CHAPTER 4

2006 Words
Tinapos ko lang ang paghugas ng platito na ginamit ko before I called his number because i was really annoyed. Mukha ba kong dukha!? Di ako naka-plan kasi sobrang gastos non kaya naman nagloload lang ako buwan-buwan. "Yes?" I heard his bedroom voice from the other line and shet lang, pinanindigan ako ng balahibo. Damn. "5 thousand? Seriously?" "Uso kasi magreply," "I'm busy! Besides, hindi naman kita kilala!" "Ohh? Gusto mo ko makilala?" he chuckled. "No. I'm hanging up now, stop pestering me you dumbass!" "Ouch! Is that how you say thank you? You're welcome, then." I rolled my eyes pagkarinig ng sinabi nya. "I'll pay you back. What's your--" "Okay. Pay me back tomorrow!" he said and hunged up on me. Damn you! Inis kong inihagis ang cellphone ko sa kabilang part ng kama ko bago dumapa at natulog. It was already 8 am when I decided to get up and go to the gym to practice. 7 am pa lang ay nasa school na ko at naisipan kong tumambay sa ilalim ng puno sa may oval. Sa di kalayuan ay may mga nagpapractice din na ibang players. Baseball, i think? I'm just wearing a black jogging pants and a white shirt plus a black snickers. Today is friday. Wala kaming klase every friday kaya practice lang ipinupunta ko tuwing biyernes. Perks of being an athlete. Pinagpagan ko ang pants ko at habang kinukuha ko ang backpack ko ay may nagsalita na sa likuran ko. "Miss me?" Isinukbit ko ang bag ko sa balikat bago sya inis na binalingan. "Don't start!" inis na singhal ko and he lifts his arm putting his hands up, sign of a surrender, and laugh after. "Woah! I was just asking-!" "You're annoying!" Nakakainis naman to! Nagdadabog akong tumalikod na at aalis na sana ng hawakan nya ko sa braso na iwinaksi ko naman agad. "Bat ba ang sungit mo? May period ka ba?" amused nyang tanong. Baliw! "Pakyu ka-" "Hala? Wag mo kong hinahamon, ah! Kahit umaga pagbibigyan kita!" sabi nya sabay kindat. What the hell did he just say? "What are you talking about, jerk?" "Ha? May sinabi ba ko? Wala, ah!" Umakto pa syang nakatingin sa taas na parang nag iisip. Nakakainis talaga buong pagkato nito! Bwiset. Tumungo ako para kalmahin ang sarili ko at napapikit na lang ako sa pagpipigil ng inis. Pagmulat ng mata ko ay sa ID nya tumama ang mga mata ko. Hindi kami gaano magkalayo kaya naman nababasa ko nakasulat dito. Choucer Sky M. Gomez Bs- Civil Engineering "Oh, oh! Tama na yan. Wag mo na pakatitigan, baka matunaw ID ko, ah!" pang iinis nya pa lalo ng mapansin na nakatingin ako sa ID nya. TARAGIS NAMAN TALAGA! PAKYU BUONG PAGKATAO MO, GOMEZ! Kakaalam ko pa lang ng pangalan mo pero naisumpa ko na agad tss. Magsasalita pa sana sya ng may marinig kaming sigaw. " HOY GOMEZ! ANO YAN, UMAGANG KAY LANDI? MAMAYA NA YAN! PRACTICE MUNA!" Agad na nag init ang pisnge ko sa narinig lalo na ng magtawanan ang iba pa. Umagang kay landi? What the heck!? "SEVEN, WARM UP NA!" Natatawang ibinalik nya sakin ang tingin galing sa mga kateam nya. Ngayon ko lang napansin ang suot nya na. Gray sweater, maybe because meexpose sila sa sunlight? A track pants and nike shoes. Doon ko lang din napansin ang gray cap nya na nakasabit sa duffel bag nya. 'Capt. 7' ang nakasulat doon. Maganda. Nice cap. Sinundan nya ang tinitingnan ko at tumaas ang kilay. "You want my cap?" natauhan naman ako. "What? No. I have to go." sabi ko pa bago nagmamadaling umalis doon. "Bayad mo, ah!" sigaw nya habang tumatawa at di ko na pinansin pa. Pagdating ko sa loob ay nakita ko na may ilang nagwa-warm up na. It is included in the school rules na ang lahat ng athlete ay excuse na sa klase tuwing friday para sa practice. Pero hindi naman iyon palagi. Tuwing malapit lang na ilaban sa ibang school. Good thing na minor lang ang sub ko every friday