"Saan mo ba kasi kami dadalahing bata ka?" Reklamo ni Mio nang pumunta kami sa palengke. "Pupuntahan nga natin ang kaibigan ko," anito sa inis na boses. Paano ba naman kase, kanina pa siya kinukulit ng tatlong kasama namin kung saan pupunta dahil mainit raw sa balat at pagod na sila. 10:30 na kasi kami nakaalis dahil lahat kami ay puyat. Paano ba naman, nilaro ang anak ko at pinagbigyan pang magmovie night. Nang magutom ng hatinggabi, sarado na ang mga tindahan at wala ng mabili kaya naman nagluto pa sila. Ini-spoiled masyado ang anak ko. Hindi kasi tulad sa manila na may mabibilihan ka pa rin kahit dis oras na ng gabi, dito sa probinsya, als nuwebe pa lamang ay sarado na ang mga tindahan. "Wow, buti may nakipagkaibigan sayo, ano?" Aian exclaimed. Inaasar na naman si Isha. "Sa ganda k

