"Anong ginagawa mo rito, Amara?" tanong no Policaroio, habang gulat na gulat pa rin si Amara na nakatingjn sa kaniya. Akala ng dalaga ay katapusan na niya, kaya nang makita niya ang kanyang tiyo Policarpio ay nahimasmasan siya kahit papaano. Mabilis siyang hinila ng tiyo tungo sa likod ng laboratoryo kung saan siya ang nakatokang magbantay ngayon.
"Alam mo bang delikado ang magpunta rito? Sino ang nagturo sa iyo sa lugar na ito?" sunod-sunod nitong tanong.
Hindi makapagsalita si Amara at paulit-ulit na inaalala ang mga nakita sa loob. Nakatingin lamang siya kay Policarpio, habang nangingjnig ang kaniyang kamay. Ngayon lamang pumasok lahat sa isip niya ang sinabi ni Harrison. Ibig sabihin totoo nga iyon at totoo nga ang pagbabalak ni Ginoong Roarke na patayin ang hari. Kailangan niyang tulungan ang kaibigan, ngunit hindi niya alam kung paano.
"Tiyo... Totoo bang papatayin ni Ginoong Roarke si Haring Montgomery?" tanong niya, imbis na sagutjn ang tanong sa kaniya ng tito. Hindi naman makaimik si Policarpio. Sa totoo lang ay matagal na rin niyang alam ang balak ni Roarke at nagulat din siya noong lumabas ang paslit na si Harrison sa seremonya at pinagkalat ang balak ng mga ito sa hari. Sa kabilang banda ay naawa din siya kay Harrison, dahil maswerte pa ito kung buhay pa si Harrison ngayon.
"Sagutin mo muna ang tanong ko, Amara. Sino ang nagsabi sa'yo ng tagong lugar na ito? Ang makulit bang si Harrison? Tsaka bakit ka nagpapaniwala sa kaniya? Gusto mo rin bang ikulong ka nila sa Calais? Alalahanin mo, Amara. Ang sinumang nakapasok na foon at wala ng tiyansang makalabas," dire-diretsong paliwanag nito.
"Pasensya na, Tiyo. Ngunit gusto ko lamang tulungan ang kaibigan ko at si Haring Montgomery, alam naman nating maraming naidulot na maganda ang hari sa pamumuhay natin, kaya hindi ko maaatim na papatayin na lamabg siya ni Ginoong Roarke, dshil gusto niyang siya ang pumalit at maging hari sa Magindale," matapang na pahayag ni Amara.
"Nahihibang ka na ba?" pagalit na sabi ni Policarpio. Kita na rin ang inis sa kaniyang mukha dahil sa pamumula nito. Bumubulong na lamang djn siya dahil baka marinig siya ni Mudler na nasa loob ng laboratoryo. Siya kasi ang inasinta na magbantay rito, dahil akramihan sa mga kawal ay lasing na at hindi makapag trabaho. Mabuti na lamang at si Policarpio ang nagbabantay, kung hindi ay baka nahuli na rin si Amara.
"Tutulungan mo ang kaibigan mong iyon? Alam mo kung gaano kapanganib si Ginoong Roarke, Amara. Kahit ikaw ay walang magagawa t para mo na ring inalay ang buhay mo kapag ginawa mo iyon." Umupo si Policarpio sa simentong upuan at naging seryoso ang pananalita. "Kahit kami ay hindi namin gusto ang gagawin ni Ginoong Roarke ngunit wala kang magawa dahil tapos na. Mamaya lamang o bukas ay idedeklara ng patay ang hari. Nakakalungkot lamang, dahil limampung taon na siyang namumuno sa Magindale at masasabi kong napakaswerte natin sa kaniya. Sa pagiging sakim sa kapangyarihan ni Ginoong Roarke ay nagawa niya ito."
Tumingin si Amara sa kaniya nang makahulugan. "Kung ayaw ninyo sa nais ni Ginoong Roarke, bakit hindi kayo nag-aklas? Bakit hinayaan niyo na lamang siyang lasunin ang hari?"
Bumalik ang tingin ni Policarpio sa kaniya. "Dahil sabik din sa kapangyarihan ang ibang mga kawal, Amara. Iyon ang hindi ninyo alam. Iilam lamang kaming malugod na nagmamahal kay Haring Montgomery at ang iba ay boto kay Ginoong Roarke, dahil nangako ito na ang bawat isa sa amin ay hindi na magiging kawal. Magiging sibilisado na rin ang ating lugar. Magiging laganap ang paghihimagsik ng kapangyarihan. Kaya natatakot na ako para sa mangyayari bukas at sa mangyayari sa kaibigan mo."
Napalukot ang mukha ni Amara dahil hindi niya maintindihana ng nais ipahiwatig sa kaniya ng tiyo. "Maayos lang si Harrison doon, pinakain ko na siya at wala namang Nakee sa paligid," aniya.
Tumawa nang bahagya si Policarpio. "Ang batang iyon, napaka weirdo. Noong una ay nakita namin siya sa burol. Ang sabi niya sa amin ay galing siya ng ibang nayon at halos pangalan ng ating hari ay hindi niya kilala. Ngayon naman, binuwis niya ang buhay niya para lamang ipangalandakan sa mga tao rito sa Magindale ang balak ni Ginoong Roarke. Ibang klase..." natatawang sambit niya.
Lalong kumunot ang noo ni Amara sa tinuran ni Policarpio. "K..kilala ninyo si Harrison?"
Tumango siya. "Oo. Isang beses ko na siyang nahuling pagala-gala sa burol. Buti na lang at ako ang nakakita sa kaniya. Naiinis pa nga ako noon dahil napakarami niyang tanong na akala mo ay hindi talaga siya taga rito."
Napaisip na naman si Amara. Ganoon din si Harrison sa kaniya. Hindi kaya tama lahat ng siansabi nito at kinukwento?"
—
HARRISON POV
WALANG magawa si Harrison kung hindi ang tumakbo at tumalon kung saan ang maaaring takbuhan, habang mabilis siyang hinahabol ng Nakee. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita na ang tinutukoy nilang ahas dito ay kalahating tao, kalahating ahas. Kung sa palabas ay napakaganda ng babaeng may kakambal na ahas, dito ay mukha itong engkanto, dahil sa kulay nitong berde. Mulat ang mga mata at napakahaba ng puting buhok. Mukhang wala itong isip, dahil kahit anong pakiusap ni Harrison ay hindi ito tinatablahan.
Nakailang dasal na rin siya ngunit walang sumaklolo sa kaniya. Sumisigaw na rin siya at nagmamakaawa kung may nakakarinig, ngunit wala pa rin talaga.
"Please, ayaw ko pang mamatayY—" Tatakbo pa sana si Harrison, ngunit nasa dulo na siya ng madilim na silid. Kitang-kita niya ang pamumula ng mata ng Nakee, kaya ams lalo siyang natakot. Para itong demonyo na nagkatawang hayop. Sa buong buhay niya sa pangangalakal ay ngayon lamang siya nakatagpo ng ganito kalaking ahas. Halos sakupin na nuto ang buong silid.
"Tulong..." bulong niya sa sarili habang nangangatog ang kaniyang paa sa takot. Kahit malamig ang paligid ay nagpapawis pa rins iya ng buo-buo. Ngayon pa lamabg niya naintindihan ang pagkatakot ni Amara da lugar na ito.
Ang buong akala niya ay isa lamang malaking ahas ang nagbabantay rito, ngunit hindi lamang pala isang ahas, kung isang tao rin.
"B—balita ko, mabait ka?" Pilit kinakalma ni Harrison ang kaniyang sarili, habang mahigpit pa ring hinahawakan ang tuyong sanga. "Hindi mo ako kakainin diba?" dagdag nito habang palapit nang palapit sa kaniya ang dila ng ahas. Napapapikit na lamang siya nang dumampi sa pisnge niya ito.
Parang lagari sa talim at lubid naman sa haba ang dila ng ahas. Napapikit na lamang siya at nagsimula nang magdasal para sa kaniyang kaluluwa. Naririnig niyang nag-iingay na ang ahas, kaya nagpaubaya na siya. Siguro nga ay hanggang dito na lamang ang buhay niya at wala na siyang magagawa.
Huling inalala na lamang niya ang kaniyang ina at pinagdasal niya ito na sana ay gumaling na at magkaroon ng sapat na pagkain sa araw-araw. Habang nakapaikit at nagdarasal, naririnig niya ang pagkalam ng sikmura ng ahas pati ang pag-iingay nito. Ganiyan din ang naririnig niya noon sa mga ahas na nahuhuli niya sa basurahan. Halatang gutom na gutom sa lamang loob ng tao.
Muling inalala ni Harrison sina Amara. Ang pagsasakripisyo ng ina sa kaniya, kaya napaigting siya ng hawak sa kahoy at susubukan sanang paluin ng malakas ang ulo ng ahas, ngunit pagbukas ng kaniyang mata, halos maluwa ito sa kaniyang nakita.
Naging hati ang ulo ng ahas!
At sa likod niyon ay dalawang lalaki ang gumawa. Hawak nila ang matulis na kutsilyo, habang ginigilitan ang leeg ng ahas. Dumasanak ang kulay berdeng dugo sa kanilang kamay, ngunit imbis na matakot at nagtatawanan pa sila ngunit wala iyong boses.
Pagkabagsak ng ahas ay saka naman tumingin ang dalawa sa kaniya. Sa pananamit ng mga ito, mukha silang Caballero. Mayroon silang maayos na pananamit, may dalang espada habang makapal ang swelas ng sapatos.
"Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaking may kulay tsokolate ang buhok. Nakangiti ito kahit na may mantsa pa ng dugo sa kaniyang kamay at mukha. "Passnsya na ha? Hindi naging presentable ang hitsura namin habang nagpapakilala kami sa iyo," wika pa nito habang tatawa-tawa. Natawa na rin ang kaniyang kasama.
"S..salamat. Pero sino kayo?" takang tanong ni Harrison habang hindi pa rin siya makapaniwalang buhay hanggang ngayon.
"Hindi mo ba muna tatanungin kung ayos lang kami?" pabirong saad naman ng isa na ang buhok ay animoy tumigas na dahil nakataas ito. Maamo ang kaniyang mukha ngunit mas presentableng tingnan ang kaniyang kasama.
"Pwede bang mamaya na kami magpakilala? Halika! Sumama ka sa amin at ililigtas ka namin dito," pahayag ng lalaking may kulay tsokolateng buhok.
"P—pero..." aalma pa sana si Harrison, ngunit hinila na siya ng dalawa, kaya nagpatangay na lamang siya.
Sumuot ang grupo ng mga caballero sa madilim na parte ng Calais. Hindi alam ni Harrison na may sikreto palang daan dito. Kung mas maaga lamang niyang nalaman ay siguro kanina pa siya nakatakas ay hindi na naabutan ang nakakatakot na Nakee.
"Balita ko binunyag mo raw ang plano ni Ginoong Roarke kay Haring Montgomery?" tanong ng lalaking may hawak sa kaniya.
"Oo, Victor! Bilib nga ako sa batang iyan, biruin mo, sa harapan pa talaga ng hari!" sabay tawanan nilang dalawa.