Magkakaharap kaming lima sa sala ngayon at lahat sila ay nakatingin sa akin. "A-ano? Selective mutism? Seryoso? Paano?" Gulantang na tanong ni Dianne nang ipalinawag ni tatay ang sitwasyon. "H-how come? Y-you're.. okay? Or.. not." Gulong-gulo nyang tanong. Hindi niya mawari kung ano ba ang sasabihin niya sa sobrang pagkabigla. Matapos magpapicture ni Isha kanina ay bigla na lang sya natulala sa akin at the same time ay humahangos palabas sa kusina ang mag asawa at lumapit sa akin. Lahat silang tatlo ay sinisipat ako na akala mo ay ngayon lang ako nakita. "N-nagsalita ka kanina.." mahinang aniya ni Isha. Yes, I know. I've been actually thinking about the same thing for quiet a while now. Nakapagsalita ako! I don't know. It just comes out naturally. Hindi pilit. Parang normal lang. I'