kaya ayos lang. Nag warm up na din ako kasama ng iba pa, while waiting for the others, pumunta muna ako sa bench at kinuha ang phone sa bag ko. I dont want to bring a duffel bag, pakiramdam ko kasi, kapag yon ang gamit ko ay di nagpapantay ang balikat ko kaya backpack ang dala ko. Kasya naman gamit ko e. Nagonline ako sa IG at kinuhaan ng video ang palibot ng gym kung san makikita ang iba kong kateam na nagwa-warm up. Believe me, I am not exaggerating when I say that the gymnasium can accommodate thousands of people. I put a caption 'morning! :) Wala naman na akong mailagay kaya yan na lang. Maya maya pa ay biglang may nagpop up na notification sakin, capt.seven followed you on i********:. I rolled my eyes and swipe the notification to the side of the screen para mawala ito. Maya maya pa ay nareceive ko ang message request nya sakin. Mang iinis ka na naman dimulag ka! Binuksan ko iyon at binasa, @capt.seven: hoy magfollow back ka! Wag kang feeling famous! Napamaang ako sa nabasa ko. Kahit kelan talaga! Feeling ko sya ang magiging dahilan ng pagtanda ko ng maaga! Binuksan ko ang profile nya at nakitang nakaprivate ang account nya. 785k ang followers nya at 26 persons lang ang fino-follow nya, including me! Wow! Tapos ako pa ang sasabihin na feeling famous? Siraulo! Napabuntong hininga na muna ako bago ko sya finollow back. I immediately got a message from him saying, @capt.seven: sabi na e, di mo talaga ako matitiis ;) And that message put a smile on my face. Siraulo talaga yon! In-off ko na lang ang phone ko at bumalik na sa pwesto ng mga kasama ko dahil magsisimula na rin naman ang practice namin. Sa tuwing ganitong may practice, kami din ang pinaglalaban, 12 kami sa team. Six main players lang ang nasa loob ng court para lumaro while the other six players are the substitute. Since twelve nga kami, hinati kami sa dalawa para kami ang paglabanin. Lahat kami ay nakakalaro dahil sina-sub ang iba kapag pagod na. Pero isa lang ang pwede. Halimbawa, kapag may nagsub sakin, sya lang ang pwedeng magsub ulit sakin at hindi ang iba, ako lang din ang pwede mag-sub sa kanya. Kumbaga, kung kanino ka magsa-sub, doon ka lang at di na pwede sa iba. Nagpatuloy ang laro namin at nang ako na ang magsi-serve, pinatigil kami sandali ni coach para i-entertain ang coach ng baseball na siyang kapapasok pa lamang sa gym. What are they doing here? "Manunuod sila sa practice nyo para tingnan kung ayos ba ang laro ninyo. You'll do the same sa kanila. Papanuorin nyo din sila mamaya pagkatapos ninyo." paliwanag ni coach ng bumalik sya samin at kasalukuyang umuupo na ang mga players. Nakita ko pa ang pwesto ni gomez na nasa una at sa gitna. Bida amp. "Ha? Pero mainit don coach!" reklamo ni Ely. "Hindi naman kayo magpapainit, may malilom na part naman sa oval na pwede nyo pagtambayan. You'll just rate their performance at ganoon din sila sa inyo." "Para saan ba iyon coach?" "Para malaman kung may dapat pa bang iimprove sa way ng paglalaro ninyo." "Ano namang alam nila sa laro namin? Wala nga kaming alam sa laro nila coach e." "Yon nga din ang sabi namin pero si dean na ang nagsabi nito e. Hindi na kami nakaangal. Kaya sige na. Tuloy nyo na ang practice." sabi pa nya kaya nagsibalik na kami sa paglalaro. Habang naglalakad ay narinig ko pa ang hagikhikan ng mga nasa una ko. "Di naman na tayo lugi, at least mapapanuod natin si seven!" "Oo nga, malay mo, maturn on satin si seven habang naglalaro tayo hahaha," "Oo nga no? Gagalingan ko maglaro! Hayy, bakit ba kasi ang gwapo nyaaa?" dagdag pa nya na parang nagpapantasya. Napailing na lang ako at nagdiretso na sa paglalakad, inunahan ko na sila. Naramdaman ko naman ang akbay sakin ni ely. "Ang gwapo ni seven no!" sabi nya pa sakin na medyo malakas sa pandinig ko kasi nakatapat sa tenga ko ang bibig nya. "Oh? Ano gagawin ko?" natatawa kong tanong. Big deal naman sa kanila non nubayan. "Ha? Hindi ka ba nagagwapuhan? Tao ka ba, ha?" "Okay lang. He looks... normal," comment ko pa. Inirapan nya na lang ako pagtapos ay pinitik sa noo bago tumatakbong palayo sakin ng ambahan ko ng suntok. Baliw talaga yon hays. Hawak hawak ko ang bola dahil ako na ang serve ng itigil ang laro kanina. Pinapalo ko ang bola sa semento ng paulit-ulit habang hindi pa pumipito. Lumayo ako ng kaonti sa may line para kumuha ng bwelo. Nang pumito si coach ay humakbang ako ng isa palikod gamit ang kanan kong paa dahil doon ako kukuha ng bwelo. Itinaas ko ang kaliwa kong kamay bago ini-release ang bola. Kasabay ng pag-angat ko ng kanang paa pauna ay ang pagpalo ko ng malakas sa bolang nasa ere bago ako daling tumakbo sa loob ng court. Bumagsak ang bola malapit lang sa net kaya naman ng paulin ito ng kalaban ay tumama ito sa net at hindi naibalik. Serve ko ulit. Inulit ko ang routine na ginawa ko kanina at nakuha ito ng kalaban. Ilang ulit pa naming pinagpasahan ito pero nang paluin ng kalaban ay napalakas at sa labas ng court ito napunta. Sinubukang habulin ng isa pa pero hindi rin umabot. Serve ko ulit. "Go sexy ladyyyyy" Cheer ng isa dahilan para magtawanan silang lahat. Kanina pa ko naiinis sa kakacheer ng mga baseball player na yan pero di ko pinapansin dahil ayaw ko makialam. Pero sa napapansin ko ay talagang naapektuhan nila ang performance sa laro namin. Hindi kami ganito kalamya lumaro kanina at kahit nung nakaraan pa. Ang iba ay mukhang nagpapabebe pa at animong nahihiya. Ang iba naman ay sobra sobra na at talagang napakalalakas ng palo kaya naman sa labas napupunta. Nakakainis na. Todo cheer pa rin ang mga ito. Kahit karamihan ay ako ang ichinicheer ay talagang hindi na ko natutuwa! Habang pinagpapapasahan namin ang bola ay nakaisip ako ng isang napakagandang idea. Kaya naman ng sa gawi ko mapapunta ang bola ay napangisi ako. "Mine!" sigaw ko. Nasa kanang bahagi ang mga baseball player at medyo malapit lang sila samin dahil hindi naman kami sa mismong gitna ng court nagpapractice. Pumihit ako paharap sa kanila. Isang ngisi ang pinakawalan ko at buong lakas ko iyong pinalo papunta sa gawi nila ng di kapansin-pansin na sinadya ko iyon. Halos magslow mo ang paligid at halos manlaki ang mata ko ng tumama iyon sa gilid ng ulo ni gomez! s**t! Swerte na kausap nya ang katabi nya kaya hindi sya sa mukha tinama! Pero wth sa ulo sya tinama at sa sobrang lakas ng palo ko ay paniguradong masakit iyon! Sandali pang katahimikan ang nangyare bago nagsink-in sa kanila ang nagyare at dali daling lumapit kay gomez na ngayon ay hawak hawak na ang ulo at nakatungo. Nagtakbuhan ang mga kasama ko papalapit at halatang nag aalala dito. Lah? Nakakaguilty naman! Bat ko ba kasi naisipang gawin yon? Yan tuloy! Sshhhkk Dahil ako na lang ang naiwan ay dahan dahan na din akong lumapit sa pwesto nila. Halos hindi ko na rin marinig ang sinasabi nila kay gomez sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko sa kaba. Syeteee! Nagulat pa ko ng bigla syang nag angat ng tingin sa mga kateam ko. Di pa ko gaano nakakalapit e. Natatakot ako langya. "Who spike the ball?" malamig nyang tanong. Wala ni isa ang sumagot at napapikit sya sa sobrang inis at galit. "Bingi kayo? WHO FUCKIN' SPIKE THE BALL?!" galit na sabi nya na napalakas pa ang boses. "Seven, enough." kalmadong pigil sa kanya ng coach nila at umiling lang sya. Hindi ko alam kung ayaw ba nila akong ilaglag o natatakot lang talaga sila dahil di nila ako tinuturo e alam naman namin na ako yon dahil kitang kita nila. "Ano?! Walang sasagot?! Sino---" "Ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD