KABANATA XIII: NAKEE

1307 Words
KAHIT hirap maniwala si Amara ay tumul9y lamang siya sa sinasabi ni Harrison. Pagkaalis niya sa Calais ay nagpalinga-linga muna siya ng tingin kung naroon ba ang mga tagapagbantay sa palasyo. At nang makitang malinis ang pasilyo ay dumiretso siya sa pinakadulo nito kung saan ang sinabing lokasyon ni Harry. "Naku, kapag talaga wala ang laborstoryong sinasabi ni Harrison, lagot talaga sa akin 'yin bukas! Hindi ko siya dadalhan ng pagkain," bulong niya sa sarili. Kahit nanginginig sa takot ay nagpatuloy pa rin si Amara sa paghahanap ng lokasyon pababa ng palasyo. Muntikan pa siyang mahuli nang isang kawal noong dire-dirtso siya. Mabuti na lang at nakapagtago siya sa likod ng pader. Halatang lasing din ang kawal, kaya siguro hindi ito naging alerto sa pagsulpot kanina ni Amara. "Muntikan na ako doon," bulong niya sa sarili saka na dumiretso. Nang nasa dulo na siya, dalawang daan naman ang tumambad sa kaniya. Isang kaliwa at kanan. Ayon sa sinabi ni Harrispn ay ang pakanang daan ang kaniyang puntahan, kaya hidni na siya nagdalawang isip pa at dumiretso na doon. Nasinagan pa niya ang maliwanag na buwan, dahil sa bukas na bintana. Halatang alas dose y media na ng madaling araw. Sa mga oras na ito ay tulog na ang mga tao, pero gising pa rin ang mga kawal. Ngunit dahil nga may selebrasyon ay kalahati sa kanila ang tulog na. Dumiretso siya sa kanang daan. Ingat na ingat siya sa paghakbang dahil baka mahuli pa siya ng kung sino. Nangbmay makita na naman siyang palikong daan ay sinundan niya iyon, hanggang sa matunton niya ang pinakadulo kung saan ang sinasabi ni Harrison na isang maliit na butas. "Tama nga ang sinasabi ni Harrison. Heto na iyon," aniya sa sarili saka mabili na tiningnan ang hagdan pababa. Napakakipot ng daan. Isa pa, nakaliit lamang nito, kaya nagtataka siya kung paano nakapasok si Ginoong Roarke dito, gayong dambuhala iyon. Braso pa lamang niya ay hindi na kasya. Kaya ngayon ay dire-diretso nang pumapasok sa isip niya ang mga posibleng rason. Maaaring may ibang daan pa maliban dito at si Ginoong Roarke lamang ang nakakaalam niyon. Isa pang pinagtataka niya, bakit nasabi ni Harrison na papatayin nito si Haring Montgomery kung napakabait naman ng Hari kay Gjnoong Roarke? Halos lahat ng transaksyon sa palasyo ay si Ginoong Roarke ang namamahala at buong pusong pinagkakatiwalaan siya ng hari. Ngunit bakit niya pa naisip na patayin ito? Isa pang ikinagulat ni Mara at hindi niya lubos mapaniwalaan ay ang sinabi ni Harrison na si Ginoong Roarke din ang pumaslang sa Reyna. Kung totoo man iyon, malalaman mismo sa bi Amara mamaya. Kukuha siya ng ebidensya kung totoo nga ni isa ang sinasabi ni Harrison sa kaniya. Pagbaba niya, halos lumukot ang mata niya sa masangsang na amoy ng lugar. Bukod kasi sa napapaligiran ng lumot ang daan, medyo hindi rin kaaya-aya ang amoy nitp kaya mapatakip ng ilong si Amara habang dahan-dahan pa rin siyang naglalakad. "Ilang hakbang pa kaya ang gagawin ko para makarating doon?" bulong niya. Habang naglalakad ay nagpapalinga-linga pa siya. Kailangan niyang magdoble ingat dahil narito na siya sa pinaka ilalim ng palasyo. Sa totoo lang ay ngayon pa lamang siya nakapunta rito at hindi siya makapaniwalang may ganito pang lugar sa palasyo bukod sa Calais at Palaseo. Halatang may ginagawa ring illegal sa luagr na ito, dahil hindi mo aakalaing mayroong laboratoryo sa loob. Sa kaniyang paglalakad, sa wakas ay nagliwanag na rin ang mata ni Amara. Ngayon niya napatunayang totoo nga ang siansabi ni Harrispn, dahil sa ngayon ay tumambad na sa kaniya ang puti at maliit na kwarto. Mayroong isang bintana sa pinakataas at doon makikitang bukas ang ilaw nito. Ibig sabihin ay may tao nga sa loob. Ang pagaksabi ni Harrison, Si Mudler daw ang tao na iyon at si Mudler ay isa sa pinaka magaling na siyentipiko sa palasyo dahil siya ang gumagawa ng ibat-ibang uri ng lason. Lalo tuloy lumalalim ang kuryosidad ni Amara na makita kung ano ang nasa loob ng laboratoryo. Bago pa siya tumuloy, siniguro muna niyang walang nagbabantay. At nang masiguro ngang tulog na ang mga kawal ay saka na siya dumiretso. Sa tapat ng bintana, mayroong isang mataas na upuan, kaagad siyang tumakbonat tinuntungan niya iyon. Halos manlaki ang mata niya sa kaniyang nakita sa loob. "T..totoo nga," saad niya sa sarili. "Totoo nga ang sinasabi ni Harrison! Kailangang malaman ito ng hari bukas na bukas di—" Napahinto siya sa pagsasalita nang may biglang nagsalita sa likuran niya. "Anong ginagawa mo rito, Amara?" — SA kabilang banda, pagkatapos kumain ni Harrison ay bumalik siya sa kaniyang hinihigaan, ngunit bago pa siya matulog ay nagdasal siya. Bigla siyang nalungkot nang maalala niya ang kaniyang magulang. "Ano na kayang ginagawa ni inay doon? Magaling na kaya siya?" tanong niya sa sarili. "Kung hindi lang siguro ako naging curious sa ilaw na iyon, siguro kasama ko pa si inay at hindi ako nagtitiis sa malumot at basang higaan na ito. Kahit papaano naman ay may maayos kaming higaan sa bahay. Kahit na barung-barong lamang iyon, tiyak ko namang masaya ang pamilya ko." Naalala niya pa noong bata siya. Sa tuwing nagpupunga sila sa bayan upang mangalakal, nakikita niya ang mga bahay na bato doon. Hindi niya mapigilang mainggit, at mangarap nang mataas. Lagi niyang sinasabi sa sarili na balang araw ay magkakaroon din siya ng marangyang buhay at malaking bahay na kasing lakinng palasyo. Ngunit ngayon, dalawamput anim na taon na siya ngunit wala pa rin siyang nararating sa buhay. Isa pa rin siyang hamak na alipin. "Kumusta na kaya si Amara doon? Sana naman hindi siya mahuli. Baka kapag nahuli siya ay ikukulong din siya rito at magkakasama na naman kami. Hindi ko na alam noon kung saan ako matutulog," natatawang sabi niya sa sarili. Napakamot pa siya at humiga na. Ngunit kahit anong pilit niyang matulog ay hindi siya mapakalma. Biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso at nakaramdam siya bigla ng kaba. Sana lamang ay hidniniyon tungkol kay Amara o sa kaniyang ina. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyari sa kanila. Madalas kasi ay kapag kinakabahan si Harrison ay halos nagkakatotoo ang mga iniisip niya. Hindi nuto alam kung sadya ba o coincidence lamabg ang lahat, ngunit madalas ay tama ang hinala niya. Una niya itong nalaman noong nawala ang ama niya. Pauwi diya galing sa pangangalakal noon nang maramdaman ang malakas na kaba. Halos manlambot si Harrison, ngunit hindi niya ininda iyon at hidni pinakita sa mga akssma na kinakabahan siya. Pagkauwi ay nagkakagulo na ang mga tao sa bahay nila dahil ang ama niya ay inatake sa puso na kalaunan din ay namatay. Pangalawa naman ay ang paggiba ng bahay nila. Dahil sa squatter lamang sila nakatira at walang permanenteng bahay, wala silang nagagawa kapag giniba ng gobyerno ang kanilang bahay. Mula noon ay nalugmok sina Harrison at Aling Martha, ngunit hindi sila pinanghinaan ng loob. Kaya imbis na matulog sa kalsada ay nagsumikap si Harrison at naghanap ng pwesto malapit sa basurahan, doon niya itinayo ang kanilang bahay ngayon. Napakaraming pagsubok ang pinagdaanan ni Harrison, ngunit iyon din naman ang nagibg dahilan kung bakit mas napatatag siya ngayon ng pagkakataon. Habang nagmumuni-muni, isang malakas na halinghing ang narinig ni Harrison. "Sssshhhh." Nagpalinga-linga si Harrison, ngunit sa dilim ay hindi niya iyon makita. Alam niya sa sarili na hindi iyon tao kaya naman agad siyang kumuha ng pamalo na ginawa niya kanina at mahigpit iyong hinawakan. "Shhhh..." Palapit nang palapit ang tunog. Iyon na yata ang malaking ahas na sinasabi nila ritong kumakain ng tao. "Huwag kang lalapit! Papatayin kita!" matapang na sabi ni Harrison, saka siya tumayo sa bato. "Shhh..." Nagpalinga-linga si Harrison, ngunit nang pagharap niya, biglang nanlaki ang mata sa kaniyang nakita. "A...Ahas!!!" sigaw niya nang makita ang isang dambuhalang ahas sa harapan niya na handa na siyang tuklawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD