KABANATA XVIII: PAGSASANAY

1295 Words
KARAMIHAN ng mamamayan sa Magindale ay hindi sang-ayon sa bagong pamamahala ng Haring Si Roarke. Unang-una na doon ay dapat bigyan na ng sapat na pagsasanay ang mga batang lalaki na nasa edad lima hanggang dose anyos gulang. Kailangan nilang malayo sa kanialng pamilya at balang araw ay sila ang isasabak sa gyera. Ang mga babae naman sa palasyo ay magiging kasangkapan ng hari pati na ng mga kawal. Hidni sila maaaring umalma kung hihiramin sila ng kawal para kanilang asawahin. Kamatayan ang magiging karampatang parusa ng sinumang lalabag. Ang mga asawang lalaki naman ay pinapalabas ng madaling araw upang manghuli ng mababangis na hayop sa gubat. Ang sinumang mamatay sa pangangaso ay hahayaan lamang doon. Lahat ng isinagawang batas ni Haring Roarke ay walang sumang-ayon, ngunit kailangan nilang sundin ang lahat ng iyon upang magtagal ang kanilang buhay. Isang taon na rin ang nakakalipas simula nang siya ay mamuno. Lalong gumulo ang palasyo at maging ang mga bata ay nadamay sa kaniyang pagiging marahas. May iba namang nagtangkang umalsa at mag-aklas sa kaniya, ngunit hindi ito nagtagumpay at sa huli ay kinitil din ang kanilang buhay. Si Prinsesa Hera naman ay mas pinili na lamang ding maging alipin, kaysa sumunod sa ipinag-uutos ni Roarke. Habang abala sila sa pagpunas ng sahig, nagulantang ang mga kababaihan nang biglang matumba si Prinsesa Hera, habang siya ay may hawak na basahan. "Ang prinsesa!" sigaw nila, tsaka ito pinuntahan. Kitang-kita ang paglubog ng kaniyang mata dahil sa pagod, ang pagbagsak ng kaniyang katawan pati na ang kaniyang sarili ay napabayaan na. Sa sobrang pagod ni Prinsesa Hera ay nawalan siya ng malay. Mabuti na lamang ag mayroon pang iilan na kawal ang mabait at binuhat ito saka dinala sa silid ng mga alipin. Sumunod naman si Celia na siyang pinakamataas sa mga alipin. Sinuri niya ang kalagayan ninPrinsesa Hera at wala siyang magawa kung hindi ang malungkot. Inihiga si Prinsesa Hera sa kaniyang kama. Habang si Celia naman ay kumuha ng palanggana sa lababo at nilagyan niya iyon ng maligamgam na tubig at kumuha ng puting bimpo. Binuksan din ni Celia ang bintana upang kahit papaanonay pasukan ng hangin ang silid at makahinga na nang maluwag si Prinsesa Hera. Habang hinihilamusan niya ang prinsesa, nakita niya ang pamamayat nito. Hindi tulad noon na isang mayasahing prinsesa si Hera. Palangiti rin ito sa kahit sinong nakakasabay niya, ngunit ngayon ay halos hindi na makita kahit katiting da ngiting iyon. "Alam ko ang dinadala mong kalungkutan, Prinsesa." Panimula ni Celia, habang pinupunasan ang mukha ng prinsesa. "Alam ko ring... nahihirapan ka pa sa pagkawala ng iyong ama. Isang taon na ang nakakalipas simula nang iwan niya tayo, ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang ngiti niya sa tuwing napapatingin ako sa paligid ng palasyo. Ang masayang alaalang naiwan niya sa atin ay iyon na lamang ang nagpapalakas sa loob ng bawat isa." Hindi mapigilan ni Celia na maluha. Ilang araw na rin kasi silang walang kain, dahil wala pa ang hari. Ganito lagi ang ginagawa sa mga alipin. Hanggat wala ang harinay hindi sila maaaring gumalaw ng kahit anong pagkain. Kaya minsan, ang ginagawa na lamang ni Celia ay nakikiusap sa isa sa mga kawal na ikuha sila ng kahit anong gulay sa labas ng palasyo, upang ito ay lutuin. Dahil sa paraang iyon, lahat sila ay nakakakain. Nawalan ng malay si prinsesa dahil wala itong gana kanina. Wala ding laman ang kaniyang tiyan at iniinda nito ang kaniyang ulo na nananakit. "Bilib ako sa iyo, prinsesa. Sa kabila ng dinaranas nating pagsubok, mas minabuti mong makisama sa aming mga alipin kaysa ang samahan si Roarke." Araw-araw pinapanalangin ng mga taga Magindale na sana isang araw ay iligtas sila mula kay Roarke, ngunit ang iba ay nawalan na ng pag-isa. Pero kahit ganoon ay patuloy pa ring nagdarasal si Celia na sana balang araw ay matapos din ang lahat ng kanilang paghihirap. Pinapahanap din niya sa asawang si Policarpio ang binatang si Harrison. Nais niya itong makausap, dahil alam niyang ito lang ang makaktulong sa kanila sa palasyo. Alam din niya na hindi ito namatay sa Calais at niligtas ng hindi kilalang mga tao, nagpapasalamat pa rin siya dahil kahit papaano ay sumilay ang pag-asa para sa kanila. "Kung sanang naniwala lamang kami noon sa batang si Harrison, sana ay inilayp na namin si Haring Montgomery kay Roarke. Kung sana... sana buhay pa ngayon ang kaibigan ko, buhay pa ngayon ang ama mo." — "V...Victor? Kailangan ko...ba talagang buhatin ang lahat ng ito?" dalawang beses na inulit ni Harrison ang tanong na iyon kay Victor. Pinafala kasi sa kaniya ang isang malaking bag na punong-puno ng malalaking tipak ng bato. Habang sina Victor at Lorenz naman ay nakasakay sa itim na kabayo upang samahang unakyat sa bundok si Harrison. Napasinghal na lamang si Victor at tumingin kay Harrison. "Harry, ilang beses mo ng tinanong iyan. Isang taon na tayong nagsasanay, pero wala pa rin akong pagbabagong nakikita sa pagkatao mo," may halong pagkainis ang boses nito. Wala namang magawa si Harrison kung hindi paika-ikang buhatin sa kaniyang likuran ang bag na may bato. Nakaramdam naman ng awa si Lorenz, kaya bago sila magsimula ay inabutan niya ng tubig si Harry. "Pagpasensyahan mo na si Victor." Saad niya, habang tintingnan si Victor na papalayo na. "Napagalitan lang siya ni Pinuno, kaya ganyan. Hayaan mo at pagkatapos niyan, maari ka ng magpahinga. Ganyan din kami noon, bago nila kami isabak sa gyera, gusto lang din ni Victor na maging malakas ka, upang hindi ka na nila basta-basta maapakan." Ginawa na lamang motibasyon ni Harry ang sinabing iyon ni Lorenz. Kahit napapangiwi siya sa sakit ay ininda na lamang niya iyon. Kalkulado na niya ang oras ng pag-akyat at mula sa ibaba, pataas ay dalawampung minuto ang magagamit. Habang naglalakad sila, upang hindi gaanong indain ni Harry ang bigat na kaniyang dinadala, sinabayan siya ni Lorenz at kinwentuhan. "Pagkatapos ng misyon mong iyan, sigurado ipapahawak na sa'yo ni Victor ang espada at iyon na ang susunod mong misyon. Ang pag-aralan ang paghawak at paggamit niyon." Nanlaki ang mata ni Harrison at bigla siyang nabuhay. "T—totoo? Pangarap ko ang humawak ng espadang tulad ng sa inyp!" masaya nitong sabi. Bahagya namang napangiti si Lorenz. ",Kaya bago matapos ang linggong ito, kailangan mo ng maging malakas. Bukas ay mas mahirap pa ang kakaharapin mong pagsubok. Pero alam ko namang kakayanin mo, isipin mo na lang na para sa Magindale ang ginagawa mo at ikaw ang inaasahan ng lahat." Napangiti nang mapait si Harry. Muli na naman niyang naalala ang kaibigang si Amara. "May problema ba?" tanong ni Lorenz nang mapansing nag-iba ang awra nito. Umiling si Harry. "Naalala ko lang ang kaibigan kong si Amara. Sana ay maayos lang siya doon. Lalo nat nalaman natin ang nangyayari sa loob ng palasyo." "Oo, nakakalungkot ang nabalitaan natin, Harry. Pero kailangan nating maging matatag. Nalulungkot lang din ako para s amga musmos na bata. Hindi pa nila alam gumamit ng mga armas, ngunit napipilitan silang mag-ensayo. Ang iba doon ay hinahanap pa ang kanilang magulang, ngunit hindi na nila makita pa." Tama ang sinasabi ni Lorenz. Lahat ng balitang nangyayari ngayon sa palasyo ay nakakarating lahat sa kanila. Kaya din pinag-iigihang mag-ensayo ni Harrison, uapng maligtas ang mga tao doon, lalo na ang kaniyang kaibigan na si Amara at si Prinsesa Hera. "Ano ba kayong dalawa diyan! Napakatagal ninyo!" sigaw ni Victor na nasa taas na ng bundok. Napangiti na lang si Lorenz nang makita na naman ang magkasalubong na kilay nito. Ang dalawang magkaibigan na madalas magkaaway. Natutuwa na lamang si Harrison kapag inaasar ni Lorenz si Victor na Halimaw. "Oo! Heto na!" sigaw ni Lorenz pabalik saka tumingin kay Harrison. "Tara na, Harrison. Tinatawag na tayo ng halimaw!" anito saka tumawa pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD