Almost 10 minutes lang ako nagshower, kasama na don ang pagbibihis. I just wore a simple white statement shirt, army green short with black belt and black rubber shoes.
Mukhang hindi pa tapos maligo ang iba at ang iba naman ay andon pa rin, naghihintay sa mga matatapos. 8 cubicles lang kasi ang meron sa isang shower room e.
"Una na po ko, ah!" paalam ko sa kanila.
"Sige, ingat ka pauwi!" paalam din nila sakin at nginitian ako.
Ganon na lang ang gulat ko ng pagbukas ko ng shower room ay bumungad sakin ang nakasandal na si seven habang nakapamulsa ang dalawang kamay at backpack na black na ngayon ang gamit na nakasabit ang isang strap sa kanang balikat nya.
Nangunot ang noo ko at lumingon sa paligid.
"Nagpapa-picture ka ba?" maang ko.
"What? No. Why?"
"Bat nakapose ka dyan?"
"Ha?" clueless na tanong nya pa.
"Ha? Hakdog!" sabi ko at tinalikuran na sya.
Bingi mo, seven. Amp!
"What?" naguguluhan pang tanong nya habang nakasunod sakin.
"Bingi mo kako. Bat ka nasa labas?" curious na tanong ko pa.
"Ah that.. I was waiting for you." amin nya na ikinatigil ko.
Nakakunot pa ang noo kong nilingon sya. "What?" tanong ko pa.
"Bingi mo naman." sabay irap nya sakin. "May utang ka, remember?" dagdag na tanong na nya ikinasinghap ko sa inis.
"Bat ba kasi niloadan mo ko tapos ngayon maniningil ka!?" kainis naman to!
"E wala ka ngang load kaya naisip ko na pautangin kita!" he said then wink at me. I scrunched up my nose, looking disgusted by his sudden move na agad nyang ikinatawa. Baliw!
"Mukha ba kong naghihirap na, ha? Fyi. My dad's a governor! I can afford to pay for my own load!"
I didn't want to brag about my dad's position but this jerk right here is just so annoying!
"Well, may utang ka pa rin. You owe me a meal. Syempre depende pa kung saan." sabi pa nya habang nakangisi.
"Whatever." masungit na sabi ko na lang at nauna ng maglakad.
Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang tinginan sa kanya ng mga studyanteng nakakakita sa kanya sa hallway. Head turner pa ang loko. May ilang mga bunati sa kanya at tinatanguan nya ang mga pakilala samatalang ngumingiti lang sya sa iba. Nagsubok ang ilang babae na lumapit pero hindi man lang tumigil ang loko, diretso ang lakad.
Hindi ko nga alam kung di nya lang ba talaga napapansin o baka naman sanay na sya kaya parang wala na lang.
"Dito na lang siguro tayo." sabi ko sa kanya nang makarating kami sa iyahs.
Madami din ang kumakain dito kasi nga nasa harap lang naman ng school.
Pagpasok pa lang ay napatingin na agad ang karamihan sa pwesto namin lalo na ang mga babae at kanya-kanyang chika na tungkol samin. Kaasar, ah.
Grabe humakot ng atensyon tong supladong to! Tsk, tsk.
Napapikit ako sa hiya at inis at humakbang paurong, planong umalis na lang doon at maghanap ng ibang kainan. Nasa likod ko si seven kaya kitang kita nya ang ginawa ko. Medyo umilag pa nga sya dahil muntik ko na syang maapakan.
"Hala? Ganyan na ba ang usong lakad ngayon?" nakakainis talaga to! Pasiring ko syang tiningnan na ikinangisi nya. "Nako naman jasmin. Nagbaseball ka lang, nalimutan mo na agad pano lumakad ng tama?" dagdag asar nya sakin habang tumatawa. At talagang nakakainis na sya! Lalo naman akong napapikit sa inis. "Hahahaha, sa second floor na lang tayo. Tara na, tuturuan kitang lumakad ng tama."
Natatawa naman syang hinawakan ako sa may bewang para igiya papasok at talagang dinig na dinig ko ang OA na pagsinghap ng mga babae. Syete naman talaga, oo!
Dahil karamihan ay palihim pa ring nakatingin sa amin, na ang iba ay medyo kinikilig pa, nagpatiuna na ako dahil ayoko talagang machismis.
Nang marating namin ang second floor, ganon na lang talaga ang pagpipigil kong tumakbo pababa at humanap na lang ng ibang kainan. Kung ano ang reaksyon sa baba ay ganoon din dito! Tao lang naman to pero kung makaasta sila akala mo kung sinong santo tong nakikita nila, kaasar!
Dahil baka lalo lang akong machismis kapag umalis ako e nagtuloy na lang ako sa may dulo, pang apatan na bangko iyon at isang lamesa. Bale kapag umupo e nakaside view kami sa mga tao dito dahil ang mesa ay nakadikit sa pader. Dali dali akong umupo doon sa kabilang bangko sa dulo at naupo. Inilagay ko ang bag ko sa katabing bangko.
"Order na ko. Sayo?" tanong nya habang inilalagay ang gamit sa bangko.
"Kahit ano. Alis ka na." natawa naman sya sa sinabi ko bago umalis at umorder.
Masabi lang na may ginagawa ako e nag online ako, i open my IG account at wala namang bago bukod sa baging followers ko. Nakita ko din sa newsfeed ko ang bagong post ni seven. At the middle, I saw myself trying to strike the ball. On the second pic, I was holding the bat at nakatalikod na sa camera. Kita din naman ang ibang players pero hindi lahat. I just shrugged my shoulder. Baka hindi naman sadya na makunan ako. Ang caption lang naman e emoji na bola. Binuksan ko ang profile nya Ang ilang ay picture nya na akala mo model. Karamihan na doon ay ang bola ng baseball o pictures nila ng team, trophies and medals. Meron din na kung ano-ano lang like roads, beaches, at kung ano pa. Manly ang kuha, wala masyadong arte pero maganda!
Sunod kong binuksan ay ang messenger ko. Nanlalaki pa ang mga mata kong binabasa ang usapan nila dahil ang topic nila e ako! Mga baliw tong mga to! Nagbackread pa ako at ganon na lang ang gulat ko ng makita ang picture namin ni seven na nasa pinto ng iyahs! Kanina lang to, ah. Bilis naman talaga makasagap ng balita! Pagtapos magbackread ay nagchat na din ako.
#TheMOONyou's
Dabidabidu: wow, sweet nyo naman? Sa sobrang pagkamiss nyo sa kagandahan ko e nagawa nyo pa kong pagchismisan?
MIlOebridey: @Dabidabidu sana okay ka lang siz
IbongAdana: @Dabidabidu gago ba u?
kawAIAN: @Dabidabidu assumera ka? San ka kumukuha ng lakas ng loob para mabuhat sarili mong bangko?
Napairap naman ako bigla sa mga sinabi nila. Kahit kelan talaga, mga siraulo!
Napaangat ako ng tingin ng makitang umupo si seven sa katapat na bangko na inuupuan ko.
"Magkano?" tanong ko agad pagkaupo nya.
"I already paid for it," he shrugged and bit his lower lip.
"Akala ko ba sinisingil mo ko? I owe you a meal, remember?" paalala ko.
"Well.. I said, you owe me a meal.. not treat me a meal, Just let yourself be my company and then your debt will be paid."
Ano daw?
Siraulo na talaga to!
Umiling na lang ako. Bahala sya. Atleast makakatipid ako kasi libre. I was actually saving money para in case that I want to buy something, I don't to ask money from my parents anymore.
Ibinalik ko na muna ang tingin sa cellphone ko at sangkatutak na naman ang chat ng mga walanghiya kong kaibigan.
#TheMOONyou's
MIlOebriday: ano na? Enjoy na enjoy ang meal mo dyan? Ingrata ka?!
IbongAdana: masarap ba si seven? Ay typo, yung meal pala. Masarap ba yung meal?
kawAIAN: wag nyo naman asarin ang bunso.
Dabidabidu: aww. Thank you @kawAIAN! Kahit napakaburaot ng nickname mo e goods ka sakin!
kawAIAN: sure! No prob. Pakisabi na lang kay seven na mag ingat sya sayo
IbongAdana: nangangagat ka pa naman
MIlOebridey: rawr!
Inis na umirap ako dahil sa mga pinagsasasabi ng mga baliw na to! Tsk.
Sakto naman na dumating na ang order namin. Napatingin ako kay seven na amuse na amuse na nakatingin sakin. Tinaasan ko sya ng kilay at napapailing itong ibinaling ang tingin sa pagkain.
Beef bulgogi and steak with rice ang inorder nya, may ice tea pang kasama, wow lang.
Inoff ko na ang phone ko dahil gutom na din ako. Maya't maya ang lingon ko sa ibang kumakain dahil ramdam na ramdam ko ang titig nila dito. Napabuntong hininga pa ako ng malalim dahilan ng pagtingin sakin ni seven at animong nagtatanong.
"Transferee ka lang, diba?"
"Hmn," sabi nya at tumango ng isang beses, di makapagsalita ng ayos dahil may pagkain sa bibig.
"Second year?" dagdag na tanong ko matapos sumubo at lumunok ng pagkain.
Inubos muna nya ang kinakain bago kagatin ang ibabang labi dahilan para mapatingin ako doon dahil lalo pa itong namula. Napabalik bigla ang tingin ko sa kanya ng magsalita sya.
"Yeah, bat mo naitanong?"
"Bat sikat ka sa school e bago ka pa lang?"
Nangunot ang noo nya sa tanong ko at parang naguguluhan na mukhang walang kaalam alam.
"Ha?" inosenteng tanong nya pa.
"Hmn? Wala. Bakit ba seven tawag nila sayo?" pag-iiba ko sa usapan. Curious din ako dito e. Nakikiseven lang ako dahil iyon din ang tawag ng iba sa kanya.
"That's my jersey number." kaya pala seven!
"Why did you transfer?"
"Why are you so curious?" he teased while wiggling his eyebrows.
"I'm just wondering, maganda naman school mo dati, besides, you're already in second year, bat ka lumipat?" tanong ko at uminom sa baso ng ice tea.
"Ah, last year pa sana kaso naudlot lang kasi nagkaron ng project ang papa ko malapit sa dati kong school. And that time, pinapagawa pa lang yung bahay namin. Nung nakaraan lang natapos." mahabang paliwanag nya bago uminom, mukhang tapos na din syang kumain at ako naman ay hindi pa kaya nagtuloy na ako sa pagkain.
"Ikaw?" tanong nya sakin kaya napaangat ulit ako ng tingin at tinaas ang kabilang kilay, silently asking him 'what?'. "Anong year mo na?" dagdag nya.
"First year," sagot ko, nag aalangan ng konti dahil nailang ako bigla sa tanong nya.
"So, you were around.. 16? or maybe, 17?" kalkula nya na ikinailing ko.
"Turning 18,"
"Oh? Really?" he asked and I nod my head. "I'm 19," dagdag nya.
"Tinatanong ko ba?" sabi ko pa bago pinunasan ng tissue ang bibig ko dahil tapos na ko kumain.
"Sungit," he chuckled.
"I am not masungit! Ikaw nga nagsungit nung una na---" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng biglang may dalawang babaeng lumapit samin, or kay seven lang? Sa kanya nakatingin e.
"H-hi seven," utal na sabi ng isa habang nakangiti ng malaki.
Napaangat ng bahagya ang kilay ni seven sa narinig at tinanguan lang nya ito. Ibabalik na sana nya ang tingin sakin ng bigla na lang syang haplusin sa braso ng isa pa at umupo ito sa tabi nya. Nanlalaki ang mga mata ng babaeng humawak sa kanya at maging ako ay nabigla ng bigla nyang higitin ang braso nya pabalik. Wew!
Pansin na pansin ko din ang tinginan at bulungan nga iba samin. Kung kanina e palihim lang, ngayon naman ay lantaran na ang tingin nila dahil sa eksena dito.
"A-ah... yeah, h-hindi ka nga pala n-nagpapahawak kahit k-kanino. S-sorry." napapahiyang sabi nito bago ngumiti ulit ng malaki. "I will be hosting a party this coming sunday, I, uh, I hope you'll come." malanding sabi nito.
"Halos lahat ng babaeng dadalo ay inaabangan ang pagpunta mo seven, sana makapunta ka." dagdag pa ng isang babae na ngayon ay nakapwesto na sa tabi ko. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang tatlo. Tsk, tsk.
"I'm not coming," supladong sabi nya sa mga ito bago ako balingan ng tingin, "You done?" tanong nya pa sakin na ikinabigla ko. Tumango naman ako.
"Ah! I hope you won't mind if we share this table with you--"
"I won't. Were done eating, anyway." masungit na sabi nya at preskong iniusog paurong ang bangko para makaalis sa pwesto nya. Tinapik nya ng tatlong beses ang backrest ng upuan na inupuan ng babae. Nagulat naman ito at akala yata nya e isasama na sya ni seven dahil dali-daling nagliwanag ang mukha nya at tumayo agad. Ganon na lang ang panlulumo nito ng malamang kukunin lang ng lalaki ang bag nito bago ito lumapit sa isa pang babae na katabi ko.
Halos mapasapo ako sa noo ko nang makakita ng pag-asa itong babae dahil lumapit sa kanya si seven, katulad ng reaksyon kanina ng kasama nya na ngayon ay nakanguso nya. Sumasakit ulo ko sa mga to, hays.
"Stand up," masungit na sabi nya pa sa babae dali-dali naman itong tumayo at tumingin pa sa kasama nya na animong nagpapainggit. Ako naman ay nakaupo pa rin dahil amaze na amaze ako sa reaksyon na nakikita ko sa kanila! Alam ba ng mga nanay nyo yan? Tss.
"Eeiiihhhhhhh...," impit na sigaw nito, mukhang di na napigilan ang kiligin. Akmang iaangkla na sana nya ang kamay sa braso ni seven ng bigla nitong kinuha ang bag ko na naupuan na ng babae kanina. Pinagpagan pa nga nya ito na mukhang nadumihan. Kaya naman ganon na lang ang panlalaki ng mata ng babae. Siraulo din to e!
Hinila pa nya ang bangko para makaraan ako dahil hindi ko maiiurong ang kinauupuan ko, pader na kasi ang nasa likod ko. Nasa sulok kasi kami e.
Kitang kita ko pa kung pano akong irapan ng mga babae na yon habang iginigiya ako ni seven palabas ng iyahs.
Siraulo ka, seven!