CHAPTER 2

1473 Words
“Una na ko!” paalam ko sa mga kaibigan ko. Tumingin ako sa relo ko at nakitang 7:10 na ng gabi. Tatlong oras na klase mula 4 pm na umaabot hanggang 7 pm. Nagmadali na akong maglakad palabas dahil mukhang uulan na naman. Wala akong payong. Dahil kokonti na lang naman ang napapansin kong mga estudyante ay tumakbo na ako palabas. Nakapagpaalam pa ko sa guard na sya namang sinuklian nya ng salitang “ingat”. Ewan ko ba pero talagang mataas ang respeto ko sa mga guard, hindi lang sa school pero pati na rin sa iba pang guard, like sa mga malls, resto ay kung san pa. Kamalas-malasan na pagkadating ko sa labas ay biglang buhos ng malakas na ulan. No choice. Tumakbo ako papunta sa waiting shed. Wala pa namang ibang tao doon. Hindi ako pwedeng magpaulan. Pagod ako maghapon at baka di kayanin ng katawan ko. Di ko kayang magkasakit. Mag isa lang ako sa apartment na tinutuluyan ko at walang ibang mag aalaga sakin. Mukhang matagal pa bago tumila ang ulan. Naabutan pa ako ng mga kaklase ko sa labasan at nag alok na isabay okaya naman ay ihatid na nila ako. Tinanggihan ko. Nakakahiya. Malapit lang naman. Limang minutong lakad lang. Ayoko lang talaga mabasa ng ulan. “Ginagawa mo dyan?” tanong ni Adana ng makalabas sila at nakita ako. “Dito ko balak matulog para maaga ako bukas.” Barumbado kong sagot na ikinairap nya. “Tara na. Hatid ka na namin. Baka mamaya pa tumila ang ulan gaga. Nagmomoment ka pa yata dyan.” Dagdag pa ni mio. Magpinsan silang dalawa ni Adana kaya naman isang service lang ang ginagamit nila. “Hindi na. Nagbabakasakali nga ko na may ibang tatambay dito na majojowa ko e. Gora na kayo.” Sabi ko. “Bonak. Pano pag walang dumating at di tumila ang ulan? Sabay ka na kasi. Okaya sakin ka na sumabay. “ Aian. “Grabe. Ramdam ko pagmamahal nyo ah. Sweet naman pala.” Pang aasar ko kaya naman nagkanya kanya na sila ng alis. Alam na din naman nila na di nila ako mapipilit. Bago tuluyang makaalis ay tinigil na muna nila Adana ang sasakyan sa tapat ko. Sinusundo lang sila e. Di pa pinapayagan magdrive. “Hoy lukaret! Mag ingat ka ha! Bibigwasan kita pag napano ka dyan!” Adana. “Umuwi ka agad ha! Dapat kasi umaga ka lumalandi! Pag gabi, di mo makikita kung malaki ba!” pangaral ni mio na ikinairap ko na lang. “Alis na, mga bwiset.” Pagtataboy ko. Pagkaalis nila ay sya namang tigil ni Aian harap ko. “Di ka na talaga papahatid?” paninigurado nya. “Limang minutong lakarin lang yan oh. Duh” maarteng sagot ko. “Umuulan oh, duh!” panggagaya nya sa tono na ginamit ko. “Layas ka na kasi! Matanda naman na ko, baliw ka!” sagot ko na ikinabuntong hininga nya. “Tsk. Sige. Ingat ka, ah. Text mo kami pag nakauwi ka na.” paalam nya na tinanguan ko naman. Pagkaalis nya ay umupo na lang muna ako at naghintay na tumila ang ulan. Maya maya pa ay biglang may parating na humaharurot na motorsiklo. Nagulat pa ako ng bigla syang tumigil sa harap mismo ng waiting shed na kinauupuan ko at nagmamadaling bumaba. “Shit.” He murmured while taking his jacket off at pinagpagan ang t-shirt nya na basa na rin. Kinuha nya ang cellphone sa bulsa at bahagya itong tiningnan, sinisigurado nya siguro na di nabasa. Inalis na din nya ang helmet na suot at bahagyang pinilig ang ulo at medyo may tumalsik na tubig mula doon. Dahil sa nakatagilid sya sa part ko ay natalsikan ako dahilan ng pag iwas ko. “Shocks!” biglang nasabi ko ng matamaan medyo sa may mukha at bahagya pang napatayo. Doon nya lang yata ako napansin kaya bigla syang napatingin sakin. Tiningnan ko din sya. At nagtinginan kami. Charot! Bigla pang kumunot ang noo nya na parang naiinis na andon ako. Nauna kaya ako! “What are you staring at?” suplado nyang tanong. “Ha?” medyo windang ko pang tanong dahil di ko din namalayan na nakatitig na pala ako sa mukha nya. “Stupid.” Sabi pa nya at tinalikuran ako. “Did he just called me stupid!?” inis na bulong ko sa sarili ko pero medyo napalakas yata dahilan ng pagtawa nya, pero saglit lang. “Why are you still here, wearing our uniform?” bigla nyang tanong pero nakatalikod pa rin sakin kaya naman di ako sigurado kung ako ba ang kinakausap nya. Nagpalinga linga ako sa paligid pero wala naman akong makitang ibang tao kundi kami lang. Baka naman may earphone sya at may tinatawagan na nasa loob pa ng school? I just shrugged. Bahala sya dyan. Hindi ako sumagot kaya naman lumingon sya sakin at mukhang iritado na. Pinaglihi ba sya sa sama ng loob? Tsk. “Don’t you know how to talk!?” inis nyang tanong sakin. Napataas ako ng isang kilay. “Malay ko ba na ako kinakausap mo?” I fired back, medyo naiinis na rin dahil sa kasupladuhan nya. “May nakikita ka pa bang ibang tao bukod sating dalawa?” nang iinsulto ba sya?! “Malay ko ba kung may kausap ka sa phone!?” nakakainis naman to! “Nakita mo bang nakataas ang braso ko at nasa tenga ang kamay ko?” ay oo nga naman. Nakapamulsa sya e. “Malay ko kung naka-earphone ka!” di ako papatalo tss “Sa tagal mong nakatitig sakin kanina, imposibleng di mo napansin na wala akong nakalagay sa tenga?” pabalang nyang sagot. Hindi naman ako nakasagot. Nakakainis naman to. Kinapa ko ang bulsa ko at nang may makapa akong barya ay kumuha ako. Tiningnan ko kung ilan. Limang piso. Lumapit naman ako sa kanya habang sya ay amused na nakatingin sakin. Hinawakan ko ang kamay nya at naramdaman ko pa na medyo nanigas sya sa kinatatayuan nya. Ipinatong ko ang limampiso sa palad nya. “Oh, eto lima, bumili ka ng kausap mo.” Dumiretso na ko ng alis dahil medyo tila naman na ang ulan. Konting ambon na lang kaya tinakbo ko na lang hanggang apartment. Parang di ko kayang mag-stay doon kasama yung baliw na yon. Di naman inaano tapos ang sungit. Kala mo naman inaway ko sya. Gwapo naman sya e. Sobra pa nga. Kaso pangit ng ugali kaya pumangit sya sa paningin ko, tsk. Di ko na masyado pang napag-aralan yung mukha nya kasi nga madilim at tanging ilaw lang ng motor nya ang meron kami don. Kaya siguro di nya ko napansin kanina. Hinagis ko na lang ang bag ko sa kama at nagtuloy na sa cr para maglinis saglit. Lumabas ako ng nakabihis na ng pantulog. Sakto na nagring ang cellphone ko na nasa loob ng bag ko. “Hello?” sagot ko. “Kelan ka ba uuwi dito? Isang buwan ka ng di umuuwi e. I miss you!” sabi nya na ikinangiti ko. “Busy ako sa training dito, ate.” “Kaya di ka nagkakajowa e!” napaismid ako. Bat ba gusto nila ko magboyfriend? “Wala akong balak.” “Anong wala!? Magmamadre ka ba, ha?!” eksaharada naman to tss “CPA nga ate! Hindi madre!” “Tatanda ka’ng dalaga!” “Pinaglalaban mo dyan?” “Na umuwi ka na nga!” “Busy nga po ako ate!” “Wag mo kong ma-ate-ate kung di ka naman susunod bwiset ka!” “Bwiset ka din!” “Ate mo ko! Pumapalag ka na ah!” “Oo na! Uuwi na nga ko bukas. Kulit mo naman e.” Narinig ko naman ang pagpalakpak nya sabay sigaw ng, “Ma! Uuwi na bunso mong pangit! Sabi ko sayo di nya matitiis ganda ko e!” nagmamalaki nyang sabi sa kabilang linya na ikinailing ko na lang. Siraulo talaga. Pinatay ko na ang tawag at humiga na. Close kami, sobra. Ako, si ate, si mommy at si papa. My dad is a politician, governor sya sa loob ng dalawang taon at mukha namang walang nagiging problema sa trabaho nya. Kaya naman hangang-hanga ako sa kanya lalo pa at tinitingala sya ng mga tao sa amin pati na sa ibang lugar. Ang ate ko ay graduate na ng nursing at kasalukuyang nagtatrabaho sa hospital na malapit samin. My mom is a housewife. Ayaw ni papa na magwork sya kaya naman nasa bahay na lang sya. Pero hindi naman sya paawat since may iniwan na business ang lolo namin sa kanya. Ang ginagawa nya, ini-email na lang ang mga iyon at kung kelangang pumunta, doon lang sya pumupunta. I have a complete and happy family, is the only thing that occupied my mind before I finally drifted to sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD