KABANATA XX: PAGKIKITA

1748 Words
NANGINGINIG ang kalamnan ni Harrison nang matapos niga ang isang libong hakbang na pinapagawa sa kaniya ni Victor. Tuwang-tuwa naman siya dahil sa wakas, sa loob ng mahigit dalawang oras ay nagawa niya iyon. Parang pati siya ay bumilib sa kaniyang sarili. Ilang beses ma kasi siyang natalisod, nadapa, nagkamali ng hakbang at napahiga, ngunit palaging sinasabi ni Victor na kailangan niyang tumayo at ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa, kung hindi ay baka umulit na naman siya sa umpisa. Ngayon ay pare-pareho na silang nakabihis at papunta na sa pagpupulong na gaganapin sa lungga ni Ka Andoy. Nakasuot ang tatlo ng damit na may mahabang manggas habang pinarisan iyon ng maong na pang-ibaba. Dahil wala pang kabayo si Harrison na maaari niyang sakyan, sinama muna ito ni Lorenz. Silang dalawa ang nasa kabayo, habang si Victor naman ay nauna na sa paglalakbay. Dumidilim na ang paligid, kaya mabilis ang mata ni Harrison na magpalinga-linga sa paligid. Naging mabusisa na rin siya sa kahit anong gumagalaw sa mga tuyong dahon at imbis na katakutan niya iyon ay binubulaslas niya pa ang mga dahon, at saka niya tinitingnan kung ano iyon. Siguro sa isang taon ng pag-eensayo ni Harrison ay nakasanayan na niya iyon. Magandang katangian naman iyon sabi ni Lorenz at Victor dahil naoobserba na niya ang paligid, hindi tulad dati. Habang naglalakbay sila, muling nagtanong sa kaniya si Lorenz. "Kinakabahan ka ba?" tanong ni Lorenz sa kaniya kaya imbis na sa paligid ang tingin ni Harrison ay bumaling naman ang tingin sa kaniya. "Ah...eh, oo Lorenz. Lalo na't sinabi mo pang masungit Ka Andoy, baka hindi siya masiyahan sa hinanda kong surpresa sa kaniya." Natawa naman nang bahagya si Lorenz. "Huwag kang mag-alala, Harry. Basta kaming dalawa ni Victor ang nagsabi sa iyo, asahan mo na gagana iyan. Tsaka nasubukan mo naman na iyon nang nasa palasyo ka diba?" Naalala tuloy ni Harrison nang mapaamo niya si Milo, kasama si Amara. Oo, iyon ang balak niyang pagpapakitang gilas kay Ka Andoy. Nabanggit kasi nina Victor na may alaga ring mabangis na aso si Ka Andoy at susubukan niya iyong mapaamo. Simula daw kasi noon ay halos kahit balahibo ng aso niyang iyon ay walang makahawak. Panigurado din daw na kapag napaamo ni Harrison ang asong iyon ay baka matuwa pa ito sa kaniya at hindi na ilipat ng ibang tribo. "Oo. Kaso... baka tiyamba lang iyon, Lorenz. Hindi ko pa kasi nasusubukang magpaamo ng asong ulol..." nahihiya niyang sambit. "Asong ulol?" hindi mapigilang matawa ni Lorenz, kaya lalong napayuko si Harry habang unti-unti na rin siyang natatawa. Naisingit din ni Harry kay Loremz habang naglalakbay sila kung malayo pa ba ang kanilang pupuntahan. Ang sabi ni Lorenz ay kapag nakita na raw niya ang tuktok ng bundok Gini, sa ilalim noon, doon nakatayo ang bahay ni Ka Andoy. Hindi na nagtanong pa si Harry at hinayang tumakbo nang tumakbo ang kabayo. Makaraan lamang ng isang oras at kalahati ng kanilang paglalakbay, tumigil ang kanilang kabayo sa isang mataas na bundok. Nakita nila roon si Victor na naghihintay sa kanila. "Iyan na ba ang bundok ng Gini?" tanong ni Harrison. "Oo, kailangan muna nating pasukin ang gubat na iyan at sa loob ay may daan paakyat ng bundok, bago tayo makarating sa kanilang tirahan," paliwanag ni Lorenz. "Dito mo ipakita ang pagiging mapagmasid mo, Harrison. "Sabat naman ni Victor. "Madalas ay dito nakakatagpo ng mababangis na hayop. Kung hindi naman ay dito naglalagalag ang ibang mga kawal, ngunit kung maagap lang tayo, mabilis tayong makakarating sa tribo," aniya. "Halina kayo at mukhang tayo na lamang ang hinihintay doon," saka naman niya hinampas ang kabayo at ito ay tumakbo. Sumunod naman sina Harrison at Lorenz sa kanya. Nang makapasok na sila sa loob ng gubat, sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigkang nanindig ang balahibo ni Harrison, ngunit hindi niya iyon masyadong pinansin. Nakatingin pa rin siya sa paligid at umaasang wapa silang makakasalubong ni anuman sa binanggit ni Victor kanina. Habang palayo sila nang palayo, dumidilim na rin ng paligid hanggang sa hindi na nila maaninag ang isat-isa. Sumisigaw lamang si Victor upang ipabatid ang tamang daan. Mabutinna lang at sanay na si Lorenz sa gubat na ito, kaya naman kahit hindi na sumigaw si Victor ay alam na niya ang pupuntahan. Sa kanilang paglalakbay, biglang tumigil ang kabayong sinasakyan nina Harrison at parang nagwawala ito. Napilitang bumaba ang dalawa dahil nagsisimula nang magwala ang kabayo. Bigla namang binunot ni Lorenz ang kaniyang espada sa likuran, habang si Harry naman ay talas lamang ng mata ang kaniyang panlaban. Hindi na rin nila marinig ang sigaw ni Victor at ang tansya nila ay nakaakyat na ito sa taas. "Harrison, huwag kang lalayo sa akin! Panigurado, kung hindi mabangis na hayop ang nagtatago rito, isang kawal!" Babala ni Lorenz. Paglapit ni Harrison kay Lorenz ay bigla namang dinakma nito nang mahigpit ang braso ni Harry at sabay silang dumapa. Naramdaman na lamang nila ang paglapat ng palaso sa puno ng acacia na dapat sa kanila ay tatama. "Bwisit! Isang kawal!" inis na sbai ni Lorenz, habang hinila patungo sa malalaking damuhan si Harry. Kaagad nalaman ni Lorenz iyon, dahil sa tuwing naglalakbay sila tungo sa bahay ni Ka Andoy ay madalas silang makatagpo ng kawal na nagpapahinga sa gubat na ito. Sa ngayon ay kailangan na naman nilang kumitil ng buhay. Habang nakadapa silang lumalapit sa damuhan, biglang nasilayan ni Harrison ang apoy sa sigarilyong hinihithit ng kawal na sumusugod sa kanila. "Sa hilaga!" sigaw ni Harrison, sabay tapon na naman sa banda nila ng isang maliit na palaso. Pagkarsting nila sa matatas at makapal na damuhan, kinausap muna ni Lorenz si Harrison. "Magtago ka muna rito, Harrison. Ako na ang bahala sa gagong 'yan!" anito at saka tumayo. Hindi alam ni Harrison kung paano makakakilos si Loremz sa ganung kadilim na lugar, lalo nat mukhang pinaglalaruan pa sila ng mga ito. Isa...dalawa. Isa sa kanang bahagi at isa sa likuran ang nagbabantay sa kanila. Gustuhin mang tumulong ni Harrison, ngunit wala siyang armas na maaari niyang gamitin sa laban. Naalala bigla ni Harrison na magaling pala siya noon sa pambabato ng mga ibon sa taas ng puno. Kaagad niyang nakapa ang maliliit na bato sa ilalim ng tuyong dahon at tinansya ang layo ng kawal. Kailangan niyang linlangin ang lokasyon nito upang mapalapit sa kanila at mahuli ni Lorenz kahit isa man sa kanila. Kumuha ng limang maliliit na bato si Harrison at inumpisahan nang ibato iyon isa-isa. Nang una ay sumablay, dahil nakaharang ang malaking dahon sa kaniyang harapan. Sa pangalawang pagkakataon, ay natamaan na niya ito. Bahagya pang natawa si Harrison dahil may tunog pa ang bato pagkapukol niyon sa noo ng kawal. "Punyeta!" rinig pa niya nang magmura ang kawal. Sunod-sunod na niyang ibinato ang tatlo pang natitirang bato sa kamay niya. Bandang huli ay napilitan na siyang lumapit kay Lorenz na walang kamalay-malay. May dala din itong armas at nang dukutin na niya sa likuran ang espada at kumuha siya ng buhangin at isinaboy iyon sa mukha ng kawal. "Lorenz dito!" sigaw kaagad niya, kaya pagharap ni Lorenz ay isang kawal na nasa harapan niya. Walang anu-ano ay ginilitan kaagad niya ng leeg iyon, habang ang kasama naman nitong isa ay narinig nang kumaripas ng takbo. "Bwisit!" singhal ni Lorenz. Napatingin naman siya kay Harrison. "Salamat Harrison. Kung hindi dahil sa iyo, baka napuruhan na ako niyon. Mahina kasi ako kapag madilim, kaya hindi ko kaagad nakita. Bwisit talaga!" anito ulit. "Bakit? Napuruhan ka ba?" tanong ni Harry. "Hindi. Naiinis lang ako dahil walang araw o taon na hindi nadadaplisan ng marunmming dugo itong espada ko." Dumiretso naman sila sa pwesto ng kabayo at kaagad silang sumakay. Habang paakyat sa bundok, nagkwento naman si Lorenz ng kaniyang araw-araw na karanasan sa pagpunta dito. Madalas daw ay mababangis na hayop ang kaniyang nakakaharap, ngunit marami ding naliligaw na kawal dito. Iyong iba ay tumakas upang magpahinag, iyong iba naman ay naghahanap ng kanilang mabibiktima. Iyong iba naman, gusto lang nilang manghulinng Caballero, upang may maipakita kay Haring Roarke at sila ay gantimpalaan ng pilak. "Kaya hindi ko masisisi ang mga kawal sa pagiging silaw nila sa kayamanan," saad naman ni Lorenz. Nang nasa tuktok na sila ng bundok, kaagad napukaw ang atensyon ni Harrison ng mga ilaw sa ibaba. May mga kubo-kubo ang nakatayo roon. Sa gitna ay may malaking espasyo at nangingibabaw ang maliwanag na ilaw. "Malapit na tayo," bulong ni Lorenz, saka muling hinampas ang kabayo at mabilis itong tumakbo. Kung titingnan mula sa itaas ay mabilis lamang ang pagpunta roon, ngunit nang pababa na sila ay may masisikip pa pa lang daan papunta doon. Halos hirap na hirap ang kabayo sa paliko-likong daan, ngunit kalaunan din ay nakarating sila sa kuta ng kanilang tribo. Tumambad sa kanila ang mga caballero na nakahanda ang mga armas. Yumuko kaagad sila pagkakita kay Lorenz. Si Harry naman ay napayuko rin, dahil akala nito ay nagbibigay galang na sila sa tinatawag na ka Andoy. Biglang nahiya si Harry nang tawanan siya ni Victor mula sa di kalayuan. Napatingin sila pareho ni Lorenz doon at nakitang nagtatawanan sila. "B...bakit nagtatawanan sila? pabulong na tanong ni Harry kay Lorenz. Kahit si Lorenz ay hindi na rin mapigilan ang pagtawa. "Harrison, hindi ka na dapat yumuyuko sa kanila. Mas mataas ang antas natin sa mga baguhan, kaya huwag ka ng yuyuko," aniya at nauna nang maglakad. Nang makarating na sila sa kumpulan ng tao kung nasaan si Victor at ang iba pa, kaagad tinanong ni Lorenz kung nasaan na si Ka Andoy. "Nasa silid pa po at nagbibihis, Ginoong Lorenz" pahayag ng isa sa mga ito. Napatango-tango na lang silang tatlo. Habang naghihintay ay umupo muna sila Harrison sa upuang gawa sa kawayan, habang nagkukwentuhan ang iba tungkol sa mga nahuling ligaw na hayop sa gubat. Muli ay naalala ni Lorenz ang nangyari sa amin kanina, kaya ikinwento niya iyon sa mga kasamahan. "Kaya pala hindi ko na kayo makita kanina," wika ni Victor habang patawa-tawa pa. "Sa bagay, kahit naman makita ko kayo, hindi ko kayo tutulungan. Ayaw ko nang mabahiran nf maruming dugo 'tong espada ko 'no," pagyayabang niya. Habang abala sila sa pagkukwentuhan, bigla namang nagbukas ang malaking pinto sa gawing kanan. Tumahimik ang lahat habang nakatingin doon. Ang iba naman kaagad silang nakasaludo na animoy nagpupugay sila sa pinakamataas nilang ninuno. Mayroon na ring ideya si Harrison kung sino iyon at nang lumabas na ang isang maliit at matandang lalaki, alam na niya sa sariling si Ka Andoy iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD