Chapter 1
Shine's Point of View
Transferee ako dito sa Ansuello Harmonica Academy (AHA) pero marami akong friends at kakilalang nag-aaral dito. One time while kasama ko si Celine papuntang Canteen, pinakilala niya yung boyfriend niya na si Kyle at ang pinsan nitong si John sakin.
"Babe, buti naman at nandito na kana," sabi ni Kyle habang abot tainga ang ngiti.
"Hi babe, John. Oo nga pala, meet my childhood friend, Shine. Shine, my boyfriend. He is Kyle at pinsan niya, si John," pagpakilala sakin ni Celine sa dalawang lalaki na nasa harap namin. They're both pangit. Hehe! Hindi kasi ako mabilis mag-appreciate ng mga bagay-bagay lalo na yung beauty ng isang tao.
"Kyle."
"John."
Sabay nilang pagpakilala at sabay din nilang inabot ang kamay para makipag-shake hands sakin but I ignored their hands. Ews! Baka may virus mga yan, HAHAHA.
"Nice meeting you both," cold kong sabi kaya binawi nalang nila pareho ang mga kamay nila.
"Ganda sana kaso parang yelo," rinig kong bulong ni John.
"Tsss! Bumulong pa, eh naririnig naman." Shempri sinabi ko lang yan sa isip ko. Di ko nalang siya pinansin.
"Ang cute naman ng friend mo babe, bagay sila ng pinsan ko. Haha," panunukso ni Kyle habang nakatingin kay John.
"YeeEih!" kinikilig na usal naman ni Celine. "Single naman yan eh, boto ako sa inyo," dugtong pa ng luka-luka Kong kaibigan. Namula naman yung mukha ni John, ay crush niya ako? Agad-agad? Ews, haha.
"EwwS!" nandidiri kong turan. Hindi pa ba tayo oorder? Kakain nalang ba tayo at hindi na mag-uusap?" Sarcastiko kong sabi pero cold expression pa din.
"Manhid," bulong naman ni Celine pero dinig ko pa din. Iwan, may taingang kuneho yata ako kaya ang talas ng pandinig ko, haha. Pero hindi ko nalang pinansin. "Babe, ikaw na mag-order please, libre mo na kami," sabi niya at nagpa-cute pa sa boyfriend niya. Sana all kasi may boyfriend, haha.
"Sure babe. Upo na kayo, wait niyo nalang ako," agad na sagot naman ni Kyle at tumayo na para mag-order. Kahinaan niya yata yung pa-cute ni Celine.
Umupo na kami sa square table.
"John, diba single ka din?" tanong ni Celine.
"Oo," agad na sagot ni John. "Bakit?" tanong ng pangit habang nakataas yung mga kilay niya.
"Bess, single daw oh. YeeEih!" Punyemas na Celine to, hindi pa pala tapus sa panunukso. Pero I just ignored them and gave no expression.
"Mukhang di naman ako type ng bestfriend mo, Lin (short cut for Celine)," seryusong sabi ni John at nagnakaw pa ng tingin sakin.
"Right. He's not my type. Pangit," cold tone pa din at shempri pabulong na yung pagkasabi ko ng pangit. Naglagay nalang ako ng earphone at nakinig ng music while sina Celine naman at John ay nag chika-chika pa. Later on ay bumalik na si Kyle. Kumain na kami pero hindi ko na tinanggal yung earphone ko. Hindi kasi ako mahilig makipag-usap sa mga pangit.
Wala lang, di ko lang sila type. Friendly naman ako eh, kaso cold lang talaga magsalita. Most of my barkada din naman lalaki pero itong si John and Kyle ay wala akong gana makipag-close. Pagkatapos naming kumain ay nag-uusap pa din sila but I don't know if about saan, naka-earphone ako eh. Bahala kayo diyan.
"Hoy, Shine!" sigaw ni Celine sakin kaya nagtinginan samin lahat ng estudyante sa Canteen. "Ay, sorry guys. Hehe! Sige, kain na kayo ulit," nahihiyang sabi ni Celine sa mga nabulabog niyang tao sa Canteen, haha.
"Pwedi naman kasing tapikin mo yung braso ko, hindi yung sisigawan mo'ko bigla bess. Hindi ako bengi bess," cold kong sabi sabay kuha ng earphone.
"Kanina pako bess ng bess at Shine ng Shine sayo eh," naiinis niyang sabi sabay hampas sa batok ko.
"Bakit ba kasi?" cold kung tanong habang hinahagod yung batok ko. Medyo malakas yong batok pero shempre hindi na ako bumawi. Ito kasing si Celine ang bilis ng kamay nito pagna-iinis or napipikon.
"Wala," nagtataray niyang sagot. "Malapit na next period, tara na Miss Manhid. Tss! Di ka man lang ba nasaktan sa hampas ko?" Inis niyang tanong.
"Ganda ng bago kong palayaw ah. Miss Manhid? So, gusto mo talaga akong masaktan?" cold kung tanong pero tinaasan ko siya ng isang kilay kaya bigla nalang siyang nag change mood.
"Ito naman, di mabiro. Tara na sa room natin," mahinahon na sabi ni Celine.
"Tss! Di naman tayo same section. Remember?" saad ko.
"Oo nga no? Sige, idadaan ka nalang namin sa room mo bess," sagot niya at agad siyang tumayo.
"Let's go?" tanong ni Kyle.
Ayon, iniwan nila ako sa room. Then, hinatid na din ni Kyle at John si Celine sa room niya. Same grade kami ni Celine pero nasa Bronze siya (4th section of grade 9). Ako naman ay nasa Diamond, (1st section). Si John at Kyle naman ay nasa Gold (2nd section).
Well varsity players pala ng basketball at sikat sa School ang dalawang pangit kaya naman pala ang daming lumilingon at mga bubuyog kanina sa daan at canteen. Ews! Bitches!
Narinig ko lang ang information na yan sa mga bubuyog kong classmates. Ang iingay kasi, buzz dito, gossip doon, may pa tili-tili pang nalalaman pag may pogi daw na dumaan kaya bubuyog tawag ko sa kanila, haha. Wala din ako close friend sa room, mga fake kasi mga tao dito eh saka puro competition on grades din. Mga feeling matalino at ka compete yung tingin nila sakin lalo na noong nalaman nilang honor student ako from other School.
Discuss...
Discuss...
Discuss...
Kring kring kring!!
"Ok! Enjoy your weekend everyone. Class dismiss!" Sabi ni Mrs. Cruz na mukhang mabait naman na guro. Haist, makaka-uwi na din ako.
Nagligpit ako agad ng gamit at lumabas ng room.
"Hi Shine," bungad sakin ni John sa pinto ng room na ikinagulat ko naman.
"Ay palakang tanga," nasabi ko dahil sa gulat. Nakakahiya, gosh. Shempe hindi na cold tone yun, gulat tone of voice na talaga.
"Sa kagwapohan kong ito, tatawagin mo lang na palaka?" pagyayabang ni John.
"Tsss!" yan lang sinagot ko sa pelingerong palaka. Oo nga pala, palaka nalang kaya itawag ko dito? At napangisi ako sa naiisip.
"Excuse me!" sabi naman ng classmate kong nerd na dadaan.
"Ay sorry," agad kong sabi sabay labas ng room. Kanina pa pala ako nakaharang sa pinto, haha.
"Hatid na kita sa inyo, Miss Beautiful," offer ni John. Lol! I'm pretty naman talaga but ayokong tinatawag na Miss Beautiful no. Ang over cheesy.
"Hoy! Shine yung pangalan ko, hindi miss beautiful! And I have my own car kaya umalis ka nga diyan sa harapan ko," walang emosyon kong sabi sabay taas ng kaliwang kilay.
"Ang taray. Pero mas lalo kang nagiging cute pag ganyan," sagot na palaka.
"Aalis ka o tatadyakan kita?" sabay sulyap sa gitna niya. Ews!
"Eto naman mapanakit. Gusto lang naman kita ihatid eh. Puma..." Hindi pa siya nakatapus ng pagsasalita ay sinipa ko na yung gitna niya.
Dami pa niyang satsat and I hate someone who ignores my threat.