“MINE!” sigaw ko ng makitang malapit sa akin ang bagsak ng bola. Ini-spike ko ito pabalik sa kabilang team na hindi nila nasalo dahilan ng hiyawan ng mga team mates ko maging ang mga taong nanunuod.
Tuwang tuwa naman kaming nagtatatalon ng mga kateam ko dahil sa pagkapanalo.
“Iba ka talaga pumalo Jasmin! Taob kalaban don ah!” puri sakin ni ate Annie na sinang-ayunan ng iba pa naming mga kateam.
“Matalino na nga, talented pa. Bonus na pagiging maganda mo. Aba, nang magpaulan ang langit ng biyaya e gising na gising ka yata at open arms mong sinalo lahat!” tonong asar ngunit alam kong biro ni ate Lyra, ang captain namin. Nagtawanan ang iba sa sinabi nya. Maging ako ay natawa at napailing pa.
“Saan ba tayo kakain coach? Gutom na gutom na ako oh.” Maya maya pa ay biglang baling ni ate Ely kay coach nang humupa ang tawanan. Hawak nya ang tiyan na sinamahan pa ng pagpapacute na ikinatawa lalo namin.
“Dyan lang tayo sa harap para di na malayo sa school.” Sabi ni coach na sinang ayunan na namin.
Mabuti ng malapit lang ang kakainan namin, Oblicon na kasi ang susunod kong klase at kahit pwede akong mag excuse ay ayoko pa rin dahil ako ang mahihirapan maghabol sa klase. Hanggat maaari, gusto kong makapagtapos bilang president’s lister. Pangarap kong maging summa c*m laude. Pangarap kong maging CPA. Or kung kaya pa, CPA lawyer sana.
Maingay kaming lahat hanggang makarating sa kainan. Coach volunteered to order the food for us. Alam na nya kung ano ang gusto namin.
Masaya kaming nakukwentuhan ng kung ano-ano ng biglang ako ang maging sentro ng usapan.
“Ikaw dove, wala ka pa bang nagiging boyfriend?”
“Meron,” nakangiting sagot ko bago nagkagat-labi. Meron naman talaga. First year college pa lang ako at bagong member ng volleyball team kaya naman wala pa sila masyadong alam sa akin.
“Talaga?” manghang tanong ni ely at tumango ako. “Pero diba, wala kang bf ngayon?” kuryoso nyang tanong.
“Wala.” Tipid na sagot ko, medyo natatawa na dahil sobrang kuryoso nila sakin.
“Ha? Bakit wala?” nabigla ako ng biglang sunigaw sa tabi ko si claire. Jusko. Bat parang ayaw nya kong single?
“Ha?” naguguluhang tanong ko.
“I mean, sa ganda mong yan, wala talaga?” napangiwi ako sa sinabi nya kasabay ng pagtango ko.
“Ireto kaya kita sa mga kaibigan ko? Crush ka ng mga yon e. Di lang makaporma sayo ng ayos kasi takot sa daddy mo.” Natatawang sabi ni kaye na ikinalukot lalo ng mukha ko.
“Hala, kaye! Ako muna!” sigaw ni Lyra kay kaye bago bumalik sa akin ang tingin “Irereto kita sa kapatid ko ha! Gusto kitang maging sister-in-law, e! Maganda lahi mo!” exaggerated nyang sabi na ikinatawa namin.
“Wag nyo nga ako ibugaw. I don’t have plans na magboyfriend muna.” Sabi ko para matigil na.
“Ha? Bakit naman?”
“Priority first. I need to focus more on my study.” Malawak ang ngiti kong sabi sa kanila. Nakita ko na magsasalita pa sana si ely kaso pinigilan na ni coach na kadarating lang.
“Oh, tama na yan. Eto na pagkain. Wag nyo pagtulungan yang si dove, baka matakot at magquit bigla sa team.” Pabirong sabi nya na ikinatawa na lang namin.
Nagtuloy tuloy ang kwentuhan nang maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko.
Alarm.
Sa tuwing may practice ako, inuugali kong mag alarm 20 minutes bago magsimula ang klase. Pinapayagan naman ako nina coach na magskip ng practice dahil maayos naman ang performance ko. Masyadong abusado at di magandang pakinggan pero wala akong choice. Katulad ng sinabi ko, priority first. Una, ang pag aaral, pangalawa ang volleyball. Napag usapan na namin ito ng mga kateam ko bago pa man nila ako isali. Sila ang kusang lumapit sa akin ng malaman nila na dati akong captain ng volleball sa dati kong school noong high school ako dahil kulang sila ng isang player at humahanap sila na marunong talaga dahil limitado lang ang practice at malapit na ang match. Kaya naman niyaya nila akong magtry out at satisfied naman sila sa performance ko. Noong una, ayaw ko pa, hanggang sa kinausap nila ako. Sinabi ko lahat ng magiging problema, isa na ang studies ko, sabi nila e okay lang daw basta maayos ang performance kada laro ko. Kaya sanay na din sila na lagi akong umaalis.
Nagpaalam na ako at tinakbo ko mula dito hanggang sa loob ng school.
Hinihingal pa ako ng makarating ako sa floor namin. Naririnig ko ang ingay ng mga kaklase sa loob ng classroom namin. Napansin ko na ang ibang students sa hallway ay napapatingin sa direksyon ko kaya napatingin din ako sa sarili ko. Nakausot pa ko ng uniform namin sa volleyball. Dahil may oras pa ay nagpalit na ako.
Sampung minuto na lang ang natitira bago ang kasunod na subject ng pumasok ako sa loob. Nakita ko ang mga kaklase ko na ang iba ay nagkukwentuhan, may nagrereview, nagsasaulo, nagsusulat at kung ano pa man.
Binati ako ng ilan sa kanila at kinamusta ang laban namin na sinagot ko naman ng maayos at nakangiti. Hindi na sila nakanuod. Hindi naman ganoon kaimportante iyong laban na iyon. Laban namin yon sa ibang department. Pinipili kung alin ang ilalaban sa ibang school pagdating ng sports fest.
Dumiretso ako sa likuran kung asan kami nakapwesto ng mga kaibigan ko.
Sabi ng iba, ang kaunahang row ang billionaire’s chair. Kaya ang sabi namin, ang last row ang zillionaire’s chair. Maiba lang.
“Alam mo ba, may gwapong bagong transfer na student sa CE. Shet. Galing ub! Shocks. Add to cart na ko siz!” di pa man ako nakakaupo ng ayos ay sinalubong agad ako ni mio ng kwento. Nasa right side ko sya.
“Chika ka.” Sabi ko at tumawa.
“Add to cart mukha mo. Di na nga available diba? Sold out na!” inirapan pa sya ni Adana ng sabihin nito iyon. Lalo akong natawa ng makita kong parang pinagbagsakan ng langit si mio sa itsura nya.
“Gaga. Mag asawa nga naghihiwalay e!” pagpupumilit nya.
“Pangarap mo maging kabit?” biglang tanong sa kanya ni Aian na nakakunot noo.
Humagalpak si mio sa kakatawa ng marinig ang sinabi ni aian. Aian, short for daiane.
“Bonak ka? Sa pangit ng jowa non, hindi na imposible na magbreak sila!” sabi nya at humagalpak ulit sa kakatawa. Napailing ako. Siraulo talaga to.
“Kaya pala nagbreak kayo ni Jake?” pang aasar ko sa kanya na ikinatigil nya sa pagtawa.
“Excuse me, ako nakipagbreak no!” inis na sabi nya.
“Diba sabi mo niloko ka.” Dugtong ko pa.
“Alam ko na kung bakit. Kasi pangit ka!” pang aasar ni Aian.
“Kaya naman pala.” Gatong pa ni Adana na ikinainis pa lalo ni mio samin.
“Wooow! Hoy! Hindi ko kayo ginaganyan kahit na napaka negative to the nth power ang chance na magkalovelife kayo no!” eksaharadang sabi nya.
“Di naman kami naghahangad ng lovelife no! Calculator is life!” depensa ni Adana.
“Palibhasa mga hindi marunong lumandi. Mga walang karisma, tse!” sabi pa nya.
“Tuyot ka te?” pang aasar ni Aian pero di man lang naasar si mio, tumawa pa ang loko.
“Pakiramdam ko malapit na. Isang buwan na wala akong dilig e, hays” biglang lumungkot ang itsura nya at napabuntong hininga pa na akala mo sobrang laki ng problema.
Napailing na lang kami at di na sya pinansin. Mukhang alam ko na kung san na papunta usapan e.
Late ng 6 minutes bago dumating si attorney para sa subject namin na oblicon.
Lahat kami ay ballpen lang ang nasa mesa. Bawal na maglabas ng notes. May dala palagi si atty. Ng isang bundle ng prinint na quiz nya para samin. Parang nasanay na rin kami sa set up namin sa subject na to sa ilang linggo na meeting namin.
Una ay quiz na aabot sa halos 15 minutes lang. Kumbaga ay pre-test sya sa natutunan mo sa inaral mo. Susunod dito ay recit na talagang kinatatakutan naming lahat. Minimum ang 15 mins at maximum ang 30 mins bawat recit. Bawal ang mali. Bawal mamali ng grammar. Dapat alam mo. Dapat nag aral ka.
Magaling magturo si atty. Nakakatakot lang talaga kapag recit na kasi parang hukom pagdating dito. Nakakatakot pero masaya.
Napailing na lang ako sa naisip ko at kinuha na ang bond paper na inaabot sa akin ng nasa una ko at nagsagot.