"'Tay andito na kami!" magiliw na sigaw ni Tricia bago pa man buksan ang pintuan para ipaalam kay tatay ang kaniyang pagdating. "Andres--" naputol ang pagsasalita ni nanay at tila napako sa kinatatayuan. Silang dalawa ang nasa una ko at medyo may kataasan ang flooring ng bahay namin kaya naman hindi ko kita ang nasa loob. "Ano ito, Andres? May babae ka?!" Gulantang niyang sigaw. Rinig ko ang takbo ni tatay na hindi ko alam kung sa kusina ba o sa kwarto nanggaling. "Amelia ano bang sinasabi mo?" Halata sa boses nito ang pagkataranta at pagkagulat. "Tatay ano ba? Nadagdagan na ako ng isa pang kapatid kaya okay na iyon. Bakit nambababae ka pa?" Ngayon ay si Isya naman ang sumigaw. Isya ang palayaw niya ngunit madalas ay Tricia ang tawag ko sa kanya. "Hindi ko siya babae! Bisita sya dito.

