"'Sha, asan na ba ang pinsan mong 'yon?" Tanong ni nanay habang kumakain kami. "On the way na daw 'nay. Wala pa nga reply. Baka may dinaana o baka nawalan signal." Paliwanag niya pagkatapos ay sumubo ng pagkain. May inaasahan silang bisita na darating. Ang alam ko ay dalawang araw na magistay iyon dito. Bumibisita yata sa kanila. And that reminds me kung kailan babalik ang mga kaibigan ko. It's already a week since they left. Namali pala kami ng tingin sa schedule ng pageant and sagala. Ang akala naming ngayong week ay sa sunod pa pala. Sinabi ko naman iyon sa mga kaibigan ko at parang nakahinga sila ng maluwag dahil sabi nila ay tumambak ang gawain nila noong umalis sila at may urgent na aasikasuhin ngayon linggo. I'm jealous, they were so busy at ako, andito lang, parang hindi umuusad

