KABANATA XVII: BAGONG HARI

1793 Words
MALUNGKOT ang lahat sa pagkawala ni Haring Montgomery. Ang lahat ay hindi makapaniwala sa biglaang paglisan nito. Mabilis ang pangyayari na kahit ang anak nitong si Prinsesa Hera ay hindi makapaniwala, kaya naman nagdesisyon itong hanapin ang lalaking si Harrison na umamin sa tangkang pagpatay sa hari nang kaarawan nito. Hindi mahanap sa buong palasyps i Prinsesa Hera, ngunit kalaunan din ay nahanap siya ng isang aliping nagngangalang Pedro. Umaga noon at napagpasyahang mangahoy ni Pedro sa gubat. Dahil abala ang lahat sa libing ng hari ay doon siya nakakuha ng tiyempo upang manguha ng kakailanganin sa labas. Habang abala siya s apangangahoy at pangunguha ng maaaring ulamin nila ng kaniyang pamilya at nabigla siya sa kaniyang nakita. Sa malalaking tuyong dahon, naroon at nakahiga si Prinsesa Hera. Nanlaki pa ang mata niya at akala nito ay guni-guni lamang ang kaniyang nakikita, ngunit nang nilapitan niya at sinuri ay si Prinsesa Hera nga ang nakahigang iyon. "Prinsesa Hera?" tawag nito, ngunit masyadong malalim ang tulog ng prinsesa, kaya hindi ito nagkakaroon ng malay. "Prinsesa Hera?" pag-uulit niya. Binitawan naman niya ang nakuhang tuyong kahoy at kinalabit si Prinsesa Hera. Sakto naman at agad itong nagising, nagulat pa siya nang tumambad s akaniya ang matandang lalaki na si Pedro. Umupo si Hera at bahagyang lumayo sa kaniya. "Ano po ang kailangan ninyo sa akin? K..kung isasama ninyo ako sa palasyo, ipagpatawad ko ho ngunit hindi ako sasama." Yumuko ang prinsesa. Nakaramdam naman ng awa si Pedro. Alam na niyang nasa wastong gulang na ang prinsesa upang magdesisyon sa kaniyang sarili, ngunit hindi niya maaaring pabayaan lamang dito ang prinsesa lalo nat napakaraming ligaw na hayop sa gubat. Nakikita niya ang kaniyang panganay na anak sa prinsesa. Kung siguro ay buhay pa iyon, tiyak na kasing tanda niya si Prinsesa Hera. "Huwag po kayong mag-alala, Prinsesa. Hindi ko po kayo kukuliting bumalik sa palasyo. Nakikiramay din po pala ako sa pagkawala ni Haring Montgomery, alam kong mahirap at masyadong mabilis ang pangyayari." Napatingin sa kaniya si Prinsesa Hera. "Oho. Kaya umalis alo sa palasyo dahil hindi ako mapakali. Animoy may gusto akong malaman. Hindi rin po kasi ako naniniwala sa doktor na tumingin sa aking ama bago siya mamatay. Napakalusog pa ng aking ama. Pagtapos ay bigla na lamang mamamatay. May hindi magandang nangyayari sa palasyo at kailangan kong malaman iyon," kumbisidong saad ni Prinsesa Hera. "Ngunit anong balak mo, Prinsesa? Masyadong mapanganin kapag nasa labas kayo ng palasyp. Mas mainam nang bumalik kayo roon at magpatulong sa mga akwal, upang hindi mag-alala sa inyo ang mga taong nagmamahal sa inyo." Umiling si Prinsesa Hera. Mataman siyang tumingin kay Pedro na animoy isa siyang buhay na batong walang makakatibag. "Mas mapanganib sa loob ng palasyo kung naroon si Roarke, Ginoo. Kailangan kong hanapin ang binatang lumantad noong seremonya. Kailangan ko siyang hanapin, makikipagtulungan ako. Alam kong marami siyang alam." Napahinto panandalian si Pedro. Ang pagkakaalam niya ay nasa Calais ang binatang si Harrison at lung hindi siya magkakamali, namatay na iyon sa mapanganib na Nakee. "Prinsesa, hindi bat nasa Calais ang binata?" Umiling ito. Parang nagkaroon ng bagong lumpiyansa sa sarili si Prinsesa Hera. "Narinig ko ang usapan nina Roarke at ng mga kawal. Nakatakas ang binata at ang Nakee ay napatay nito. Hindi ko alam kung paano, ngunit malakas ang loob kong matutulungan niya akong maresolba ang problema sa Magindale." "P..pero, Prinsesa..." hindi na nito natuloy ang kaniyang sasabihin nang biglang may sumulpot na tatlong kawal. Nakasakay sila sa itim na kabayo at papunta sa kinaroroonan nila. Tatayo pa sila sila at akmang tatakbo, ngunit huli na ang lahat. "Harox?" Napatingin si Prinsesa Hera sa gitna. Sabay-sabay namang bumaba ng kabayo ang tatlo at pinangunahan ni Haroz ang paglalakad patungo sa pwesto nina Hera at Pedro. "Prinsesa." Mapanusong tingin ang ipinukol niya rito. Siya ang isa sa katiwala ni Ginoong Roarke. Ang kawal na gahaman sa kapangyarihan, nais niya ring makuha ang titulo sa pagiging prinsipe, kaya naman ilang beses na niyang tinangkang ligawan si Prinsesa Hera, ngunit ilang beses niya rin itong tinalikuran. "Mabuti na lang at nahanap ka na namin. Alam mo bang nag-alala ako sa,'yo aking sinta?" Hinawakan ni Harox ang kaniyang kamay, ngunit kaagad naman itong winasiwas ni Hera. Naiinis siya sa tuwing tumitingin ng malagkit sa kaniya si Harox. Bukod sa pagkawala ng galang iyon sa kaniya ay umaasta rin itong kabiyak niya. Kung noong ay nakakapagsumbong pa siya sa kaniyang ama, ngayon ay hindi na niya alam ang kaniyang gagawin kapag hinawakan pa siya nito sa parte ng kaniyang katawan. "Huwag mo akong hawakan, Harox!" Inis na sambit ni Hera, kaya naman bumaling ang tingin ni Harox sa matandang si Pedro. "Mabuti na lang at nahanap mo na ang prinsesa, Tanda. Dahil diyan, gagantimpalaan ka namin mamaya pagbalik sa palasyo," isang mapanusong tingin ang binigay ni Harox kay Pedro, ngunit nagsimula na itong mangilabot. Alam ng mga alipin kapag si Harox na ang nagsalita. Bukod kasi sa pagiging mayabang niya ay ginagamit din niya ang kapangyarihang binigay sa kaniya ni Roarke para pumatay ng inosente. "Huwag na huwag mong gagalawin si Ginoong Pedro, Harox. Wala siyang aksalanan dito," pagbabanta ni Hera, ngunit hinigpitan lamang ni Harox ang pagkakahawak nito sa braso ni Herq, kaya naman napapangiwi siya sa sakit. "Tandaan mo, Hera. Wala na ang iyong ama at sa gusto o hindi mo, si Ginoong Roarke na ang magiging hari simula bukas. Maghanda-handa ka na, pag-isipan mong mabuti kung gusto mo pang maging prinsesa o isang alipin na lang." "Hinding-hindi ako papayag na sakupin ninyo ang lugar ng pamilya ko, Harox." Tinawanan lang siya nito at inakyat sa kabayo. Si Pedro naman ay isinakay na rin ng isang kawal sa kaniyang kabayo at sabay-sabay nila itong pinatakbo tungo sa palasyo. — SA kabilang banda, nag-iisip na ng plano ang tatlo kung paano mapabagsak si Roarke. Ngunit kahit anong dali ng kanilang iniisip, hindi pa rin ganoon kadlaing lusubin ang palasyo lalo na ang pabagsakin si Roarke. Kailangan nila ng matinding pagsasanay para doon. "Harrison?" tawag sa kaniya ni Lorenz, habang nakaupo sila sa upuan na gawa sa kahoy. Nabalitaan kasi nila na nagsisimula nang maghasik ng lagim si Roarke sa palasyo. Kalaunan din ay sasakupin na nito lahat ng lungsod at bayan dito sa Magindale. "Maari mo bang isalaysay kung ano ba talaga ang nakita mo? Upang maitimbang namin kung ano ang gagawin?" "May balak ka na ba, Lorenz?" tanong naman ni Victor. "Nakausap ko na ang iba nating kaalyansa. Nais din nilang gumawa ng pagpupiulong at oaghahanda. Alam naman nating lahat kung ano ang magiging patakaran, kapag hinayaan nating magharinang demonyong Roarke na iyan." Habang nag-uusap ang dalawa, bigla namang sumabay si Harrison, kaya naman bumaling ang tingin ng dalawa sa kaniya. "Sasabihin ko na ang lahat." aniya saka tumingin sa dalawa. Sina Victor at Lorenz naman ay handang makinig. Habang kinukwento ni Harrison ang pangyayari, may isang caballero naman ang dumating sa kanilang bahay. "Victor!" tawag nito sa labas, kaya natigil ang pag-uusap nilang tatlo. Saglit lamang na nagpaalam si Victor kina Harry at Lorenz saka nito kinausap ang Caballero sa labas. Pagbalik nito sa loob ng bahay ay may dala siyang puting envelop. Napatingin sina Harrison at Lorenz doon, nagkaroon ng malaking katanungan sa kanilang mukha. "Para saan iyan?" tanong ni Lorenz. Binuksan naman ni Victor ang sulat sa kanilang harapan at naglalaman ito ng... — HINDI pa rin makapaniwala ang mga alipin na pagkagapos ilibing ng harinay siya namang pag-anunsyo ni Ginoong Roarke na siya na ang bagong mamumuno sa Magindale. Karamihan ay umalma, ngunit wala na silang magawa kung hindi sumang-ayon na lamang. Ang mgabunang nanlaban ay pinakitaan ng dahas ni Ginoong Roarke at pinutol ang ulo sa harapan ng kanilang pamilya. Simula niyon ay tumigil na ang bulong-bulungan. Habang nagsasalita ang bagong Haring si Roarke sa kaniyang trono, si Amara naman ay nag-iisa sa sulok at iniisip kung talaga bang namatay na ang kaibigan si Harrison. Bumalik pa ulit siya doon kanina upang sana ay kumpirmahin at umaasa siyang buhay pa ang kaibigan, ngunit talagang wala na ito roon. Napansin naman ng kaniyang kakilala na si Shiela ang pagiging malungkutin nitong nakaraang araw ni Amara. Lahat sila ay nalulungkot sa pagkawala ng hari, ngunit mas doble ang nararanasan ni Amara ngayon. "Ayos ka lang ba?" tanong sa kaniya ni Shiela. Napatingala siya at hinarap ang kaibigan. Peke siyang ngumiti at tumango. Napasinghal naman si Shiela at sinamahan itong umupo sa sahig, habang nakatingin sa mga tao. "Alam ko hindi ka maayos, Amara. Iniisip mo pa rin ba iyong kaibigan mong naglapastangan sa Hari?" tanong nito. Malambing naman si Shiela. Mabait at palakaibigan, ngunit kung minsan, hindi lamang gusto ni Amara ang tabas ng bibig nito. Lagi niyang pinapaalala kay Shiela na hindi nasusukat ng kaniyang ganda ang kaniyang ugali kaya minsana ay tumatahimik lamang ito. "Shiela, sa tingin mo ba sa nangyayari ngayon lapastangan pa rin si Harrison?" pagbabalik niya ng tanong. Hindi naman makasagot si Shiela, nagkus at tumingin lamang siya sa likuran ng mga taong nasa harapan nila. "Madaling manghusga, Shiela. Sa ilang araw kong nakakasama si Harrison, halos hirap din akong paniwalaan siya, ngunit nang mapatunayan kong totoo ang mga sinasabi niya, doon ko mas lalong napaigting ang aming pagkakaibigan." "Paano mo naman nasabing totoo ang sinasabi niya?" Hindi maaaring ibulgar ni Amara ang kaniyang nalaman kahit pa kay Shiela. Sa ngayon, kailangan muna niyang hanapin ang kaibigan. Alam niyang matutulungan siya nito sa pagresolba ng problema sa palasyo. — "Ano, Harrison handa ka na ba sa ating ensayo?" pag-uulit ni Victor, nang makaapak na sila sa pikatuktok ng bundok. Hindi naman makasagot si Harrison. Napakalakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Halos hindi rin siya makahinga sa pagod habang patuloy na tumutulo ang kaniyang pawis. "H—hindi pa ba tayo nagsisimula nito, Victor?" tanong niya habang hinahabol ang kaniyang paghinga. Nagtawanan naman sina Victor at Lorenz. Hindi nila akalain na napakabilis hingalin ni Harrison. Halos pangalawang balik pa lamang nila sa bundok, ngunit si Harrison, mukhang hindi na niya maigalaw ang kaniyang mga paa. "Tandaan mo, Harrison. Ang pagsasanay na ito ay parte lamang ng ating pag-aaklas. Kapag natapos natin ang pagsasanay, maaari na nating talunin si Roarke at maibabalik na natin ang palayso sa dati," pagpapalakas ng loob ni Victor sa kaniya. Hindi naman siya makasagot. Limang araw na rin kasi simula nang matanggap ni Voctor ang sulat mula sa kanilang pinuno. Pinagsasanay ang lahat upang makapag-aklas na muli sa Palasyo, noong una ay ayaw sumama ni Harrison at sinabing babalik na lamang siya sa kaniyang pamilya, ngunit kalaunan nang pinabatid ni Victor sa kaniya ang kalagayan ng mga tao sa palasyo ay nakaramdam siya ng awa, kaya naman ay sumama na siya. Sinabi rin nila na si Harrison lamang ang magiging susi ng kapayapaan ng Magindale.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD