NANG makaalis na sila sa Calais ay laking gulag ni Harrison nang dumaan sila na masukal na gubat. Doon ay binitawan na siya ng lalaking may kulay tsokolate ang buhok. Takang-taka siya kung saan ng dako ng Magindale ang kanilang natakbuhan. Mabuti na lang at hindi sila nakita ngnilang mga kawal sa labas, kung hindi ay baka silang tatlo na ang ikulong sa Calais kung magkataon.
Nang magsimula na silang maglakad, noon lamang nagkaroon ng tiyansa si Harrison na magsalita. Tila nawala na ang kaba na kaniyang nararamdaman kanina pa at mukhang napanatag na ito mula nang niligtas siya ng dalawang caballero. Inaalala na lamang niya ngayon ay ang kaibigan niyang si Amara. Sana lang ay maayos siyang nakabalik sa palasyo mula sa laboratoryo.
"M...maraming salamat sa inyo," pautal-utal pang saad ni Harrison, dahil ramdam niya pa rin ang hiya hanggang ngayon.
"Nako, wala iyon! Heto kasing si Lorenz e, napakatagal. Mabuti at naabutan ka pa naming buhay!" tatawa-tawang saad ng isa. Ngayon ay alam na ninHarrison kung ano ang pangalan ng caballero na puno ng wax ang buhok. Siya si Lorenz.
"Siya nga pala, Ako si Victor at siya naman si Lorenz... ang kababata ko."
"Ako naman si...Si Harrison," pakilala ni Harry sa kanila.
"Nako, huwag kang mahihiya sa amin," wika ni Victor. "Pareho lang tayong alipin dito. Ang kaibahan lang, kami ang tagapagtanggol sa Hari," paliwanag niya.
"Tama!" sang-ayon naman ni Lorenz. "Mabuti na lang talaga at naabutan ka pa naming buhay. Nabalitaan kasi namin ang pagsisiwalat mo ng lihim ni Roarke. Grabe! Ang tapang mo," papuri pa niya.
Napayuko sa hiya si Harrison. Ramdam na rin niya ang pamumula sa kaniyang mukha, hidni kasi siya sanay sa papuri mulang noong bata siya. Kung hindi kasi siya inaasar at wala namang sumasang-ayon sa kaniyang gusto o balak.
Napansin naman kaagad ni Victor na hindi makakibo si Harrison, kaya ang ginawa niya ay nilapitan niya ito saka inakbayan.
"Kaya nga, Harrison! Kahit kaming mga caballero ay hindi namin magawa ang ginawa mo kay Ginoong Roarke. Dahil doon, gusto ka naming isali sa aming hukbo. Ang kaso lang... kailangan mong sagutin ang aming katanungan."
Napatingin si Harrison sa dalawa. "Anong katanungan?"
Mas binilisan pa nila ang paglalakad. "Basta! Halika at isasama ka namin sa aming lungga. Sigurado ay matutuwa ka roon at matututo."
—
DAHAN-DAHANG pumasok sa kwarto si Amara at pinipigilang mag-ingay habang tinitingnan ang mahimbing na natutulog na si Celia. Ala una na kasi ng madaling araw mula ng makabalik siya ng palasyo. Pinauwi na rin siya ni Policarpio, dahil delikado na at baka mahuli pa siya ng ilang mga kawal.
Marahan siyang umupo sa kaniyang higaan. Sa totoo lang ay hindi pa jnaantok si Amara, iniisip pa rin niya kung kumusta na si Harrison ngayon sa Calais. Lagi kasing banggit ng kaniyang Tiyo Policarpio na baka bukas lamang ay wala na ang kaniyang kaibigan, lalo na't matagal na ring panahon bago nakatikim ng lamang loob ng tao ang Nakee.
"Sana maayos lang siya roon," dasal niya habang nakatingin sa kanilang bukas na bintana. Bigla namang umihip ang malamig na hangin, kaya nagtindig ang balahibonniya sa katawan. Tumayo siya at akmang isasarado na iyon, ngunit biglang nagsalita ang Tiya Celia niya dahilan upang magulat siya.
"Saan ka galing?" tanong nito.
Dahan-dahang humarap si Amara habang kagat ang ibabang labi niya. "Sa labas lang ho Tiya, sinamahan ko lang ang ibang alipin na magligpit," palusot niya.
"Siguraduhin mo lang, Amara. Kapag nabalitaan ko pang pinupuntahan mo ang Harry na iyon sa Calais, malilintikan ka. Isang beses ka ng napahamak ng binatang iyon, baka nakakalimutan mo?" pagbabanta nito.
Sinara muna ni Amara ang bintana at nilihis ang kurtina.
Ngumiti siya kay Tiya Celia "Huwag kang mag-alala Tiya. Alam ko naman po ang ginagawa ko," sagot nito saka na humiga.
Hindi niya alintana kung ilang beses na siyang napahamak dahil kay Harrison. Mas naging matatag ang kanilang pagkakaibigan ngayon, dahil alam niya sa sariling mapagkakatiwalaan na ito. Ngayon pa lamang din pumapasok sa isip niya na totoo lahat ang sambit ni Harrison sa kaniya at simula bukas kapag dinalaw na siya at wala na iyong kaakibat na pagdududa.
Ang kaniyang Tiya Celia ay mayordoma sa palasyo. Katiwala siya ng hari pagdating sa palasyo, kaya naman laking gulat niya nang may ibinunyag si Harrison na seryosong bagay ukol sa buhay ng hari. Hinding-hindi niya mapapatawad ang alipin na iyon sa paglapastangan nitos a mismong kaarawan ni Montgomery. Malapit na magkaibigan ang dalawa, ngunit nang dumating si Roarke sa palasyo ay kinuha nito ang loob ng Hari, at kalaunan ay pinagbawal nitong huwag ng lumapit si Montgomery sa kanila, dahil sa kadahilanang hindi nababagay si Montgomery sa estado nila bilabg isang alipin.
May halong pagtataka, pagdududa at awa ang nararamdaman sa ngayon ni Celia. Hindi jiya alam kung dapat nga ba niyang paniwalaan si Harrison? O dapat ibasura na lamang iyong sinabi niya?
Bahala na.
Napakibit balikat na lamang si Celia at tumalikod kay Amara na nagkunwari namang tulog na.
Si Amara naman ay nagbabalak gumising ng maaga bukas dahil bibisitahin pa niya si Harrison sa Calais. Iniisip niya kung anong pagkain ang dadalhin para sa kaibigan at kung paano siya makakalusot sa mga kawal na nagbabantay doon. Paniguraod ay bukas darami na naman ang pakalat-kalat na kawal sa palasyp dahil tapos na ang seremonya.
Hindi namalayan ni Amara na dahil sa kaniyang kakaisip ay unti-unti nang pumipikit ang kaniyang mata at mahimbing na rin siyang nakatulog. Maswerye si Amara dahil inampon siya ng kaniyang Tiya Celia. Nakakahiga siya nang maayos sa kaniyang sariling higaan at may sapat siyang kasuotan. Hindi tulad ng iba niyang kasamahan na alipin. Naroon sila sa isang malaking kwarto at dikit-dikit matulog. Halos wala ring pumapaosk na hangin sa loob niyon, kaya sa tuwing nakikita ni Amara iyon ay naawa siya, ngunit wala pa rin siyang magawa.
Ginawan na ng aksyon ng hari ang tulugan ng bawat alipin, ngunit ang sinabi ni Roarke ay hayaang magdusa ang mga alipin, dahil pinili nilang buhay iyon. Wala namang magawa si Haring Montgomery, kung hindi sundin na lamang ang payo ng kaniyang katiwala. Mabuti na lamang nga at hindi siya pumayag na hayaan na lamang pakalat-kalat ang mga alipin sa labas.
Siguro ay kung mawawala lamang si Ginoong Roarke, doon lamang babalik ang lahat sa dati.
KINABUKASAN...
MAAGANG nagising si Amara upang maghanda sana ng pagkaing ibibigay niya kay Harrison ngayong araw. Mabuti na lamang at may tira pabg pagkain sa kusina, kaya kaagad niya iyong niluto at nilagay sa plastik. Kumuha rin siya ng kanin at lalagyan ng tubig, saka niya iyon pinuno.
Pagkatapos niya, nilagay kaagaf niya sa kaniyang bag ang mga dadalhon at saka na siya lumabas ng silid. Ingat na ingat siya sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa. Baka kasi mahuli siya ng kung sino mang kawal at isumbong kay Policarpio o Ginoong Roarke. Mas malala ang kahihinatnan niya kapag nalaman ito ng Ginoo, dahil ang balak nila kay Harrison sa Calais ay gutumin siya hanggang mamatay o ipakain na lamang siya sa nakee.
Malamig pa ang simoy ng hangin buhat sa labas kaya habang naglalakad ay napapayakap si Amara sa kaniyang sarili. Sa sobrang aga niyang umalis ay hidni pa rin sumisilip ang gawan sa gawi nila. Mas mainam na iyon, dahil kung mamaya pa siya aalis ay baka hulihin na talaga siya.
Nang malapit na siya sa Calais, patakbo siyang pumunta doon at masayang nilapag ang kaniyang bag sa sahig. Sinilip-silip pa niya kung mayroong kawal sa gilid o nagbabantay, ngunit nang walang siyang kasama, hinanap na niya sa loob si Harrison.
"Harrison!" tawag niya, ngunit hindi sumasagot ang binata.
"Harrison..."
Hinanap niya sa kaniyang mata kung nasaan si Harrison. Biglang nawala ang ngitinniya sa labi nang hindi makita ang kaibigan sa simentong upuan. Wala din siya sa gilid-gilid. Kahot kinakabahan ay nilakasan pa rin ni Amara ang kaniyang loob. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo, dahil baka nasa gilid lamang si Harrison o baka naman hindi siya naririnig.
"Harri—" Natigil siya sa pagtawag kay Harrison nang may marinig siyang yabag papalapit sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito, Ineng?" tanong ng isang pamilyar na boses.
Dahan-dahan siyang humarap habang nanginginig ang kaniyang tuhod. Nagdarasal siya na sana hindi si Ginoong Roarke iyon, ngunit nang humarap siya, matikas na katawan ni Ginoong Roarke ang bumungad sa kaniya.
"Dinadalaw mo ba ang kaibigan mo? Ang sabi sa akin kagabi ng mga kawal, nilapa na raw siya ng Nakee, kaya wala ka nang aabutan riyan."
Napatingala si Amara. Hindi maaari. Nagsisinungaling siya! Kagabi lamang ay nagkausap pa sila at busog na busog pa si Harrison sa dala niyang pagkain.
"P...po?" hindi makapaniwalang tanong ni Amara.
Lumapit sa kaniya si Ginoong Roarke. Parang may kakaiba rito. Ang awra na baon niya ay medyo gumaan, hindi tulad noon na halos hinfi ka makagalaw kapag papalapit ma siya sa'yo. Himala rin at nakangiti na siya ngayon.
"Ineng, bibigyan kita ng pagkakataon para bumalik sa pamilya mo. Umuwi ka na lang dahil wala ka ng aabutan dito." malumanay niyang saad.
"P..pero..." Aalma pa sana si Amara, ngunit biglang sumulpot si Policarpio. Ngayon niya rin naramdaman na nag-iba na ulit ng awra si Ginoong Roarke, kagat ang ibabang labi nito.
"Amara! Ginoong Roarke!" Yumuko si Policarpio saka nilapitan ang dalawa. "Humihingi po ako ng tawad. Hindi na po uulitin ni Amara ang nangyari."
Aalis na sana si Amara at Policarpio, ngunit biglang nagsalita si Ginoong Roarke.
"Ano, tiningnan niyo na ba kung patay na ang hari?" tanong niya.