KUMALAT na ang balita na pumanaw na ang Haring si Montgomery, pagkatapso ng seremonyo ng kaniyang kaarawan. Kahit nais mag-inbestiga ng mga taga roon ay hindi nila magawa dahil si Ginoong Roarke ang humahawak sa mga kawal at tao roon. Binigyan naman ng magandang himlayan ang hari, at nagsidagsaan na ang mga tao sa palasyo, ngunit kahit gayon, patuloy pa rin nilang hinahanap ang nawawalang prinsesa.
"Nahanap mo na ba si Prinsesa Hera?" tanong ni Policarpio sa kaniyang mga kasamahan.
"Hindi pa Policarpio. Pinag-ikot ko na rin ang iba sa gubat upang hanapin ang prinsesa." sagot naman ng mga ito. Halos magkagulo na sa palasyo nang mamatay ang hari, dahil sa hindi malamang dahilan habang ang prinsesa naman ay nawawala. Malaki na rin ang hinala ng mga tao roon na totoo nga ang sinasabi ni Harrison, ngunit sa ngayon ay hindi na nila ito mahanap. Ang iba ay nanghinala na na ito ay namatay. Ngunit ayon sa imbestigasyon, nakitang duguan at wala ng buhay ang kinakatakutang Nakee na nakakulong sa Calais. Hindi lamang iyon pinapabatid sa publiko ni Ginoong Roarke, dahil ayaw nitong masira ang kaniyang plano.
Bumalik naman sa palasyo si Policarpio upang ibalita na hindi pa rin mahanap ang prinsesa. Nakita naman niya si Ginoong Roarke sa silid ng Hari na dahan-dahang hinihimas ang kagamitan nito, habang hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.
Pagpasok ni Policarpio ay napatingin sa kaniya si Rparke at hindi pa rin mawala ang kislap sa kaniyang mata. "Policarpio! Anong kailangan mo?" masaya nitong tanong.
Yumuko muna si Policarpio upang magbigay galang. Nilunok niya rin ang namumuong alway sa kanyang lalamunan bago magsalita. "Ginoo—" Pagsasalita ni Policarpio, ngunit kaagad na pinutol iyon ni Ginoong Roarke at saka lumapit ito sa kaniya.
"Hindi na bagay sa akin ang salitang Ginoo, Policarpio. Siguro... mas mainam kung tawagin mo na akong Haring Roarke, ngayon din." Inikutan niya si Policarpio, habang binibigyan ng tusong tingin. "Ano sa tingin mo?"
Nakaramdam ng pangingilabot si Policarpio. Sa totoo lang ay alam na niya na ganito ang mangyayari, ngunit wala siyang sapat na kapangyarihan upang pigilan si Roarke sa kaniyang kasamaan. Isa pa, hindi siya makakilos ng maayos ayon sa kaniyang balak dahil alam niya sa sarili na maaring madamay ang kaniyang asawa na si Celia at si Amara.
"O..opo, Haring Roarke. Kinagagalak ko po kayong maging Hari at kayo po ay aming paglilingkuran ng buong buhay," saad ni Policarpio, ngunit s aloob-loob niya ay gusto niyang saksakin sa kaniyang dalang espada si Roarke.
Natawa naman si Roarke sa naging turan niya. "Mabuti naman kung ganoon. Bukas lamang ay dadalhin na natin sa huling hantungan si Montgomery, kailangan na rin nating hanapin ang prinsesa upang dispatsyahin."
Nawindang si Policarpio sa sinaad ni Roarke. Wala sa plano ang patayin si Prinsesa Hera lalo nat napakabait niyang bata. Halos lahat ng alipin at kawal dito ay mahal na mahal siya, kaya kahit siya ay hindi niya hahayaang mangyari iyon. Kung maaari ay kapag nahanap niya ang prinsesa, ilalayo na lamang niya ito, kaysa magaya pa ito sa sinapit ng kaniyang ama.
"I—ipapatay rin ninyo ang Prinsesa, Hari?" hindi makapaniwalang tanong ni Policarpio.
Naglakad pabalik sa upuan ng harinsi Roarke at nilagay niya ang palad sa kaniyang baba. "Wala ng silbe si Hera sa palasyo. Nais ko sanang ipalit ang anak ko at iluklok siya bilang Hari. Ngunit kung may maganda ka namang suhestiyon ay aking pakikinggan, Policarpio."
Imbis na sumagot ay umiling na lamang si Policarpio. Kailangan na niyang maunahan ang ibang kawal sa paghahanap kay Prinsesa. Hindi maaari ang balak nito. "May...ipapagawa pa po ba kayo, Haring Roarke?"
"Wala na. Maaari ka ng umalis at hanapin si Hera."
Tumqngo naman si Policarpio at mabilis na lumabas ng silid. Kailangan niyang mahanap ngayon ang Prinsesa. Kung maaari ay itatago niya ito sa kaniyang bahay upang hindi ito magaya kay Haring Montgomery. Kahit pa rinig niya ang samut-saring bulungan ng mga alipin sa palasyo tungkol kay Roarke ay hindi na niya ito inintindi. Mas mahalagang hanapin ngayon si Prinsesa Hera. Kung maaari ay hahanapin na rin niya ang makulit na batang si Harrison upqng makipagtulungan.
"Policarpio, tutulungan na kita—" Sumunod ang isang kawal sa kaniya, ngunit kaagad niya itong binawalan. Sumakay siya sa kaniyang itim na kabayo.
"Kaya ko na ito, Harox. Magbantay ka na lamang diyan sa palasyo at ako na ang hahanap sa prinsesa," usad niya. Tumango naman ang kasamahan.
—
SA kabilang dako naman, humahangos na pabalik ng kubo si Lorenz dala ang nakakalungkot na balita sa palasyo. Sinalubong siya nina Victor at ang kagigising pa lamang na si Harry.
"Anong nangyari? Bakit ka humahangos? Anong balita sa palasyo?" dire-diretsong tanong ni Victor. Kinakabahan na rin si Harrison dahil mukhang tama nga ang hinala niya.
"Patay na si Haring Montgomery."
Hindi makapagsalita ang dalawa. Bakas ang lungkot nila, ngunit mas nanaig ang tapang doon.
"Ayon sa doctor na nagsuri sa kaniya. Hindi raw dahil sa lason namatay si Haring Montgomery, inatake raw ito sa puso, dahilan upang siya ay mamatay."
Hindi naman makapaniwala si Harry sa paliwanag ni Lorenz, kaya bahagya siyang natawa. Alam niya sa sarili na nililinlang lamang ni Ginoong Roarke ang mga tao sa totoong nangyari, ngunit ang totoo ay nilason niya ito.
"Imposible. Magaling manlinlang si Roarke, kaya hindi nakakapagtakang napaniwala niya ang mga tao," aniya sa mga ito.
"Alam na naming mangyayari ito," sabat naman ni Victor.
Napatingin sa kaniya si Harry. "Alam? Paano?"
"Noon pa lamang ay nais na ni Ginoong Roarke ang maghari sa Magindale. Unang pasok pa lamang niya roon ay nakikita na niya ang kaniyang sarili na nakaupo sa trono at pinagmamasdang naghihirap ang mga tao. Sakim si Roarke, walang pinipiling edad, kasarian at estado sa buhay. Basta matipuhan niya ay pahihirapan niya o kung mamalasin ka, papatayin ka." paliwanag ni Victor.
"Dati ay hawak niya lahat ng Caballero sa Palasyo. Lahat kami ay sumusunod sa akniay, kahit minsan ay hindi na tama ang pinapagawa niya. Dumatinga ng araw na nagkaroon ng sakit ang isa sa amin, kaya hindi siya nakarating sa pagpupulong. Hindi iyon pinatawad ni Ginoong Roarke at sinabi nitong walang respeto ang aming kasamahan sa kaniya. Kahit anong pilit naming paliwanag na may sakit iyon ay hindi niya pinakinggan. Bagkus ay pinatawag niya ang kasamahan namin, saka niya ito pinatay sa harapan namin."
Halos manlaki ang mata ni Harrison sa ikinukwento ngayon ni Victor.
"Kaya ang iba sa amin ay nag-aklas," sabat naman ni Lorenz. "Simula niyon ay nagkahiwa-hiwalay na kami. Ang mga sumasamba sa kaniya, naroon sa palasyo at nagiging alipin pa rin niay, habang kami... heto nagkalat sa gubat iniisip kung paano namin siya mapapabagsak. Ngunit mas malabo na yata iyon ngayon dahil magiging Hari na siya ng Magindale.