KABANATA XIX: TRIBO

1697 Words
NANG makarsting na sila sa tuktok ng bundok, halos hinahabol ni Harrison ang kaniyang hininga sa pagod. Wari mo'y nakipagtagisan siya sa isang kuneho na napakabilis tumakbo. Sa pagod niya ay napaupo na lamang siya sa mga tuyong dahon, habang sina Victor at Lorenz naman ay pinagmamasdan lang siya. "Wala pa iyan sa kalahati ng ensayong ginawa namin bago kami maging caballero, Harrispn." paliwanag ni Victor. "Hndi mo dapat isiping mahirap ang ginagawa mo, dahil lalo ka lamang mahihirapan. Ang utak natin ang nagpapagana sa lahat. Kapag inisip mong mahirap, mas mahihirapan ang katawan mo." Pinunasan ji Harry ang kaniyang pawis at ngumiti nang bahagya sa kaniya. "Huwag kang mag-alala, Victor. Kaya ko ito, kaunting pahinga lang ang hinihingi ko. Napagdaan ko na ito noon. nang mangangalakal pa ako sa basurahan. Hindi lang siguro ako nasanay doon." "Teka..." napahinto sa pagsasalita si Harry nang sumabat si Lorenz. "Dati kang mangangalakal?" hindi nito makapaniwalang tanong. "P—pero paano ka nakarating dito? Ang alam ko ay trabaho iyon ng mga taga syudad, ibig sabihin galing ka doon?" Tumingin nang masama si Victor kay Lorenz. Nagiging mausyoso kasi ito at minsan ay hindi napipigilan ang kaniyang bibig sa pagtatanong. "Kahit saan pa siya galing, Lorenz. Ang mahalaga ay masanay na siya sa gawaing ito. Mahigit isang taon na nating ginagawa ang pagsasanay. Ilang buwan o taon na lang ang atkng gugugulin para sumugod sa palasyo, ngunit hindi ko pa rin nakikita ang lakas ni Harrison." Tama si Victor. Isang taon na nilang pinaggugulan ng oras si Harrison upang turuan sa pagsasanay. Ngunit hanggang ngayon ay kaunti pa lamang ang alam nitp. Tanging pag-iwas pa lamang sa suntok at pagtakbo ng mabilis ang kaniyang nakabisado. Ni hindi pa nito alam makipaglaban gamit ang espada at pana. "Pasensya na kayo," paunanhin ni Harry. "Kung hindi lang sana ako pumasok sa lugar na ito. Kung hindi ko lang sana ibinunyag ang lihim ni Roarke, di sana..." naputol ang sasabihin ni Harry nang suminghal si Lorenz. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, Harrison. Mas mainam na may alam ka sa balak ni Roarke, dahil doon nakakapagplano tayo nang maayos. At saka, hindi mo naman kailangang humingi ng tawad sa amin. Kami pa nga ang nagpapasalamat sa iyp dahil nabunyag din ang lihim ni Roarke noon. Iyon nga lang, hindi ka pinaniwalaan ni Haring Montgomery," paliwanag ni Lorenz. "Tama iyon," pagsang-ayon naman ni Victor. "Dahil diyan, mamayang pagkauwi natin ay isang libong talon naman ang gagawin ni Harrison." Nanlaki ang mata ni Harrison at sa pagod ay hindi na siya makaangal. Si Lorenz naman ay tatawa-tawa, kaya sinamaan siya nang tingin ni Victor. "P...pasensya na, Victor. Natatawa lang kasi ako, baka sa isang libong talon na gagawin ni Harry, bigla na siyang lumipad ha?" natatawa nitong sambit kaya hindi mapigilan ng dalawa na matawa rin. Basang-basa na ni Lorenz kung paano pagaanin ang sitwasyon, kapag nagsusungit si Victor. Naikuwento ni Lorenz kay Harry ang paglakaibigan ng dalawa. Bata pa lamang si Lorenz at Victor ay magkakilala na. Sa hilig nilang dalawa sa espada, lagi silang nagsasanay, gamit ang kawayan na nilagyan ng talim. Gawa iyon ng ama ni Victor, kaya tuwang-tuwa sila nang araw ma iyon. Lagi kasi nilang nakikita ang mga kawal na ginagamit ang espada sa pakikipagdigmaan. Nakikita rin nila kung paano sila sanayin ni Haring Montgomery, kaya iyon na ang kinalakihan nila. Pumasok sa isang hukbo o tribo ang dalawang magkaibigan. "Sigurado ka na bang sasali tayo rito?" tanong ni Lorenz kay Victor habang kinakabahan pa siya. Walang sabi-sabi ay sumali sa tribo ang dalawa. Nakilala nila ang pinuno ng tribo na si Ka Andoy. Si Ka Andoy ang tumulong sa kanilang mag-ensayo. Kahit nahihirapan sila ay hindi sila tumigil hanggang sa maabot nila ang rurok ng tagumpay. Ngayon ay isa na silang Caballero, ngunit sa kasamaang palad ay naging kaaaway sila ng Hari, dahil kay Roarke, kaya humiwalay ang kanilang tribo sa kanila. Nang makapagpahinga na si Harrison ay tumuloy na silang bumaba sa bundok. Kahut hirap ay hindi na alintana ni Harrison ang nakapasan sa kaniyang likuran. Tahimik lamang silang naglalakbay, hanggang sa magsalita si Victor na nahuling maglakad kasama ang kabayo nito. "Sumama ka sa amin mamaya Harrison." Napatingin si Harrison sa kaniya. "Saan? Hindi bat mayroon pa akong misyong gagawin? Mahirap ang isang libong pagtalon." "Nais kang makilala ni Ka Andoy. Gusto niyang malaman kung ano na ang napag-aralan mo habang nasa amin ka. Kung nakikita niyang wala ka pang pagbabago hanggang ngayon, baka mapilitan siyang ilipat ka sa ibang tribo at sila ang magsasanay sa iyo. Huwag ka rin mag-alala, bago umalis ay gagawin mo iyon." "T...teka! Hindi ako papayag doon," pag-alma ni Harrison. "Ayokonh malipat sa ibang tribo at sila ang magsanay sa akin. A...ayos na ako sa inyo. Kung ililipat man nila ako... hindi na ako magsasanay pa!" Natawa nang bahagya si Lorenz at mukhang may pinapahiwatig sa sinabing iyon ni Harrison. "Sana masabi mo rin iyan kay Ka Andoy mamaya, Harry. Kahit kami ay hindi namin iyon mapipigilan kapag siya na ang nagsabi. Ayusin mo na lang ang pagpapakitang gilas mamaya. Madalinlang hulihin ang kiliti ni Ka Andoy. Pakitaan mo labg siya ng isang bagay na sa buong buhay niya ay hindi niya pa nakita." "Tulad ng ano?" tanong ni Harrison. "Basta!" sabay nilang sabi saka nagtawanan. Mukhang alam na nila ang ituturo kay Harrison mamaya. Pagkauwi ng bahay ay nagpahinga muna ang tatlo. Habang umiinom ng tubig ay hinanda na ni Victor ang manipis na lubid na siyang gagamitin ni Harrison sa pagtalon. Maaga-aga pa naman, kaya aabutin siguro si Harrison ng alas sais y media sa labas mamaya. Pagkatapos nitong inihanda ay pinalabas na niya si Harrison. Hindi pa nakakapagpunas ng pawis ang isa ngunit pinahawak na sa kaniya ang magkabilaang dulo ng lubid. "Kailangan mong pakitaan si Ka Andoy mamaya, kaya kailangan tapusin mo ang isang libong talon sa loob ng isang oras. Dito lang kami, hihintayin ka naming matapos, bago tayo didiretso sa kuta nila," paliwanag ni Victor. Tumango na lamang si Harrison dahil wala na siyang magawa. Isa pa, iniisip niya na ayaw na niyang lumipat ng ibang tribo. Naging palagay na ang kaniyang loob sa dalawa, kaya gagawin na lamang niya ang iniuutos nito. Isa pa, sanay naman siya sa lahat ng hirap sa buhay, kaya siguro kakarampot lang na sakit ito sa katawan, basta lamang ay huwag siyang magutuman. "Handa ka na ba?" tanong ni Lorenz. Tumango lamang si Harrison at inumpisahan nang paikutin ang lubid, habang siya naman ay tumatalon ng bahagya. Sa una pa lang ay alam na ni Harrison ang teknik upang hindi agad mapagod. Mahina lamang ang pagbibilang niya, ngunit alam niya sa sariling nasa dalawampung talon na ang nagawa niya. Pagkaraan ng tatlumpu, biglang natisod sa batong maliit si Harrison, kaya napatigil siya sa pagtalon. Napatingin siya kay Victor at umiling-iling lamang ito. "Anong usapan kapag tumigil?" tanong ni Victor sa kaniya. Napayuko na lamang si Harrison. Ngayon pa siya nakaramdam ng pagod. "Ulit simula umpisa," sagot niya. Tumango lamang si Victor at nagpatuloy na si Harrison. Alas quatro treinta pa lamang, ngunit nakailang ulit na si Harrison. Sumusuko na ang kaniya g katawan, ngunit palagi ring sinasabi sa kaniya ni Victor na maaari siyang ilipat sa mas mahigpit at masama ang ugali na tribo kung hindi niya aayusin. Sa huli ay iyon din ang naging motibasyon ni Harrison, kaya nakarating siya sa dalawang daang hakbang. Isang oras na ang nakakaraan, nanginginig na ang tuhod ni Harrison at naninigas na ang kaniyang paa sa pagod. Nang maabot miya ang limang daang hakbang, bigla siyang napatigil at napahiga sa buhangin. Hindi na niya kaya ang pagod kaya nawalan siya nang malay. Naramdaman na lamang niya na binubuhat siya ng dalawa, bago tuluyang mawalan ng malay. — "Hindi bat sinabi kong punasan mo ang sapatos ko!" sigaw ni Haring Roarke kay Hera, saka nito sinipa ang kamay ng prinsesa. Napaupo si Hera sa sahig, kahit gustuhin man siyang tulungan ng ibang mga alipin o ng kawal ay wala silang magawa. Sa araw-araw nitong pagtatrabaho sa sarili nilang palasyo, nagiging malala ang pakikisama ng hari sa kaniya. Hindi naman kaagad sumusuko si prinsesa Hera, bagkus ay pilit siyang ngumingiti, kahit na ramdam na naman niya ang bagong pasa sa katawan. "Bakit ginasgasan mo ang mamahalin kong suot!" sigaw nito. Kaagad namang lumuhod si Prinsesa Hera upang humingi ng tawad. "Patawarin mo ako mahal na hari. Ngunit habang pinupunasan ko iyan kanina ay nakita ko nang may gasgas ang iyong sapatos," pagkukunwari ni Hera, ngunit ang totoo ay upang makabawi siya, nilagyan niya ng matigas na bagay ang basahan upang magasgasan ang makingab at itim nitong sapatos. Napapangiti na lamang si Hera habang nakayuko. "Kahit kailan wala ka talagang kwenta!" Napakibit na lamang si Hera sa takot nang sugurin siya ni Haring Roarke, ngunit kaagad silang pinigilan ng isang boses na paparating sa silid. "Mahal na Hari, huwag po!" pag-aawat ni Celia, saka kaagad pinuntahan si Hera at itinayo. "Pasensya na po kayo, mahal na Hari. Ngunit ang prinsesa ay hindi pa ganoong magaling sa kaniyang sakit. Ako na lamang po ang gagawa niyan pagkahatid ko sa kaniya sa silid." Wala namang masabi si Roarke. Isang malakas na buntong hininga at napahampas lamang ito sa gintong upuan. "Sige! Ilayo mo sa akin ang batang iyan bago ko pa siya mapatay!" "O..opo—" "Bilis!" Nang makalayo na ang dalawa, kaagad inalalayan ninCelia si Hera sa kaniyang silid. Kaagad naman nitong sinarado ang pinto at saka siya tumingin kay Hera. "Prinsesa... Paumanhin, ngunit nakita ko po ang ginawa ninyo kanina." Biglang nalungkot si Hera at saka binulaslas ang itim na basahang naglalaman ng matigas na bagay. "Pasensya na ho, aling Celia. Ngunit hindi ko lamang talaga maatim na... sinusuot ng ibang tao ang pag-aari ng aking ama. Kahit isang taon at ilang buwan na ang nakakalipas, hinding-hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa ng traydor na Roarke na iyan. Walang-wala ang mga sugat at pasa ko, kumpara sa gagawin kong paghihiganti." Hindi na nakapagsalita pa si Celia. Alam niya ang tinutumbok ni Hera, dahil kahit siya o sila ay napapansin din ang maling gawain ni Roarke, lalo na ang pakikialam nito sa gamit ng kaniyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD