"Naku, maraming, maraming salamat talaga sa tulong niyong lahat. Paniguradong lahat, pati na ang mga kapitbahay ay matutuwa dahil sobrang gaganda ng mga gowns na ito. Kung maari, baka pwede naming bayaran kahit kalahati o kahit one fourth na halaga lang? Masyadong magaganda ang mga ito at nakakahiya namang hingin lahat." Mapagpakumbabang sabi sa amin ni kapitana. Andito kasi kami ngayon sa barangay hall dahil dito namin dinala iyong mga gowns na idideliver. Good thing Mio brought her car kaya naman hindi kami nahirapan na magdala ng mga gowns dito. Hindi naman kami pwede sa tricycle dahil hindi magkakasya ang mga to. Sobrang hussle din naman kung magji-jeep pa kami. More or less 20 gowns ang lahat ng dala namin na ito e. Dala na rin namin ang mga pampakambong ng mga gowns. Pinili kong suo

