"Nako mga ineng, nakaka-highblood naman ang presyo ng mga dala ninyo, jusmiyong mga batang ito." Medyo natawa kami sa way ng pagkakasabi nito. Parang na-stress siya ng sobra sa amin. "Sigurado ba kayo? Baka ginu-good time niyo kami, ha?" Pabiro ang tono ng tanong na iyon pero napakamot pa rin ako sa batok dahil sa hiya. Hindi naman namin intensyon na sabihin pa ang presyo niyon pero dahil hindi naman namin kaya ang magsinungaling sa kanila ay nagsabi kami ng totoo. "Ahm.. lahat po kasi iyan ay pinasadya kaya naman ganoon po kamahal ang presyo. Ang iba naman po ay ginamit sa modelling kaya ganoon," paliwanag ni Aian sa mga ito at napatango tango na lang ang mga narito. "Mayayaman pala ang mga batang ito. Nakakahiya man pero maraming salamat sa inyo. Sobrang laking tulong nito sa amin."

