CHAPTER 5

2209 Words
"A-ako." lakas-loob na putol ko sa kung ano pa man ang sasabihin nya ng makalapit ako. Namumula na ang mukha nya sa galit nang mapatingin sya sa banda ko at nang makita nya ako ay unti-unting kumunot ang noo nya at inirapan ako kaya tinaasan ko sya ng kilay. Napamaang naman ang iba sa ikinilos namin lalo na ang team ko at may ibang sumipol sa team nya. Mga baliw! Hinihintay ko ang bigla nyang pagsabog at pagsigaw sakin pero hindi naman dumating. Nice, magaling ka magtimpi, gomez. Kinausap sya ng dalawang coach na magpacheck sa clinic pero dahil matigas ang ulo nya ay hindi sya pumayag! Kaya naman nanatili lang syang nanunuod hanggang sa matapos at ang usapan ay tatapusin nya muna ang practice. E wala naman syang ginagawa! Nanunuod lang kaya sya tsk. Nang matapos kami ay sa field naman pumunta dahil team nila ang lalaro. Nakapwesto lang kami sa isang tabi habang ang mga players ay nasa gitna, hindi kalayuan samin Unlike samin na pwedeng paglabanin ang isang team dahil sobra, sa kanila naman ay hindi kaya ang ginagawa nila tuwing practice ay kumukuha ng mga marunong lumaro at hati ang team para maayos at fair ang laro. Pero dahil hindi makakalaro si seven ay kulang sila ng isa. "Hays, hindi tayo makakalaro ng maayos nito kung kulang," di ko alam kung ako ba pinariringgan nila o ano dahil ang lakas ng boses nila kahit nasa field sila. "Oo nga e, pano ba yan, wala si captain, mahirap lumaro pag kulang!" reklamo naman ng isa pa na ikinairap ko. Aarte nila, di pa naman final na laro to, ah? Edi pilitin nila yang captain nila na lumaro para happy, duh? "Hmm, bat di natin paglaruin ang nakatama?" suggestion naman ng ng lalaking kausap nya nung tinamaan sya na nalaman kong dave ang pangalan. Pero teka... Ako? Lalaro?! Gago ba sila!? Ngayon ay lahat sila ay nakatingin sakin kaya sinamaan ko sila ng tingin at nagkanya-kanyang lingon sila sa malayo. "E kung ipakain ko senyo ang bola?" iritadong sabat naman ni seven at unti unti nang naghiwa-hiwalay ang mga player habang nakangisi. "HAAAAYY, NAKAKATAMAD TALAGANG LUMARO NG KULAN----" "Fine. I'll play!" inis na putol ko sa sasabihin pa ni dave. Kaasar mga to. Ako pa sisisihin, well, kasalanan ko naman. Siguro naman bayad na ko pag lumaro ako? Nagreklamo ang mga kateam ko pati na si coach pero hindi na sila nakapagprotesta pa ng si seven na ang magsalita. "What!?" gulat na tanong sakin ni seven at talagang napatayo pa sya bago nakapameywang na humarap sakin. "Mahirap ang larong yan!" inis na talaga. Pikon to, tsk. "May sinabi ba kong madali?" "E bat lalaro ka pa? Kung mapano ka!?" "Ano naman? Di naman ikaw mapapano dyan!" "Bat matigas ulo mo!?" "Bat ka pakialamero?" nagpameywang pa ko to prove my point. Pakialamin amp "Bahala ka nga!" sabi nya pagtapos ay inirapan ako. Bading! Lumapit ako sa tabi nya dahil nasa katabi nyang bangko ang mga protective gear nya sa paglaro, sa kanya gagamitin ko. Wala namang iba. Habang sinusuot ko ang gear ay narinig ko pa ang buntong hininga nya, at nang matapos ako ay tatalikod na sana ako nang hilahin nya ko pabalik. "f**k," mahinang bulong nya na rinig ko naman. Magsasalita pa sana ako ng bigla nyang isinuot ang cap na kaninang tinitingnan ko. Wow bait. "Kapag ikaw napano dyan, hahampasin kita ng bat. Nakuha mo?" banta nya sakin. Siraulo ka ba? Inirapan ko lang sya kaya nagpatuloy sya sa pangaral sakin. Daig pa nito tatay ko, tsk. "Kapag papalapit sayo yung bola, tumakbo ka palayo. Baka tamaan ka." napaangat ako ng tingin sa kanya. "Hibang ka ba? Bat ako lalayo? Sinasalo yun, hindi nilalayuan!" asik ko dito. He rolled his eyes. Bading! "Pag ikaw natamaan ng bola dahil di ka lumayo, ako mismo ang babato ng bola sayo." dagdag nyang banta. Umismid ako. "Pag ako hindi tinamaan ng bola, ikaw ang babatuhin ko!" tsk. Mahina nya pang inihampas ang palad sa cap bago umirap at bumalik sa pagkakaupo. Ako naman ay pumunta na sa field sa mga kasamahan nya. Nilapitan ako ni dave. "Kakampi ka namin, ah. Galingan mo!" sabi nya pa sakin ng nakangiti at tinapik ang balikat ko. "DAVE!" Rinig kong sigaw ni seven kaya sabay kaming napalingon ni dave. Hindi sya gaano kalayo kaya kitang-kita ko ang talim ng titig nya samin... O kay dave? Magkasalubong ang kilay at nakacross ang braso sa harap ng dibdib habang nakatayo. Tumatawang itinaas ni dave ang braso nyang nakaakbay sa akin, ang palad ay nakataas sa ere na akala mo sumusuko. Lalong sumama ang mukha ni seven kaya naman lalo lang napatawa ng malakas ang katabi ko. Iiling-iling nya akong hinarap bago nagpatiuna na palapit sa ibang kasama. "Tayo ang taya. Ikaw ang pitcher!" tawa nya habang tumatakbong pabalik sa may base. Sya ang catcher. Napabuntong hininga ako. I know how to play softball. Mio is a member of palarong pambansa for the past years. Walang mintis. Sa sobrang hilig nya maglaro ay pati kami dinamay nya. We were bestfriends since High school. First year high school kami nang maisipan nyang kami ang pagpractice-an. Tinuruan nya kami ng tamang pagsalo, paghampas, pagbato at pagtantiya ng bola. Sa likod ng bakuran nila ay may pinto pa, sa loob non ay isang napakalawak na field. Since elementary pa lang ay naglalaro na sya, pinasadya iyon ng parents nya para may mapagpractice-an. Noon ay may nagte-training pa sa kanya hanggang sa sya na ang umayaw dahil kaya naman na daw nya. Kaya naman nang high school na kami ay dinala nya kami doon at tinuruan. Umabot pa nga sa puntong sa sobrang inis nya dahil hindi naman magawa noong una ay pinagbabato nya kami ng bola habang kami ay tumatawa umiiwas. Naalala ko pa noon na tinamaan si Adana ng bola sa braso kaya naman sinabunutan nya si mio, nagsabunutan sila sa field. Ako ay tumatawa lang at nagchi-cheer sa kanila habang si Aian ay kumuha ng cellphone para i-video sila. Hindi kami umawat. Nabitin pa nga kami nung tumigil sila. Kalaunan ay nakuha namin ang galaw nya kaya naman maayos na kaming maglaro. Apat lang kami kaya dalawang tao sa bawat team. May sarili din kaming rule kapag kami lang naglalaro. Inaya pa nga nya kami one time na sumali din para lahat kami ay magkakasama pero dahil kanya-kanya kaming may pinagkakaabalahan ay umayaw kami. Si mio sa softball, ako sa volleyball, si adana sa cheering squad at si Aian naman ay journalist. Halos hindi na nga kami magkakitaan tuwing malapit na ang laban sa sobrang busy namin e. Bumabawi lang kami pagkatapos. Pumwesto na ko sa gitna at sinalo ang bola na inihagis sakin ni coach. One good thing about this game is that there is no time limit. Batter should always be attentive dahil walang signal kapag ihahagis na ang bola ng pitcher. Tatlong beses kong inihagis sa ere ang bola bago pumwesto. Nakatingin kami sa isa't-isa ng batter. Nakakunot ang noo nito na para bang tinatantiya kung marunong ako o ano. Inihakbang ko ang kanang paa ko pahuli. Pinagpapalitan ko ang bola sa kanan at kaliwang kamay ko na may gloves bago ko ito itaas kasabay ng pagtaas ng kaliwang paa ko para kumuha ng bwelo bago ko inigahis ang bola papunta sa batter. Nahampas nya ito at hindi namin agad nakuha kaya nakatakbo sya sa first base. Napabuntong hininga ako. Inulit ko ang ginawa ko kanina para sa sunod na player pero mataas ang hagis ko. Ball - 1 Kapag apat na ulit nangyare na hindi maganda ang hagis ko, matic na mapupunta ang nasa first base sa second base at ang kasalukuyang batter ay tatakbo sa first base. Sunod na hagis ko ay maayos pero iniwasan ng batter. Strike - 1 Kapag nakatatlong magagandang hagis ako at hindi napalo o kaya naman ay napalo ng kalaban pero hindi tumakbo, maa-out ito. Inulit ko ang ginawa ko kanina, ngayon ay mas matagal na bwelo. Medyo may pataas kong inihagis ang bola pero tantiyadong sasakto sa kanya, pinalo ito ng batter ngunit pataas ang bola kaya hindi malayo ang abot at pa-lobo rin itong humagis sa ere. Sinipat ko kung saan ang bagsak ng bola at tumatakbong sinundan ito. Nang makitang pabagsak na ito ay dahan dahan akong umurong at sinalo ang bola dahilan para ma-out ang batter. Napansin ko ang takbo ng kaninang nasa first base papunta sa second base kaya naman agad kong inihagis ang bola papunta sa taong nagbabantay sa second base at nasalo nya ito bago pa man makarating doon ang player. Out. Isang player pa ang pumasok at na-out din kaya naman sila na ang taya at kami na ang lalaro. Nice. Nang ako na ang papalo ay tumayo na ako at sinuot ang helmet. Hinawak ko ang bat at pumwesto. Mas attentive na silang lahat ngayon. Marahil kanina ay pinagbibigyan lang nila ako kasi hindi nila alam na marunong ako at dahil babae ako. Pero ngayon, lahat sila ay focus sa galaw ko at mga seryoso. Ang kabilang dulo ng bat ay nakalapat sa base at ang kabila ay hawak ko. Inihakbang ko ng paurong ang kanang paa ko at medyo tunagilid sa pitcher. I bend my knees and put the bat on my shoulder, pwestong papalo. Sa pitcher lang ako nakatingin. Tinatantiya kung kelan nya ihahagis ang bola. Huminga ako ng malalim nang makitang inihagis nya ang bola papunta sakin at napakapit ako ng mahigpit sa bat. Hinampas ko ng napakalakas ang bola at napakalayo nang narating noon. Ang kateam ko na nakapwesto sa second base ay tumakbo na din hanggang sa makahome run. Wala pa ang bola kaya nakatakbo na din ako hanggang second base. Hindi pa man ako nakakarating ay inihagis na ng taya ang bola papunta sa base na tinatakbuhan ko. Hindi naman nito nasalo ang bola kaya nagkaron pa ko ng chance na makatakbo hanggang third base. Inihagis ulit nila ang bola papunta doon pero di naman nasalo dahil napasobra ang hagis. Nag-aalinlangan ako kung tatakbo ba ko kasi malapit lang ang bagsak ng bola. Pwedeng ma-out ako! 'Bahala na!' Sabi ko sa sarili ko at tumakbo ako. Tulad ng inaasahan, inihagis nga nila ang bola sa catcher kaya naman lalo pang napabilis ang takbo ko. Nang medyo malapit na ako pati ang bola ay ini-slide ko na ang katawan ko sa ground para mas mabilis. Nang maabot ng paa ko ang base ay napangisi ako. 'Homerun' Tumayo ako at pinagpagan ang jogging pants ko. Tsk. Puti pa mandin ang damit ko hays. Rinig na rinig ko pa ang cheer ng mga kakampi ko. "WALA NA! PALITAN NA NATIN SI CAPTAIN! PWEDE NA TAYO MANALO KAY JASMIN!" "LOSER NYO NAMAN! BABAE NAKA-OUT, BABAE DIN NAKASCORE!" "OH, UWIAN NA! MAY NANALO NA!" "PALAKAS MUNA KAYO, HA? PALAKAS MUNA BOOOOO!!!" "WALA PALA KAYONG BINATBAT DITO KAY JASMIN E MWAHAHAHAHAHA!" Napangisi na lang ako sa pang aasar nila. Mga baliw. Ang mga kakampi ko ay inaasar ang kabilang team. At ang nasa kabilang team naman ay pinaghahahampas sila. Napalingon ako sa pwesto ni seven na ngayon ay nakangisi na. Itinaas ko ang pareho kong kamay na nakabukas ang palad hanggang sa may balikat na para bang sinasabing 'well,' nang may pagyayabang. Di pala madali, ah! HAHAHAHAHA Lalo namang lumaki ang ngisi nya sakin at sumaludo pa. Baliw! Napalingon ako sa taong umakbay sakin. Si dave, "Naks! Galing mo palang lumaro?" nakangising sabi nya. "Player ang bestfriend ko!" nakangiting amin ko. "Maganda ba bestfriend mo, ha? Pakilala mo ko!" he said, wiggling his eyebrows kaya naman natawa ako. Natigil lang iyon ng may humila sa kanya palayo sakin. "Tama na laro. Pahinga na." sabi ni seven na ngayon ay wala ng bakas ng ngisi. "Tss," ungot ko pa at pinandilatan nya naman ako ng mata. Natatawa na lang akong lumapit sa mga kasamahan ko sa volleyball na hanggang ngayon ay mukhang hanga din sa gawa ko. Naks naman! MWAHAHAHAHHAHAHAHA "Oh, edi ikaw na magaling?" masungit na sabi ni ely at inirapan pa ako na ikinatawa ko. "Ako pa ba naman?" ngisi ko at inulit ko ang ginawa ko kanina kay seven. "Pag si seven inagaw mo sakin, hahambalusin kita. Kuha mo ba?" "Inaano kita dyan? Edi sayo na, saksak mo sa baga mo!" tawa ko ulit bago sya inirapan. Hinila nya naman ang buhok ko. "Atrimida ka! Nagtataka nga ako bat di ka man lang non sinigawan kanina! Pagkaamin mo na ikaw may kasalanan e inirapan ka na lang!" sabi nito na sinang-ayunan naman ng iba pa naming mga kateam. "Wow, bet na bet mong nasisigawan ako, ganon!?" "Gaga! Hindi mo ba nabalitaan nung isang araw, sa cafeteria, may nakatapon ng juice sa kanya, sa sobrang sungit ng kuya mo e sinagawan nya si ate girl at sinabihan ng patanga-tanga!" dagdag pa Annie. "Pake ko don?" tanong ko, naguguluhan kung bat sila nagku-kwento. "Ha? Nasobrahan ka na ba sa talino at di na to maabsorb ng utak mo, ha?" gigil na sabi sakin ni ate Lyra. Dinuduro-duro na ko, amp. "Una na ko, ah." sabi ko ng makarating kami sa shower room para sa mga babae. Gustong gusto ko na maligo. Kanya-kanya naman silang singhal sakin at napatawa na lang ako habang pumapasok sa loob ng shower.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD