KABANATA XXI: KA ANDOY

1670 Words
TAHIMIK ang lahat simula nang lumabas ang isang matandang lalaki na tingin ni Harrison ang taas nito ay nasa apat na talampakan lang. Puti na ang buhok nito maging ang kanyang balbas na hanggang leeg. May dala itong baston, habang ang kaniyang suot ay isang puti at mahabang damit. Nakakunot ang kaniyang noo na papalapit sa kanila. Bigla tuloy kinabahan si Hardison at ilang ulit na napalunok ng namuong laway sa kaniyang bibig. Habang palapit ito nang palapit sa kanila ay siya namang pangangatog ng paa ni Harrison. Nais niyang umurong, dahil pagkakita pa lang niya sa nakakunot na noo ng matamda ay nais na lamang niyang tumakbo pabalik sa kanilang tinitirahan, ngunit kahit anong isip niya ay hindi iyon maaari. Nang makalapit na sinKa Andoy sa kanila ay nagbigay galang naman sina Lorenz at Victor sa pamamagitan ng kanilang pagyuko. Kung hindi lamang hinila ni Lorenz ang braso ni Harry ay matutulala pa ito at makikipagtitigan siya kay Ka Andoy na pinakamataas sa kanilang lahat doon. "Ikinagagalak naming bumalik dito, Ka Andoy," wika ni Victor habang sila ay nakayuko. Hindi naman nagsalita si Ka Andoy, bagkus ay tumapat siya kay Harrison na ngayon ag nakayuko na rin at halata ang panginginig. Narinig pa nilang suminghal si Ka Andoy, bago muling bumalik sa pwesto. "Ikaw pala ang itinalagang bagong Caballero?" tanong nito na parang hinukay pa sa ilalim ng lupa ang boses ni Ka Andoy. Siniguro muna ninHarrison na malinis at walang harang ang kaniyang lalamunan bago magsalita. "O...opo, Ka Andoy. Kung inyong mamarapatin, nais kong magpakilala sa inyo. Ako nga pala si..." Hindi na tuloy makapagpakilala si Harrison nang dinugtungan ni Ka Andoy ang kaniyang sinasabi. "Harrison, mula sa pamilya ng?" Tumingala si Harrison at nakipagtitigan kay Ka Andoy. Nakangiti siya at buong tapang na sinabing. "Buenavente po, Ka Andoy. Dati po akong mangangalakal ng basura, ang aking ina na lamang ang kasama ko sa bahay, dahil maliit pa lamang ho ako ay iniwan na kami ng aking ama. Paumanhin, ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ako nakarating sa lugar na ito..." Hindi na mapigilan ni Harrison ang kaniyang sarili at dire-diretsong nagsalita. Kahit na paulit-ulit na kinakalabit ni Lorenz ang kaniyang braso, dahil kahit sila ay hiyang-hiya na rin sa sinasabi ni Harrison kay Ka Andoy. Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang humagalpak ng tawa si Ka Andoy kaya ang kaninang seryosong paligid ay napuno ng halakhak. Panandalian ding gumaan ang pakiramdam ni Harry nang marinig ang tawa ni Ka Andoy, parang nabunutan siya nang tinik sa lalamunan. "Kwela kang bata, Harrison. Ikaw pa...ikaw pa lamang ang nakapagpatawa sa akin ng ganito," saad ni Ka Andoy, habang pinupunasan ang luha buhay ng pagkagalak nito. Kahit hindi maintindihan ni Harrison kung ano ang nakakatawa sa kaniyang sinabi ay sumabay na lang siya sa agos. Ngayon niya nakikita ang pangalawang katauhan ni Ka Andoy, kung kanina ay mukhang lulusawin ka nito sa kaniyang titig, ngayon ay mabilis lang mapalagay ang loob mo sa kaniya dahil mabait naman ito. Ngunit kahit na naging palagay na ang loob nila sa bawat isa, hindi pa rin niya nakakalimutan ang paalala ni Victor na kailangang magpakitang gilas siya kay Ka Andoy, upang hindi siya malipat ng tribo. Kaya kaagad inikot ni Harrison ang kaniyang tinginnsa paligid. Napansin niyang wala namang kasamang aso si Ka Andoy, kaya paano niya maisasagawa ang kaniyang balak. "Oh siya, kita ko ang panginginig sa katawan mo, Harrison. Hindi ko alam kung kinakabahan ka ba o gutom ka na, kaya bago tayo magsimula sa pagpupulong ay kumain muna tayong lahat." Tumingin si Ka Andoy sa kaniya g mga alagad. "Hali kayo at nakahanda na ang ating hapunan. Mamaya na tayo papakitaan ni Harrison ng kaniyang taglay na lakas." Biglang nanlaki ang mata ni Harrison ng marinig iyon. Tama ba siya ng pagkakarinig? Magpapakitang gilas si Harrison sa kanilang lahat? — SA KABILANG banda, abala naman ang lahat sa pagdating ng anak ni Haring Roarke na si prinsesa Elora. Galing ito sa syudad ng Malibus upang tapusin ang kaniyang pag-aaral, ngunit dahil nais na siyang makita ng ama ay umuwi siya nang biglaan, kaya abala ang lahat sa paghahanda para sa pagdating nito. Si Haring Roarke naman ay tuwang-tuwa kaya nagbihis siya ng magarang kasuotan na kinuha niya sa gamit ng dating hari na si Montgomery. Hindi naman maitatanggi ang muling pagkainis ni Hera, habang pinagmamasdan ang hari na galak na galak sa kaniyang kasuotan. Halos lahat ng gamit ng kaniyang ama ay wala siyang naitangay. Tanging si Haring Roarke lamang ang nakinabang sa lahat. "Hera, anak." Tawag sa kaniya ni Celia nang mapansing matalim na naman ang tingin niya rito. "Hera..." saad naman ni Amara habang hawak ang mga plato. Napatingin si Hera sa dalawa at pekeng ngumiti. Hindi lamang niya lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng palasyo pagkatapos mawala ng kaniyang ama. Parang isang bula lamang ito na mabilis nilang nakalimutan. "Pasensya na po kayo, Inay Celia at Amara... Hindi ko lang talaga mapigil ang sarili ko tuwing naririnig o nakikita kong masaya si Roarke. Parang gusto ko siyang saksakin ng ilang beses, mabuti na lang at nakakapag pigil pa rin ako hanggang ngayon." Tumabi naman sa kaniya si Amara. "Naku prinsesa Hera! Mas nakakainis si Elora, pakiramdam ko nga ay magkakalat na naman dito iyon. Huwag lang talaga niya akong sagarin sa pag-iinarte niya, baka paliguan ko siya ng sarsa!" aniya saka sila nagtawanan. Bigla namang dumating ang bagong katiwala ni Roarke na si Kara. Tumigil ito sa harapan nila habang nakataas ang kaliwang kilay. Madalas ay pinag-iinitan nito si Celia, kaya hindi sila magkasundo. Bukod kasi sa magkaiba nilang ugali, nakakaangat pa rin si Celia sa kaniya. Medyo bata nga lang si Kara kaya kung ipakita ang kaniyang ugali ay hindi na iyon nalalayo kay Roarke. "Anong naririnig ko na naman sa inyo na pinag-uusapan ninyo ang prinsesa?" malditang tanong nito, sabay tiningnan mula ulo hanggang paa si Hera. Imbis na mainis si Hera ay nginitian lang si Kara. Kahit siya ay malapit nang mapuno sa katiwalang iyon, kung hindi lang siguro siya pinipigilan ni Celia ay baka nasabunutan na niya ito. "Ah wala, Ginang Kara. Nais niyo po bang tumulong sa amin rito?" Sarkastiko niyang tanong, kaya bahagyang natawa sina Amara at Celia. Pinaningkitan lamang siya ng mata ni Kara. "Baka nakakalimutan mo, Hera. Hindi na ikaw ang prinsesa sa palasyo, kaya huwag kang umasta na alila mo ang lahat ng nandito..." matapang na sagot ni Kara. Dahan-dahan namang nilapag sa mesa ni Hera ang mga platong hawak niya kanina pa at matamang tumingin kay Kara. "Hindi na nga ako ng prinsesa sa palasyo, Ginang Kara. Ngunit mag-ingat ka, dahil kahit ikaw ang katiwala ng hari, mas mukha ka pang alipin kaysa sa amin," aniya at ngumiti. Muli niyang kinuha ang plato at saka na umalis. Tuwang-tuwa naman sina Mara at Celia, habang si Kara ay namumula na sa inis. "Bwisit kang bata ka!" bulong niya sa sarili at saka umalis. Nang matapos na sila sa kanilang ginagawa, nagpahingabmuna sa hardin sina Amata at Hera, habang si Crlia naman ay inaasikaso na ang iba pang mga bisita sa palasyo. Malaki na ang pinagbago ng palasyo ngayon, halos tinanggal na nila ang lahat ng mga bagay na nagpapaalala kay Haring Montgomery. Bukod doon, nagpatayo na rin si Roarke ng kaniyang sariling rebulto sa harapan ng palasyo, habang hawak nito ang paboritonniyang espada na kumitil sa buhay ng mga inosenteng tao. Napakabilis ng panahon sa palasyo at magdadalawang taon nang wala ang hari. Ninhindi pa jila nakakamit ang hustisya na nararapat sa kanila. Hidni na rin nakita ni Amara ang kaibigang si Harrison. Umaasa silang lahat na buhay ito at siya ang magtatanggol sa sangkatauhan, ngunit mukhang huli na ang lahat. "Prinsesa Hera?" tawag sa kaniya ni Amara habang nakaupo sila sa maliliit na damuhan sa gilid ng palasyo. Kaagad namang humarap sa kaniya si Hera. "Ano iyon, Amara?" "Iniisip ko lang po hanggang ngayon kung hindi ka ba nagsisisi naas pinili mong maging alipin kaysa maging prinsesa?" Bahagyang ngumitinsi Hera, ngunit ang ngiting iyon ay tila nakakatunaw ng puso ng sinumang makakita. "Hindi Amara. Hindi ko ikinakahiya ang pagiging alipin ko, Amara. Hinding-hindi rin ako magsisisi na mas pinili ko ito, kaysa maging kasangkapan ni Roarke. Sa huli ay alam ko namang ipapapatay niya rin dahil ipapalit niya ang kaniyang anak sa pagiging prinsesa. Kaya tingnan mo ngayon, tama ang hinala ko. Pinalitan ako ni Elora sa pagiging prinsesa at walang magawa ang mga tao sa Magindale." Tama si Hera. Ilang beses na nag-aklas ang mga tao sa Magindale, upang pababain sa pwesto si Roarke at ibalik ang palasyo sa dati, ngunit ilang beses na rin silang nabigo. Ang mga kasama sa pag-aaklas na iyon ay iniutos na patayin, kaya simula niyon ay wala ng nagtangka. Ang tanging inaasahan na lamang nila ngayon ay ang mga Caballero. Tanyag ang mga Caballero sa lugar ng Magidnale, bukod kasi sa hindi nila gusto ang pamumuno sa Palasyo, bais din nila ang katahimikan sa bawat lugar, kaya naman unaasa sila na isang araw ay magpakita ang mga iyon at ibalik ang palasyo sa dati. "Alam mo, Prinsesa bilib na bilib ako sa iyo," sambit ni Amara. Wlaang ideya si Hera kung bakit nasabi iyon ni Amara. "Ha? Bakit naman?" tanong niya rito. "Kasi biruin mo unang-una, binaba mo ang sarili mo para sa nasasakupan. Tinulungan mo kami imbis na makipagtulungan ka kay Roarke na pumatay sa ama mo. Hindi ka nandiri sa amin, bagkus ay tuwang-tuwa ka na tulungan kami. Minsan nga nahihiya na ako dahil imbis na ikaw ang paglingkuran ko, ikaw pa ang naglilingkod sa amin." "Ano ka ba Hera." Tumingin sa kawalan si Hera. "Ang kaisa-isang turo sa akin ni Ama ay huwag kang mang-aapak ng kapwa mo. Pare-pareho lang tayong tao. Kung ano ang ginagawa mo, ganun din ang ginagawa ko. At saka hindi nakakahiya ang pagoging alipin, dahil bago maging hari si Ama, ginawa muna siyang alipin ni lolo." Nanlaki ang mata ni Amara sa ibinunyag ni Hera. "Totoo po ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD