pinag-uusapan nila, para lamang may sapat na akong ebidensya," bulong niya pa sa sarili. Ngunit kahit ganoon, desidido na siya sa kaniyang gagawin. Sinubukang pakinggan ni Harrison ang pinag-uusapan ng dalawa sa loob, ngunit mas lalo siyang nabigla nang malaman ang gagawin ni Roarke. "Siguraduhin mong sulit ang binayad kong pilak sa iyo rito ha?" paniniguro ni Roarke s akaniyang hawak na pulang lason. "Oo naman, Roarke! Kailanman ay hindi kita binigo. Mukhang nakakalimutan mo yata na ako rin ang gumawa ng lason sa Reyna?" saad nito habang nagtatawanan sila. Ibig sabihin, tama nga ang sinabi ni Amara. Ngunit ang akala nilang malubhang sakit ay isa rin pa lang kagagawan ni Roarke. Inuunti-unti niya ang tao rito sa Magindale, upang sa huli ay mapasakanya na ang lahat. "Hindi ko nakakalimutan iyon. Iyon ang unang beses na naging masaya ako sa buong buhay ko, Mudler." Bigla namang tumalon ang puso ni Harrison at kaagad siyang nagtago nang maglakad na palabas ng laboratoryo ang dalawa. Nakita niyang hawka ni Roarke ang maliit na boteng naglalaman ng lason na ilalagay nito sa inumin ni Haring Montgomery. "Oh paano...Haring Roarke? Dadalo na lamang ako sa seremonya mamaya," patawa-tawa nitong saad. Nagtawanan naman sila bago magpaalam si Roarke, kasama ang mga kawal. Si Mudler naman ay dumiretso sa loob. Nang tuluyan nang makaalis si Roarke sa laboratoryo, dahan-dahang naglakad papalapit sa pinto si Harrison. Kumukha pa siya ng tiyekpo upang makakuha ng lason na katulad sa hawak ni Roarke. Sigurado siya marami pa sa laboratoryo ng ganoon, dahil iyon ang nakita niya kahapon. Nang masilip niya sa gilid ng pinto na wala na si Mudler sa akniyang mga imbensyon, palinga-linga siyang pumasok sa loob at hinanap ang pulang lason. Maingat niyang hinahawakan ang bawat lalagyan na naglalaman ng ibat-ibang kulay ng tubig. Kahit namamangha siya ay hindi pa rin siya nagpadaig. Mas gusto na niyang isalba ngayon ang hari, dahil sa kaniyang nalaman. Kaya pala ayon sa kwento ni Amara, si Ginoong Roarke ang nagsilbing kaliwang kamay ni Haring Montgomery noong panahong malungkot siya. Lahat ng pinapakita niyang iyon ay kasama sa plano. Hinfi lamang niya lubos maisip na pati si Prinsesa Hera ay maaaring madamay sa pagiging makasarili ni Roarke. "Alin ba rito?" Hawak ni Harrison sa bote na may pare-parehong kulay. Hindi niya matandaan ang binunot na kulay ni Mudler kanina. "Heto ba?" hawak niya sa isang kulay na pinaghalong itim at pula. Napailing siya nang mapagtantong hindi iyon 'yon. "Teka..." Napahinto siya sa pulang-pula na tubig. Mayroon siyang pinakamaliit na lalagyan. Bumubula pa siya hanggang ngayon. "Heto nag yon!" Nagliwanag ang mukha niya sabay mabilis niyang kinuha ang garapon. Tiningnan pa niya kung paparating na si Mudler. Mabuti na lang at matagumpay niya iyong nakuha. Pagkalagay sa likurang tapis ng maliit na garapon ay akmang aalis an sana si Harrison sa laboratoryo, ngunit bigla siyang nakarinig ng malakas na yabag papunta sa kaniya galing sa labas! Mabilis na nagtago sa ilalim ng mesa si Harrison, kung saan nakabalot iyon ng mahaba at malaking puting tela. Akala niya katapusan na niya, kaya pagkatago niya ay doon pa lamang siya nakahinga nang maluwag. Wala rin siyang ideya kung sino ang papasok na iyon, pero nakakasiguro siyang hindi na si Roarke iyon. "Ginoong Mudler!" tawag ng isang lalaki. Pagkakita ni Harrison sa suot na sapatos nito ay halatang kawal iyon. Hingal na hingal pa ito pagpasok niya sa laboratoryo. Nagpahinga muna siya sandali, bago muling tawagan si Mudler. Nang ilang minuto na itong hindi sumasagot, suminghal naman ang lalaki. "Saan ba kasi naiwan ni Ginoong Roarke iyon? Kaasar naman!" inis na saad nito at may kung anob hinanap sa gamit ni Mudler. Nagtataka naman si Harrison kung saan na nagpunta ang matandang iyon. "Heto!" masigla namang sabi pagkaraan ng dalawang minuto. "Ginoong Mudler! Aalis na ako," saad niya. "Siguro tulog na namaj iyon." Nang maramdaman niyang umalis na ang kawal ay saka naman dahan-dahang umalis sa ilalim ng mesa si Harrison. Sinilip niya pa sa isang pinto si Ginoong Mudler bago siya umalsi ngunit hindi talaga talaga iyon makita. Nang ligtas na siyang makalayo sa laboratoryo, dali-dali na siyang tumakbo paakyat sa hagdan. Kailangan niyang magmadali, dahil oras at buhay ng hari ang nakasalalay sa kamay niya. Pagdating sa seremonya, sakto namang tinutingga na ng mga bisita ang mamahaling alak, habang sina Roarke naman ay hinahanda na ang iinumin alak ng hari na may halong lason. Napakagat ng labi si Harrison habang tinitingnan ang masayahing mukha ng Hari. Hindi na niya hahayaang mangyari pa muli ang nangyari na sa Reyna dahil sa kagagawan ni Roarke. Ilang beses na rin niya itong pinag-isipan. Sana lamang ay may maniwala sa kaniya sa kaniyang bitbit na ebidensya. "Mabuhay ang hari!" Itinaas nila ang kanilang mga abso, habang ang hari ay nakisalo rin. Isnag kulay lila na alak ang kanilang iinumin, ngunit bago pa dumampi iyo. sa labi ng ahri ay siya namang sigaw ni Harrison. "Itigil ang seremonya!" Matapang nitong pahayag at saka nagpunta sa harapan ng hari. "Mahal na hari! Kung inyong mamarapatin, huwag ninyong iinumin ang alak na iyan!" mapangahas na sabi nito. Nagtawanan naman ang mga tao, ngunit kitang-kita ang inis sa mukha ni Roarke. Habang ang hari naman ay takang-taka. Ang kanilang ingay sa paligid ay napalitan ng katahimikan. "A...anong sabi mo, hijo?" pag-uulit ng hari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD