KABANATA IX: KAARAWAN NG HARI

2034 Words
LIGTAS na nakarating sa palasyo si Harrison, ngunit hindi pa rin maiiwasan ang kanyang pagkabalisa. Pagkarating sa kusina ay siya namang sinalubong siya ng kabilaang sigaw ng mga kusinero at tagapag hugas ng plato. Sa abala ng mga ito, hindi na nila napansin ang pagkawala ng matagal na oras ni Harrison, kaya agad na lamang siyang inutusan ng mga ito. "Dalhin mo ito doon bata!" tawag sa kaniya ng lalaki na iniaabot ang naglalakihang plato. "Teka nga! Ako ang unang nag-utos sa kaniya!" singhal naman ng babaeng katabi niya na pinapabuhat ang isang kalderong ulam. Hindi na alam ni Harrison kung ano ang kaniyang uunahin, ngunit mas mabuti na lamang niyang kinuha ang isang kaldero na naglalaman ng mainit-inut pang kaldereta. Hindi niya mawarinkung anong hayop ang niluto nila rito, ngunit sa amoy pa lang ay halatang masarap na. Iniisip tiloy ni Harrison kung kasama ba sila sa seremonya mamaya? "Bilisan mo!" sigaw sa kaniya kaya bumalik siya sa ulirat. Habang naglalakad siya, ingat na ingat siya sa kaniyang dinaraanan. Bukod kasi sa mainit pa ang kawali ay baka madapa siya. Ayaw na niyang bumalik sa Palaseo upang maglinis. Pinangako na kasi niya sa sarioi na babalik lamabg siya roon kapag maaari na niyang pakawalan si Milo. Pagkarating sa bungad ng palasyo, sari-saring tao na ang mga naroon. Base sa suot nilang mamahaling damit at makinang na alahas, mayayaman ang mga bisita ng hari. Kung sa bagay, sikat si Haring Montgomery sa lungkot, kaya marapat lang na mayayaman ang kaniyang mga bisita. Pagkalapag ni Harrison ng kaldero sa isang maliit na mesa, kaagad na siyang naglakad pabalik ng kusina, ngunit bago siya makarating doon ay may kumalabit naman sa kaniya. Paglingon niya ay isa iyong lalaki. Nakasuot siya ng pang kabisera, mamahalin din ang suot na damit ang may suot na relong kulay itim na tingin ni Harrison ay nagkakahalaga ng daang libong piso. "Maaari mo ba akong ikuha ng alak?" wika ng lalaki, tsaka tinuro ang alak na nasa isang gilid. Limang metro ang layo niyon sa pwesto nila, kaya siguro ay tinamad na ang lalaking maglakad patungo doon."Ah... opo!" wika ni Harrison, saka mabilis na naglakad papunta sa mga kumpol ng mamahaling alak sa gilid. Halos matuyo ang lalamunan ni Harrison habang binubuhos ang alak sa mamahaling baso. Kung maaari lang siyang tumikim niyon ay siguradong lulunurin niga ang sarili sa alak. Napatingin siya sa lalaking nagpapakuha niyon sa kaniya. Tyempo namang abala na ito sa pakikipagkwentuhan sa ibang mga bisita, kaya mabilis na sinawsaw ni Harrison ang kaniyang daliri sa baso na naglalaman ng alak saka iyon sinipsip. "Ang sarap!" napapikit pa siya sa pait at tamis ng alak na kaniyang natikman. Sa kagalakan ay uulitin pa sana ni Harrison ang pagtikim ng alak, ngunit mabilis siyang kinalabit ni Amara na nasa kaniyang likuran. "Harrison!" tawag nito, kaya nanlaki ang mata ni Harrison na tumingin sa kaniya. "Bawal tumikhim ng mamahaling alak ang mga bisita!" bulong nito sa binata. "Alam mo bang kapag nalaman iyan ni Ginoong Roarke ay hindi na sa Palaseo ang bagsak mo?" Muli na naman niyang naalala ang balak ni Ginoong Roarke sa hari, ngunit hindi niya muna ito maaaring sabihin ngayon, dahil baka may makarinig. "Pasensya na," paumanhin ni Harrison. "Sige na, ihahatid ko muna ito ha? Balikan kita riyan!" paalam niya, saka dinala na ang alak na nasa tray, tsaka iyon binigay sa lalaki. Bago umalis ay pinagmasdan pa niyang sinisimsim ng lalaki ang masarap na alak. "Salamat bata," wika ng lalaki. "Marunong kang pumili ng masarap na alak!" "Walang anuman ho," saad naman ni Harrison tsaka ngumiti. Nagpaalam na rin siya na babalik na sa kaniyang trabaho. Inaya niya si Amara na bumalik na sa kusina at ganoon naman ang ginawa nila. Habang sinusunod nila ang utos ng nakakataas ay siya namang pagtataka ni Amara kung bakit biglang naging tahimik si Harrison at parang kinakabahan. "Huy?" tawag nito sa kaibigan. Kaagad namang humarap si Harrison at prenteng ngumiti havang hinahatid ang tray ng plato sa palasyo. "Bakit?" kaagad na tanong ni Harrison at pakunwaring pumipito, upang hindi maramdaman ni Amara ang tensyong bumabalot sa kaniya. "Parang balisa ka. May kung ano sa iyo, may sakit ka ba?" tanong ng dalaga. Kaagad namang umiling si Harrison. "Ano ka ba! Kung ano-ano ang iniisip mo, siguro gutom ka na ano?" pagkukunwari ni Harrison. Bahagyang napaisip si Amara at yumingin sa kaniyang tiyan. Naalala nilang simula kagabi ay wala pa silang kain, kaya siguro kung ano-ano na lamang ang napapansin nito. "Sa bagay, ang lakas talaga ng epekto sa akin kapag walang laman ang tiyan. Mabuti ka ap, makakakilos ka pa nang maayos," wika ni Amara, sabay yuko at ngumiti nang makasalubong ang mag-asawang mayaman na bisita ng hari. Yumuko rin si Harrison kaya nginitian sila nito, habang kumuha ng dalawang basong alak ang lalaki sa tray na bitbit ni Amara. Sa pagmamadali ay hindi na sila nakapagpalit pa ng kasuotan. Napansin nila na ang obamg mga aliping narito at makikisalo sa seremonya ay may bagong suot na damit. Kulay itim iyon na dmait pati palda at kulay puti naman ang kanilabg tapis, habang sina Amara at Harrison ay halatang kagagaling lamang sa pagpapahirap, dahil magulo at gusot-gusot pa ang kanilang suot. "Sayang Amara." bulong ni Harrison pagkalapag ng bitbit na kaldero sa mahabang mesa. "Kung mas maaga lang sana tayong pinakawalan, sana ganiyan din ang suot natin tulad ng kanial," wika niya. "Oo nga e. Mukha tuloy tayong pulubi sa suot natin," pahayag ni Amara. "Sa bagay, pulubi naman talaga tayo," anito at sabay silang nagtawanan nang mahina. Sa dami ng bisita ay halos sakupin na ang loob at labas ng palasyo, ngunit kahit gayon ay hindi ap rin mahanap ni Harrison ang kanina pa niya hinihintay, si Roarke. Napagdesisyon niyang babantayan niya iyon hanggang sa matapos ang seremonya at kaarawan ng hari. Gagawin niya ang lahat upang hindi matuloy ang balak nito, kahit iniisip pa niya na ang kabayaran ng kaniyang gagawin ay ang kaniyang buhay. Habang nasa kusina sila ay rinig naman niya ang sari-saring mga paputok at ingay sa labas, kaya nagkalat ang bulong-bulungan sa loob. Sigurado siya, nasa labas na ang kasama kasama ang kaniyang alagad na si Ginoong Roarke. Dagdag pa ang impormasyong nakalap niya ngayon lamang na kasa din ng hari ang nag-iisa niyang anak na si Prinsesa Hera. Halos hindi matanggal ang tingin ni Harrison sa pinto. Hinihintay niya iyong magbukas, ngunit bago pa iyon ay ginulat na naman siya ni Amara. "Amara!" tumaas ang kaniyang boses sa gulat. Natawa lang si Amara sa naging reaksyon niya. "P...pasensya na, Harrison. Paano, kanina pa kita nakitang nag-aabang riyan sa nay pinto. Siguro inaabangan mo si Prinsesa Hera ano?" pambubuska niya. Upang malipat ang pagdududa ni Amara, sumang-ayon na lamang ako sa pang-aasar niya, saka ko iyon sinakyan. "Ano bang hitsura ni Prinsesa Hera? Tsaka ang anak lang ba ng Hari ang kasama pati si Ginoong Roarke? Nasaan ang Reyna?" sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan. "Kung tatanungino kung anong hitsura ni Prinsesa Hera? Napakaganda niya! Ang kulot, mahaba at kulay ginto niyang buhok, ang tsokolateng kulay ng kaniyang mata, ang matangos at mapula niyang labi. Halos lahat yata perpekto sa kaniya, kaya karamihan sa amin dito sa palasyo, naiinggit sa kaniya," nawala ang pagkagiliw sa boses ni Amara. "Pero kahit ganoon, hindi kami binigo ni Prinsesa. Kahit hamak na alipin lamang kami, tinatrato niya kami bilang kaibigan! Kaya kilala siya rito na napakabait." Napangiti naman si Harrison. Kung sana ay magkaroon din siya ng pagkakataong makilala si Prinsesa Hera ay gagawin niya at doon niya isisiwalat ang kaniyang nalaman patungkol sa kaniyang ama. "Tsaka matagal nang wala ang reyna," dagdag pa ni Amara. Kumunot ang noo ni Harrison. "Bakit naman?Nasaan ba siya?" tanong niya. Tumingin muna sa paligid si Amara na mukhang takot na takot sa kanyang aaminin kay Harrison. "Wala na ang reyna," bulong nito. Kita ang panlalaki sa mata ni Harrison. "I—ibig sabihin patay na?" Halos takpan ni Amara ng dalawang kamay niya ang bunganga ni Harrison sa pagkasabi non. Mabuti na lang at walang nakarinig dahil napakaingay ng paligid. "Ang ingay mo, Harrison! Alam mo ba kapag narinig 'yan ng kung sino man sa atin na nadito, baka isumbong tayo sa hari at pugutan pa tayo ng ulo!" pananakot nito. "Pugutan? Malaking kasalanan ba ang sabihin iyon lalo na kung totoo?" hindi pa rin maintindihan ni Harrison ang nais sabihin ng dalaga. "Hindi sa ganoon! Oo wala na ang Reyna Klara. Simula nang mawala ito, parang nawalan na rin ng buhay ang Magindale. Palaging wala sa sarili ang hari, kung hindi lang siya tinulungan ni Ginoong Roarke upang makabawinmuli, siguro lubog na lubog na ang palasyo patinna ang mamamayan sa magindale." Doon lamang napagtanto ni Harrison ang lahat. Sa bagay, kahit sino naman sigurong namatay ay magiging lugmok sa matagal na panahon. Ganoon rin ang naramdaman noon ni Harrison nang iwan sila ng kaniyang ama. Pakiramdam niya ay wala nang silbi ang buhay niya kaya nagpalaboy-laboy na lamang siya sa tabi-tabi. Ngunit nang maramdaman na niya na kailangan siya ng kaniyang ina ay doon siya nagsumikap. Ang kaibihan lang, totoo ang kaniyang ina. Ngunit ang pinagkakatiwalaan ng hari na si Roarke ay isa pa lang ahas sa palasyo na gustong agawin ang trono nito. "Eh bakit hindi maaaring banggitin dito na wala na ang Reyna? Siguro naman alam na ng lahat iyon?" pag-uusyoso ni Harrison. Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga ni Amara saka siya nito inismidan. "Halatang wala ka ngang kaalam-alam sa lugar na ito at galing ka talaga sa ibang dimensiyon." "Ha? Bakit naman?" "Eh kasi, kalat na kalat sa buong lungsod na ito ang pangangahas ng isang alipin noon na itanong sa harinkung kumusta na ang kalagayan nito pagkatapos mailibing ang asawa niya. Dahil sa pagtatanong na iyon, unti-unti na namang bumabalik ang pagiging matamlay ni Haring Montgomery, kaya ang ginawa ni Ginoong Roarke upang hindi na maulit ang ganoong bagay, pinapugot niya ang ulo ng aliping iyon sa harapan naming lahat." Nanlaki ang mata ni Harrison sa naging tugon ni Amara. Ngayon pa lamang ay iniisipnna niya kung ano ang magiging kahihinatnan niya kapag binulgar niya ang planong pagpatay ni Roarke sa hari. "Ganoon ba?" sagot lamang ni Harrison. Sakto naman ay bumukas na ang pinto ng palasyo at sa harap nakasalubo ang dalawampung mga kawal habang nakalahad ang kanilang espada upang magbigay pugay sa hari. Rinig na rinig ang malakas na palakpakan, pati na ang banda sa labas. Kitang-kita nila ang galak saukha ni Haring Montgomery. Habang iniinspeksyon ni Harrison ang tao sa paligid, napansin niya ang tumatandang hitsura ng hari. Ang puti nitong buhok, ang nangungulubot na balat. Ngunit kahit ganoon ay masiyahin pa rin ito, may kung ano lamang na lungkot ang tinatago sa kanyang mata. Mas lalo namang namangha si Harrison nang masilayan ang ganda ni Prinsesa Hera na nasa kaliwa. Ang nasa kanan kasi ng hari ay si Ginoong Roarke. Tama nga ang sinasbai ni Amara, nakakatulala ang ganda ng prinsesa, lalo na kapag ngumingiti ito. May kung anong kinang ang bumabalot sa mata niya habang sumasabay naman sa pagngisi niya ang malambot niyang labi. Ngayon pa lamang siya nakakita ng ganito kagandang dilag sa buong buhay niya. "Maligayang kaarawan Haring Montgomery!" bati ng isang nakakatandang lalaki sa mga bisita. Mukhang kamag anak ito ng hari o hindi kaya malapit na kaibigan, dahil hindi siya binawalan ng mga kawal. "Maraming salamat sa pag-unlak ng aking imbitasyon Sandro!" masayang saad ng Hari. Inabot naman ng isang babaeng nakasuot ng pambahay ang isang malaking regalo sa hari. Pagkatapos ay kinuha iyon ng alagad ni Roarke saka sila nagtawanan habang naglalakad. Bago magsimula ang seremonya ay naupo na ang mga bisita. Ang mga kawal naman ay nakapaligid sa bawat sulok ng palasyo, habang ang mga alipin ay nasa gilid lamang at nanunuod sa pag-upo sa trono ng hari. Hindi pa rin maalis ang tingin ni Harrison sa Prinsesa. Animoy may tanikalang nagtali sa kanila upang hindi sila paghiwalayin. Bigla namang nagising mula sa malalim na imahinasyon si Harrison nang muling magsalita si Roarke. "Bago natin impisahan ang seremonya, nais muna nating batiin ng maligayang kaarawan ang hari!" saad nito, saka naghiyawan ang mga bisita at sabay-sabay nilang binati ang hari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD